Chapter 7
[Jillian’s POV]
“Bakit ba kasi ako ang naisipan mong piliin ha? Sa dinami-rami ng tao sa buong mundo, bakit sa akin ka kailangan umilaw?”
Napa-buntong hininga ako habang naglalakad ako papunta sa labasan ng barangay namin at papasok sa trabaho. Mukha na kasi akong sira rito na kinakausap ang gold compass na hawak ko. Wala namang nangyayari. Sinubukan ko paikot-ikutin ang kamay nito pero wala namang kakaibang mahika ang lumalabas dito.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi ni Cupid na ako lang ang makakapagduktong ng malakas na koneksyon sa mga tao. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ‘yun.
Pagka ba pinagdikit ko ang mga palad nila eh magkakaroon na sila ng koneksyon? O kailangan ko rin magkaroon ng pana? Kaso palpak nga ako pumana! Mamaya lalong magulo ang lahat!
Paano ko ba gagawin iyon?
“In an old fashion way!”
Halos mapa-talon ako sa gulat nang bigla-biglang may nagsalita sa likuran ko. Nakita ko doon si Cupid na pormang porma ang suot at naka shades pa ang loko.
“Wag ka ngang bigla-biglang sumusulpot! Tsaka saan ba ang lakad mo at nakaporma ka ng ganyan ha?”
“Punta akong abs-cbn, mag a-audition ako bilang leading man ni Maja Salvador.”
Pinanliitan ko siya ng mata.
“Joke lang! ‘To naman! Masama bang i-try ang fashion ng mga mortal?”
Tinalikuran ko siya.
Ngayon ko lang napagtanto na minsan talaga hindi matinong kausap ang God of Love.
Pero kung sabagay, mismong ang love ay never naging matino. Ang God of Love pa kaya!
“Uy teka lang! Nangiiwan ‘to! Hindi pa tapos ang sinasabi ko! Tinatanong mo kanina kung paano mo magagawang magkaroon ang dalawang tao ng koneksyon ‘di ba?”
Napahinto ulit ako at tinignan ko siya. “O, paano?”
“Do it in an old fashion way.”
“Huh? Ano ba kasing ibig mong sabihin dyan?”
“Magiging matchmaker ka!”
Tinaasan ko siya ng kilay, “at paano ko naman gagawin yun, aber?”
“Ewan. Mag bas aka ng mga libro kung paano maging matchmaker. O mag search ka doon sa internet. Masyado nang high-tech ang mga mortal kaya marami ka nang paraan para makakuha ng tip kung paano maging matchmaker.”
“Wait. You mean to say, magiging isang literal talaga ako na matchmaker? As in matchmaker talaga? As in mano-mano kong paglalapitin ang landas nung dalawa? Walang magic? Walang hocus-pocus?”
“Wala.”
“Eh anong silbi ng gold compass na ‘to?!” nanggagalaiti kong tanong sa kanya habang itinataas sa leeg ko ang pinaka compass.
BINABASA MO ANG
She Who Stole Cupid's Arrow
FantasySabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin ang pana ni Kupido. At dahil sa ginawa niya, limang tao ngayon ang nanganganib na hindi na mahahanap...