Epilogue

691K 22.1K 16.5K
                                    


Epilogue

AFTER 1 YEAR.


[Jillian's POV]

Naka-ilang buntong hininga na ako dito sa coffee shop kung saan ako naka-tambay. Dalawang beses na akong um-order ng Dark Mocha Frappuccino. Parehong venti at pareho kong pinalagyan ng extra whipped cream.

Oo na. Nag-i-stress eating na ako. Sabi ko sa sarili ko mag d-diet ako pero napagtanto ko na okay na ang chubby basta busog. Bakit ko ipagkakait sa sarili ko ang masasarap na pagkain?

Wala na nga akong trabaho at lovelife tas hindi pa ako kakain ng marami?! Aba unfair naman ata 'yon!

Simula nang mag resign ang sa publishing company na pinagta-trabahuhan ko noon, hindi na ulit ako nakahanap ng ibang work. Pero nung panahon na kasi na yun, nagkabati na kami ng daddy ko. He asked for my forgiveness and invited me to live with him kasama ang bago niyang pamilya. At first, I'm hesitant. But I badly want to have a family. Nakakasawa na rin ang mag-isa that's why I agreed.

I love my dad's wife. She's an amazing woman and she treated me like her own. Nakakasundo ko rin ang mga half-brothers ko. Close ko na nga sila eh.

Kahit ang daddy ko. Okay na kami. Masaya na kami. Nakabawi na siya sa akin.

Masaya na ako ngayon.

Yun lang, nabuburyo na talaga ako sa buhay ko. Feeling ko walang direction ang life ko. Sinubukan kong tumulong sa business ni mommy (yes, mommy na ang tawag ko sa new wife ni daddy) kaso hindi ko talaga gamay.

Kaya ngayon gusto kong bumalik sa publishing industry dahil ayun naman talaga ang hilig ko.

Bakit ba kasi nag resign resign pa ako!

Well, ang epic naman ng dahilan ko sa pag reresign noon. Na brokenhearted kasi ako kay Luke. Si Luke na mahal ko eversince college ako. Tapos ngayon girlfriend na niya ang kaibigan kong si Elise. At para maka-move on, nag resign ako.

Shitty move.

Though effective dahil naka move on na rin naman ako. And I am really happy for them. Nakaka bonding ko na ulit ang dalawang yun at inaamin ko na wala na ang sakit na nararamdaman ko.

Yun nga lang, wala pa rin akong work ngayon.

Kakagaling ko lang doon sa isang publishing company para sa job interview at ayun, hindi ako nakapasa. Ang saklap.

"Hi Ms. Jillian!" bati sa akin ng isang barista. Kilala na niya ako dahil madalas akong nandito. "Free taste oh!"

May inilapag siya sa table ko na brownies. Dalawa pa.

"Ba't dalawa?" nakangiti kong tanong.

"Para mag smile ka na!" pabiro naman niyang sabi.

Natawa ako nang onti at siya naman, lumapit na sa kabilang table para abutan ng free taste ang mga 'yon.

Kinain ko yung brownies.

Ang saya saya. Puro pampataba na 'tong kinakain ko.

Nang maubos ko na ang kapeng iniinom ko, naisipan ko na rin umalis. Makapag-ikot ikot na lang muna sa mall pang tanggal depression.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon