Chapter 2

859K 22K 4.8K
                                    

Chapter 2

 

 

“Sir mamatay na po ako. Hindi ko kayang pumasok *ubo ubo* ngayon. Kasi *ubo ubo* ang taas talaga ng *ubo ubo* lagnat kooo!”

        Nandito ako ngayon sa kahabaan ng EDSA, nakasakay sa bulok na kotseng nirentahan ko pa sa kapitbahay ko at nakikipag sagupaan sa matinding traffic---at init dahil sira ang aircon ng kotse. Kasalukuyan ko ngayong kinakausap ang boss ko at nagpapanggap/nagdadrama na may sakit para lang payagan niya akong um-absent ngayon.

        Kasi naman kanina bago ako umalis, nag sabi na ako kay Elise, yung isa pang editor doon na ka-close ko, na hindi na ako makakapasok. Eh itong si Sir West sukat tinawagan pa ako dahil ayaw maniwala!

        “Jillian siguraduhin mo lang na hindi ka nag-d-drama sa’kin ha?! Ang dami mong manuscripts na kailangang i-proofread! Malapit na ang deadlines nang mga ‘yon!” bulyaw sa akin ni Sir West mula sa kabilang linya.

        “Opo sir! I-p-proofread ko po ang mga ‘yun kahit na nasa death bed na ako!”

        “Pinipilosopo mo ba ako ha?! At ba’t ang ingay diyan sa inyo? Ba’t nakakarinig ako ng mga busina?! Sigurado ka bang nasa bahay ka lang ngayon at nagpapahinga ha?!”

        “N-nanonood po ako ng t-t.v!”

        “Hay naku Jillian! Basta I need those manuscripts by Monday kaya mag pagaling ka at ayusin mo ang trabaho mo!”

        Bago pa ako maka-sagot eh binabaan na niya ako ng telepono. Rinig na rinig ko pa ang pag bagsak nito kaya bigla-bigla kong nailayo ang phone ko sa tenga ko.

        Ang highblood na naman ng isang ‘yun! Grabe siya! Isang araw lang niya ako ‘di makikita eh akala mo end of the world na kung makapag-maktol siya.

        Ang malas siguro ng papanain ni Cupid para maging forever nitong si Sir West. Kawawang babae.

        Speaking of Cupid, kaya ako napilitang um-absent ngayon ay dahil kailangan kong nakawin ang pana niya.

        Ewan ko ba kung bakit ko ginagawa ang kahibangan na ‘to. Baliw lang ang taong maniniwala doon sa babaeng nakaitim.

      Pero sa hindi ko maintindihang kadahilanan eh eto ako, sinusunod ang sinabi niya sa’kin. Parang nagkaroon ng sariling buhay ang katawan ko.

            Bahala na nga. Hindi naman masama kung susubukan ko ‘di ba? Kahit na itong compass na ibinigay sa’kin ay dinala ako sa kahabaan ng EDSA.

            So saan ko naman hahanapin ang pana ni kupido sa gitna ng traffic na ito?

            Lagpas isang oras akong stranded sa EDSA dahil sa sobrang traffic. Iniisip ko nga baka mali ang pagkakabasa ko sa compass. Pero pinakiramdaman ko na lang ang instinct ko at tinuloy itong daanan na tinatahak ko.

            Hanggang sa makarating na ako ng SLEX, lumagpas na ng Laguna at ngayon, binabaybay ko na ang Tagaytay.

            Buti na lang naisipan kong punuin ng gas itong kotseng ‘to. Mamaya makarating ako hanggang Bicol nito.

            Sinundan ko ang route na tinuturo ng compass. Nakakapagtaka nga at naiintindihan ko ito kahit hindi naman ako marunong mag basa ng compass. Pwede ko kayang hingin na lang ito doon sa babaeng naka-itim? Madalas kasi akong maligaw at mukhang mas okay pa 'to kesa sa GPS ng cellphone. Hehe.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon