Chapter 53

471K 14.6K 6.5K
                                    

IMPORTANT: PLEASE DON'T FORGET TO READ THE AUTHOR'S NOTE SA DULO :)


Chapter 53


[Jillian's POV]

"Jillian, sorry sa nangyari sa kaibigan mo," sabi sa akin ni Zyron habang inaabot sa akin ang isang baso ng tubig.

Nandito na kami ngayon sa apartment ko. Kumalma na rin ako sa pagiyak. Ang tanging nasabi ko lang kay Zyron ay patay na ang kaibigan ko.

Kanina, hindi niya ako binitiwan habang umiiyak ako. Hindi siya umalis o nagsalita. Pinakinggan lang niya ako at hinayaang umiyak.

Kahit papaano, na-appreciate ko ang presence niya ngayon. God knows kung gaano ko ka-kailangan ng makakapitan ngayon. Gulong gulo ako sa mga nangyayari. Parang any moment, bibigay na ako. Hindi pa nagpapakita sa akin si Cupid.

Kung sino ang kailangan ko ngayon, siya pa ang wala.

"Thank you Zyron ah? At pasensya ka na talaga. Masyado lang talagang mabigat sa akin ang nangyari."

Kinuha ni Zyron ang kamay ko then he squeezed it.

"Wag kang magpasalamat Jillian, okay lang yun. Naiintindihan kita."

Tinignan ko si Zyron. He's smiling at me. Hinigpitan ko rin ang kapit ko sa kamay niya kaya naman napatingin siya sa kamay ko.

"Zyron...ba't kahit ilang beses kitang itaboy ayaw mong sumuko?"

He looked taken a back because of my question.

"Jill, I told you, I really like you at hinding hindi kita susukuan 'di ba? Kahit itulak mo pa ako palayo o kahit ikaw ang lumayo, hindi kita lulubayan. Kahit makulitan ka pa sa akin, I'll prove to you na deserve ko ring mabigyan ng chance."

Napangiti ako, "eh paano kung magka-boyfriend na ako ng iba?"

"Kung magkakaboyfriend ka sisiguraduhin kong ako yun."

"Eh paano kung magkagusto ka na sa iba?"

Napailing siya, "that's impossible. Paano mangyayari yun kung ninakaw mo ang puso ko? Tinago mo, pinadlock tas tinapon ang susi?"

Napatawa ako ng mahina.

"Magkakagusto ka sa iba Zyron..." dahil after ni West, ikaw naman ang i-ma-matchmake ko.

Napakunot ang noo ni Zyron, "kailan ka pa naging manghuhula?"

I shrugged, "wala lang. Basta alam ko mangyayari yun."

Ipinatong ni Zyron ang kamay niya sa ulo ko at tinitigan ako sa mata, "hindi mo pa alam ang pwedeng mangyari. Pustahan tayo, sa simbahan ang tuloy nating dalawa balang araw."

"Magkano pusta mo?"

He grinned, "buong buhay ko ang ipupusta ko."

Napailing na lang ako sa kanya habang nakangiti.

Kahit ang kulit ng isang 'to, kahit papaano medyo nakakalimot ako.

~*~

Dalawang araw akong hindi pumasok sa trabaho. At nung bumalik ako sa opisina, yun ay para kuhanin na ang mga gamit ko.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon