Chapter 52

380K 13.4K 4.6K
                                    

Chapter 52


[Jillian's POV]


"Miss excuse me," tinapik ko sa braso yung isang babae na naglalakad at agad naman siyang napatingin sa akin. Pinakita ko ang litrato na hawak ko sa kanya. "Nakita niyo po ba ang babaeng ito? Petite po siya na mas maliit sa aking ng onti tapos mahaba ang buhok at mestiza?"

"Naku sorry miss, hindi eh."

"Ah ganun po ba? Salamat po."

Napabuntong hininga ako at naupo sa mahabang silya sa tapat ng isang sari-sari store. Kanina pa kami nagpapaikot-ikot ni Aling Melissa para hanapin si Cassy. May 24 hours na rin siyang nawawala kaya naman na-i-report na namin ito sa pulis at tinutulungan na rin nila kaming mag hanap.

Kinakabahan ako at hindi ako mapakali.

Pwedeng kagagawan ni Ayesha ang pagkawala ni Cassy---pero bakit? Dahil sa kakayahan nitong makita ang hinaharap?

Kung si Ayesha nga ang may pakana nito, ibig sabihin lahat ng sinabi ni Cassy ay totoo?

Napailing ako.

No. Hindi lahat ng bagay na nangyayari ay konektado kay Ayesha.

Maaring iba ang dahilan ng pagkawala ni Cassy. Pero ninenerbyos pa rin ako sa hindi ko malamang kadahilanan. Masama ang kutob ko rito.

Napapikit ako.

Please, sana walang nangyaring masama sa kanya.

Nasaan na ba kasi si Cupid? Ang tagal na niyang hindi nagpapakita sa akin. Kung nandito lang siya, for sure nahanap na agad namin si Cassy!

Cupid naman eh! Umuwi ka na!

Tumayo ako at nagsimula na ulit mag-hanap. Good thing at hindi na umaatake ang hilo ko. Alam kong kalalabas ko lang sa ospital pero hindi ako mapapakali hangga't hindi nakikita si Cassy.

Alam kong hindi ko kadugo sina Aling Melissa at Cassy. Hindi rin naman kami ganoon kalapit sa isa't-isa.

Pero may time na dati, nung nagiisa ako at may sakit, silang dalawa ang tumulong sa akin. Sa umaga, dadalhan ako ni Aling Melissa ng lugaw. Sa hapon naman, si Cassy ang nag ch-check sa akin kung uminom na ba ako. Nung nagka dengue ako, sila rin ang umalalay sa akin nun.

Mahirap mag-isa. Oo, natuto akong maging independent. Pero yung mga small gestures na ginawa nila sa akin noon, sobrang thankful ako.

Naranasan ko kasi kahit papaano ang merong mag-aaruga sa akin.

"Miss! Miss!"

Napalingon ako nang may lalaking tumapik sa akin.

"Ikaw yung naghahanap sa babae 'no? Yung may dalang litrato?"

"Ah opo. Bakit po? May balita na ba?"

"Opo. Naku sumama na lang kayo sa amin. Papunta na rin ang nanay niya!"

Dali-dali akong sumama doon sa lalaki. Sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa may likod ng palengke.

Maliit na eskenita.

Parang pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko.

Bakit dito niya ako dinadala?

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon