Chapter 56
[Jillian's POV]
Halos hindi ko maigalaw ang mga hita ko papasok sa hospital room ni Ana. Hawak-hawak ko nang mahigpit ang braso ni Cupid. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nagaalinlangan ako na makita siya?
Kumatok si Cupid sa room pero walang nagbukas para sa amin. Instead isang mahinang "pasok kayo.." ang narinig namin.
Cupid opened the door at pumasok kami sa loob. Walang ibang tao sa loob bukod kay Ana na naka-higa sa hospital bed. Sobrang payat niya. May bonnet na rin siyang suot na sign na wala na siyang buhok.
Leukemia.
Parang gusto kong maiyak.
Nilingon kami ni Ana at nakita ko siyang ngumiti ng malawak.
"Jillian," sabi niya.
Agad akong lumapit sa kanya.
"Na-recognize mo ako?"
Tumango siya, "yung picture natin palaging nasa wallet ko."
"Ana..."
I occupy the seat beside her bed at hinawakan ko ang kamay niya.
"P-paano ka pala napunta rito, Jill? Sinabi ba ni Mother Superior sa'yo?"
Hindi ako nagsalita.
"Si mother superior talaga... pero atleast nakita kita uli. Ang tagal na 'no?"
Tumango ako, "k-kamusta ka doon sa pamilyang umampon sa'yo?"
She smiled, "masaya ako doon Jillian. Sobrang saya." Napahinga siya ng malalim. "Naalala mo noon sabi ko gusto ko ang aapon sa akin eh mayaman? Tapos na-disappoint ako na isang oridinaryong pamilya lang ang umampon sa akin. But it turns out, sa kanila ko pa mararamdaman ang tunay na pamilya."
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, "I'm really happy for you Ana."
Tumawa siya ng mahina.
"Sa lahat ng dumalaw sa akin, ikaw lang an nagsabi niyan."
"N-no! H-hindi yun ang ibig kong sabihin. I-I mean---"
"I know Jillian. I know. And I'm glad na may tao pa ring sasabihan ako na masaya sila sa akin sa kabila ng nangyayari sa akin ngayon."
Napalunok ako. I fought back the tears.
God. She's the same old Ana. Yung Ana na kaibigan ko na masiyahin at masyadong positive ang outlook sa buhay.
She's smiling brightly. Her eyes are shining.
Kahit nahihirapan siya. Kahit may sakit siya.
She deserves West. At ang bigat sa dibdib.
"Ikaw naman? Kamusta ka? Boyfriend mo ba yung kasama mo kanina?"
Napalingon ako sa likod. Wala si Cupid. Ibinalik ko ang tingin ko kay Ana at nginitian siya.
"Pinsan ko yung kasama ko. Si Eros."
"Oh. Kaya pala magkahawig kayo."
Parang bigla naman akong nag blush dahil sa sinabi niya. Kahawig ko raw si Cupid? Ibig sabihin ang ganda ko?!
BINABASA MO ANG
She Who Stole Cupid's Arrow
FantasiaSabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin ang pana ni Kupido. At dahil sa ginawa niya, limang tao ngayon ang nanganganib na hindi na mahahanap...