Chapter 46

389K 12.8K 5.8K
                                    

Chapter 46


[Jillian's POV]


"Sir Zyron please, bumalik na tayo sa office. Ma-l-late po ako. Marami pa po akong trabaho."

"Akong bahala sa'yo," kinindatan niya ako at ibinalik niya ang tingin niya sa kalsada.

Napasimangot ako.

Mali talaga na pumayag akong sumama sa kanya. Maling maling mali. Sabi niya kasi diyan lang sa coffee shop sa kabilang street kami pupunta. Sasamahan ko lang siyang mag kape. Pero ilang street na ang nilagpasan namin. Ang layo na namin sa office.

"Sir may trabaho pa po ako," seryoso kong sabi.

"Wala ka nang magagawa Jillian. Pumayag ka na eh," nilingon niya ako and then he gave me a mischievious smile.

"Okay just tell me saan po ba tayo papunta?"

"Sa condo ko."

Nanlaki mata ko, "huh?! Why?!"

Bigla-bigla naman siyang tumawa ng malakas, "I'm just joking! May alam akong restaurant sa 'di kalayuan. Masarap ang breakfast nila doon."

Mas lalo akong napasimangot, "nag breakfast na po ako."

"Hindi ka naman siguro on diet."

Napabuntong hininga ako, "Sir Zyron, marami pa po akong trabaho. Please?"

"Malapit na deadline?"

"Opo."

"Imomove ko."

"You cannot do that. Maapektuhan ang release date ng mga libro."

"So what? I'm the boss."

I look at him in disbelief.

Magkamukha sila ni West. Ang daming similarities ng itsura at kilos nila.

Pero magkaibang magkaiba sila.

Si West, never niyang ginamit ang posisyon niya para sa akin. At hindi masama ang loob ko doon kasi mas nakakainis yung ganitong trato. Wala siyang pagpapahalaga sa trabaho niya.

Kahit naman noong okay kami ni West, never niyang ini-move ang deadlines ko para sa pangsariling dahilan. Hindi niya rin nakakalimutan na paalalahanan ako na may dapat akong tapusin at ipasa.

Walang special treatment.

Okay yes, meron. Pero special in a way na walang masasagasaan.

Napailing ako.

Bakit ba hindi ko maiwasan na i-compare si West kay Zyron?

O baka sa lahat ng lalaking darating sa buhay ko ikukumpara ko si West. At nararamdaman kong palaging si West ang mas lamang.

Tumingin na lang ako sa bintana at pilit kong nilalabanan ang inis na nararamdaman ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko na boss ko si Zyron at dapat mag dahan-dahan pa rin ako sa pakikipagusap sa kanya.

"Hmm, napatahimik ka. Are you mad at me kasi marami ka pang trabaho?"

Hindi ako umimik.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon