Chapter 1
“Pumalpak ka na naman.”
Nakakunot ang noo ng editor-in-chief namin na si Sir West habang nakatingin sa’kin. Sa table niya may nakalatag na tatlong libro Mga book sample ng librong ire-release namin two weeks from now.
“Ano po ba ang problema?” tanong ko sa kanya while avoiding his gaze. Wala naman talagang nabubuhay na nilalang ang nakaka-tingin ng diretso sa mata ni Sir West eh. Pakiramdam ko katapusan ko na pag inangat ko ang tingin ko sa kanya.
“Anong problema? Yung trabaho mo ang problema! May mga naka-lusot na naman na typographical and grammatical errors! Ano ba Jillian, kailangan mo na ba ng salamin ha?”
“S-sorry po. Aayusin ko na lang po.”
“Sige na! Kunin mo na ‘to at lumabas ka na sa opisina ko!”
Dali-dali kong kinuha yung mga book sample at naka-simangot akong bumalik sa table ko.
Ang sungit-sungit talaga ng boss namin! Kung matandang binata siya maiintindihan ko eh kaso hindi. Halos magka-edad lang kami pero yung kasungitan niya dinaig pa ang babaeng nag me-menopause. Laging lukot ang noo at salubong ang kilay.
Hindi kaya na-sobrahan siya sa kape?
Isa akong proofreader sa isang publishing house. Kung hindi nga lang maganda ang pa-sweldo rito, matagal na akong nag quit dahil laging akong pinag-iinitan ni Sir West. Feeling ko kada nakikita niya ang pagmumukha ko eh bigla na lang nasisira ang araw niya.
Wag siyang mag-alala. The feeling is mutual. Sadyang malas lang ako dahil mas mataas ang posisyon niya sa’kin.
Napa-buntong hininga na lang ako at binuklat yung book sample. Hinanap ko yung mga ini-highlight ni Sir West na dapat kong ayusin.
Tatlo! Tatlo lang! Yung isa sumobra lang ng spacing. Tas kung pagalitan niya ako eh akala mo pumatay ako ng tao!
“Jillian, napag-initan ka na naman ba ni Sir West?”
Napalingon ako bigla sa likuran ko at nakita kong nakatayo doon ang layout artist naming si Luke. Naka-ngiti siya sa’kin habang may hawak-hawak na mug.
“Uminom ka muna ng kape para mawala ang init ng ulo mo,” inilapag niya ‘yung mug ng kape sa table ko.
“T-thanks Luke!”
“Wag mo na pansinin ‘yun. Wala kasi siyang lovelife kaya siguro masungit,” pabulong at natatawa-tawa niyang sabi sa’kin bago siya bumalik sa desk niya.
Ininom ko yung kapeng tinimpla ni Luke at parang biglang nawala ang init ng ulo ko. Napalitan agad ‘to ng kilig at para na akong shunga na nakangiti mag-isa sa tapat ng desktop ko. Jusko. Sa ginawa niyang ito, hindi na naman ako makakatulog mamayang gabi.
BINABASA MO ANG
She Who Stole Cupid's Arrow
FantasySabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin ang pana ni Kupido. At dahil sa ginawa niya, limang tao ngayon ang nanganganib na hindi na mahahanap...