Chapter 9
It’s still seven in the morning pero nakapaligo na ako at nakapag ayos. Ngayon naman ay kasalukuyan na akong nag a-almusal. Napaka-unusual na bagay nito para sa akin.
Ang aga pa! For sure pag umalis ako ng bahay ng 7:30, makakarating ako sa office ng 8-8:30 kahit pa ang traffic. Pero keri lang. Nangako ako sa boss ko na magiging mabuting empleyado na ako.
“Wow naman, ang aga ha!”
Napatingin ako kay Cupid na sumulpot na naman out of nowhere at ngayon ay paupo na sa harapan ko. Hindi na siya pormang porma ngayon at wala na rin siyang suot na shades. Buti naman at simpleng shirt at pants na lang ang suot niya.
Kumuha siya ng pandesal at pancit canton na kinakain ko.
“Wala ka bang bahay? Wala ka bang pera? Pansin ko lang, madalas kang makikain dito!”
“Huwag kang madamot binibini. Ang mga biyayang ibinibigay sa’yo katulad ng pagkain na ito ay dapat ibinabahagi rin sa iba,” pangaral niya sa akin sabay kagat ng pandesal.
“Ewan ko sa’yo. Ano na naman ang ginagawa mo rito?”
“Wala naman. Kakamustahin ko lang ang pag porma sa’yo ng boss mo. May pa-Jollibee-Jollibee pa siyang nalalaman!” pang-aasar ni Cupid.
I just glared at him. Masyadong maganda ang umaga ko para patulan ko siya.
“Nga pala, nag date si Luke at Elise kagabi,” naka-simangot kong sabi kay Cupid.
Oo, ipinapakita ko talaga na naiinggit ako sa pag-alis ni Luke at ni Elise dahil dapat ako ang kasama ni Luke. Hindi na talaga ako nag-abala pang itago ang inis ko dahil wala rin naming saysay. Alam na rin naman ni Cupid ‘yun, itatago ko pa ba?
“Hindi pa considered as date ‘yun.”
“Pero umpisa na. Lumabas na silang dalawa. Alam kong mag e-enjoy si Luke sa company ni Elise. Masaya naman kasi kasama si Elise eh. Pala-tawa siya, mahilig mag biro, magaan kausap, ang dali niyang nakakaisip ng topic na pwedeng pag-usapan, mabait pa siya at maganda---“
“---at mag lilista ka pa nang pagkahaba-habang magagandang bagay about kay Elise habang iniisa-isa mo rin ang panget na bagay sa sarili mo.”
Napa-tikom ako ng bibig. Totoo naman ang sinasabi ni Cupid eh. Nag sisimula nang lumabas ang mga insecurity ko kay Elise. At gusto kong pigilan ‘to.
“Ang mga tao talaga ang hilig mag self-pity, ang hilig mainggit. Marami silang bagay na gusto na hindi naman para sa kanila. At pag hindi nila nakuha, kung sinu-sino ang sisishin. Hindi nila naisip na may darating naman na bagay na nakalaan sa kanila. Sadyang ang impatient lang nila mag-antay.”
Hindi ko magawang sumagot kay Cupid. Natameme na naman ako sa kanya. Kadalasan ay wala siyang sense kausap pero pag bumanat siya ng ganyan, hindi ko na magawang kontrahin pa. Tama naman kasi siya. Sapul na sapul ang sinasabi niya.
Lahat ng tao nag mamadali sa happy ending nila.
“Siguro dapat bilisan mo na rin mag emote diyan kasi kanina pa nag-aantay ang sundo mo sa labas.”
BINABASA MO ANG
She Who Stole Cupid's Arrow
FantasySabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin ang pana ni Kupido. At dahil sa ginawa niya, limang tao ngayon ang nanganganib na hindi na mahahanap...