Chapter 16
[Jillian’s POV]
“Hay. Ibang klase talaga ang hagupit ng bagyong Jillian sa puso ng kanluran,” naka-ngising bulong sa akin ni Cupid habang naka-lean siya sa may desk ko at sarap na sarap sa pagkain ng pizza.
Sinimangutan ko siya. Ayan na naman kasi siya at nangaasar eh.
Paano, tatlong araw nang nagpapa-breakfast itong si Sir West sa opisina. Kung nung una ay pandesal at pancit canton ang binili niya, kahapon naman ay lugaw at tokwa’t baboy. Tapos ngayon, nagpa-pizza naman siya! Ano ba! May plano ba siyang waldasin ang sahod niya nang ganito lang?
“Okay lang ‘yan Jillian. Nag eenjoy ka rin naman sa mga binibili niya eh. ‘Di mo ba napapansin? Favorite mo lahat ang binibili niya!”
Mas lalo kong tinignan ng masama si Kupido. Ba’t ba parang aliw na aliw siya pag may mga nilalang na nag durusa o nagiging mukhang shunga at uto-uto nang dahil sa pag-ibig?!
“Ibang klase talaga ang tama ni Kanluran sa’yo,” iiling-iling na sabi ni Cupid sabay kagat ng pizza.
“Ibang klase rin ang tama ni Edgar sa asawa mo!” ganti ko naman sa kanya kaya biglang nawala ang ngisi sa mukha ni Cupid.
Ha! Ano ka ngayon!
Napalingon si Cupid sa pwesto ni Enid na ngayon eh masayang nakikipag-usap kay Edgar. Napailing na lang ako.
Sa tatlong araw na pag-pasok nitong si Cupid sa opisina namin, hindi niya magawang makalapit kay Enid dahil laging bantay-sarado itong si Edgar. Naawa naman ako kay Edgar. Alam ko kasi na the more na ginagawa niya ‘yan ay the more na tumataas ang pagasang unggoy ang magiging ka-happily ever after niya.
Mabait naman itong si Edgar. Hindi nga lang kagwapuhan. At may pagka maangas at mahangin kaya minsan nakakapikon talaga siya. Pero masipag naman siya.
Yung nga lang, walang kaalam-alam ang mokong na ‘to na God of Love ang kanyang binabangga.
“Kailangan na talaga akong umisip ng paraan para maging malapit kami ni Psyche. Hay kung nasa akin lang sana ang pana ko ngayon, magiging madali ang lahat.”
“Perks of being the God of Love.”
“Huh?”
“Pana ka lang nang pana. Alam mo kung sino ang nakatakda para kanino. Hindi katulad naming mga mortal, walang kaalam-alam kung sino ba talaga ang the one para sa amin. Kaya naman kapag nag mahal kami, palagi kaming nagbibigay ng effort sa mga taong minamahal namin. At ayun ang hindi mo naranasan. Ang mag bigay ng todo-todong effort.”
Napa-simangot lalo si Cupid, “nag e-effort naman ako eh. Sadyang ang laking hadlang lang ng Edgar na ‘yan.”
Tinaasan ko siya ng kilay, “hanggang doon na lang ba ang kaya ng effort mo?”
Hindi umimik si Cupid at naupo na siya sa pwesto niya. Hindi na rin niya naubos ang pizza na kinakain niya. Nawalan ata ng gana dahil sa akin. Pero bahala siya. Sana mapaisip siya sa mga sinabi ko.
Alam kong nakakainis si Edgar. But I am secretly thanking him na nagiging hadlang siya sa kanila ni Enid. Tingin ko kasi magiging walang kwenta ang pag break ng curse ni Ayesha kay Enid kung hindi ito paghihirapan ni Cupid.
BINABASA MO ANG
She Who Stole Cupid's Arrow
FantasySabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin ang pana ni Kupido. At dahil sa ginawa niya, limang tao ngayon ang nanganganib na hindi na mahahanap...