Chapter 33
[Cupid's POV]
Napabuntong hininga ako habang nakatitig ako sa dalawang pitbull sa harap ko at kinakahulan ako. Pareho silang nakahanda na dambahin at kagatin ako pagka kumilos ako sa kinatatayuan ko.
Ikinumpas ko ang kamay ko at parehong natahimik ang dalawang aso. Maamo silang naglakad palayo sa akin at tumabi doon sa security guard na ngayon eh mahimbing na rin na natutulog.
Tinignan ko ang napaka-laking bahay na nasa harapan ko ngayon.
Ang bahay ni Senator Ricardo Evangelista.
Ang ama ni Jillian.
Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob. Kinailangan ko ring patulugin muna pansamantala ang mga katulong niya at ang dalawa niyang anak.
Mga half-brothers ni Jillian na ni-minsan ay hindi niya nagawang ipakilala rito.
"Anong ginagawa mo rito?! Anong ginawa mo sa kanila?!" sigaw ni Ricardo habang natatarantang nakatingin sa dalawa niyang anak.
"Wag kang mag-alala, pinatulog ko lang sila saglit. Alam ko namang gagawin mo silang dahilan para wag makipag kita sa akin eh."
Kumunot ang noo niya, "ano ang kailangan mo, Cupid?!"
Kitang-kita ko ang galit sa mata niya habang nakatingin siya sa akin. Alam kong gusto niya akong saktan ngayon. Gusto niya akong patayin.
Isa na namang nilalang na galit sa akin dahi sa isang kasalanang hindi ko ginustong gawin.
"Kailangan ko ang tulong mo."
Tumawa si Ricardo. A laugh full of sarcasm.
"Kailangan mo ng tulong ko? Talaga namang ang kapal ng apog mo na lumapit sa akin matapos ng lahat ng ginawa niyo!"
"Makinig ka muna sa akin—-!"
"Hindi! Lumayas ka sa pamamahay ko!"
"Ricardo—-!"
May inilabas siya sa bulsa niya. Isang kwintas na may kulay asul na bato.
Ang kwintas ni Janeia—-ang kapatid ko at ang ina ni Jillian.
"Alam mo kung ano ang pwedeng magawa sa'yo ng kwintas na 'to, Cupid. Kaya lumayas ka na sa pamamahay ko."
Napapikit ako, "Ricardo, kailangan ko ang tulong mo. Makinig ka muna sa akin. Nakasalalay ang buhay ni Jillian dito!"
"Hindi ako naniniwala sa'yo! Wala kayong ibang ginawa kundi paglaruan kami! Ni-hindi niyo nagawang iligtas si Janeia! Ni hindi niyo ginawan ng paraan para makalabas kami ni Jillian sa sumpa! Hindi ko mahawakan ang anak ko! Hindi ko siya magawang mayakap o makasama! Tapos ano? Ang sama ng tingin niya sa akin bilang isang ama! Akala niya pinabayaan ko siya!"
Lumapit siya sa akin at tinignan ako ng masama.
"Dahil sa inyo namatay ang pinaka-mamahal ko at hindi ko makasama ang anak ko! Lumayas ka na rito bago pa buhay mo ang bawiin ko!"
BINABASA MO ANG
She Who Stole Cupid's Arrow
FantasySabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin ang pana ni Kupido. At dahil sa ginawa niya, limang tao ngayon ang nanganganib na hindi na mahahanap...