Chapter 5
[Jillian’s POV]
Si Luke at si Elise…
Tahimik akong tumayo at iniwan si Cupid sa sala ng maliit na apartment ko. Nagtungo ako sa kitchen at binuksan ang ref atsaka ako kumuha ng tubig.
Kailangan kong mahimasmasan. Parang may nakabara sa lalamunan ko. At sa oras na ‘to, feeling ko, ako ang tinamaan ng pana ni Cupid…straight trough the heart.
Ang sakit. Sobra.
Matagal ko nang alam na imposible talagang maging kami ni Luke. He never treated me as more than friends. Kahit na bigyang meaning ko lahat ng kind gestures niya sa akin, I know at the back of my mind, wala lang ang mga bagay na ‘yun sa kanya. Wala lang ako sa kanya.
Pero ang sakit pala na marinig mo mismo kay Kupido na hindi yung taong matagal mo nang gusto ang itinakda niya para sa’yo. At mas dobleng sakit kasi nalaman ko pa na yung isa sa pinaka close kong kaibigan ang para kay Luke.
Bakit si Elise pa? Simula college gusto ko na si Luke. Mas nauna kong nakilala si Luke kesa kay Elise. Mas nauna akong nahulog, nag mahal at umasa. Pero bakit sa kanya itinadhana si Luke samantalang wala naman siyang ibang ginawa kundi ang ngumiti rito araw-araw kada umaga. Ni-halos hindi nga sila nagpapansinan dalawa eh.
Pero bakit siya? Bakit siya pa?
“Ano, kaya mo ba Jillian?”
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko doon si Cupid na nakatingin sa akin at ang lawak pa nang ngiti niya. Parang tuwang-tuwa siya sa sitwasyon ko.
Huminga ako ng malalim habang nangingilid-ngilid ang luha sa gilid ng mata ko.
“Cupid, ang hilig mo talagang manakit ‘no?”
“So it’s a no. I hope you do understand na hindi ka pwedeng humindi sa ipapagawa ko sa ‘yo,” Cupid told me while still smirking.
Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. Ayokong makita siya na nasisiyahan sa sitwasyon ko ngayon.
Ang cold niya. Para siyang walang nararamdaman. Para siyang hindi marunong maawa.
Ganyan ba talaga si Cupid?
“Acceptance is the key, Jillian. Hahayaan muna kita ngayong gabi. Pero bukas nang gabi, babalikan kita. At siguraduhin mong naihanda mo na ang sarili mo sa panahon na ‘yun.”
Hindi ko siya nilingon pero ramdam ko na umalis na siya. Ewan kung naglakad siya palabas ng apartment ko o tinamad siya at nag disapparate na lang siya tulad ni Harry Potter, pero wala akong paki. Ang mahalaga, lumayas na siya.
So ang gusto niyang mangyari eh bukas ng gabi, naka move-on na ako, ganun ba? Eh gago naman pala nang isang ‘yun! Sinong tao ang makakapag move-on ng overnight lang ha?! Naranasan niya na bang ma-brokenhearted?! Naranasan niya na ba ang mag mahal sa isang taong hinding-hindi ka mamahalin?!
Palibhasa ang trabaho niya lang ay pumana nang pumana eh! Ni hindi niya alam na minsan yung pag pana niya ay masyadong masakit.
BINABASA MO ANG
She Who Stole Cupid's Arrow
FantasySabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin ang pana ni Kupido. At dahil sa ginawa niya, limang tao ngayon ang nanganganib na hindi na mahahanap...