Prologue

385 47 2
                                    

"Let!" tawag sa akin ni lola

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Let!" tawag sa akin ni lola.


Ikot muna sa higaan.


Talukbong.


"Scarlet! Kakain na!" tawag ulit sa akin ni lola at kumatok na ito sa pinto.



Binuksan ang pinto, "Hindi ka ba kakain? Nandito na sa hapag kainan ang mga kapatid mo. Ikaw na lang hinihintay?" sabi sa akin ni lola at hinubad ko ang kumot ko na nakapalupot sa aking katawan.


"Kakain na, 'la. Susunod na ako," Tumayo na ako at umalis na si lola sa kwarto.


Monday na naman. Araw ng katamaran ko pumasok sa trabaho. Nakatira nga pala ako sa lola ko habang nasa hospital ang aking ina. Nasa coma ang aking ina mga tatlong taon na. Paano kami nakakabayad? Ako lang naman inaasahang kumita ng pera dahil mga kapatid ko pinapaaral ko rin. Napupunta lang ang pera sa billing ni ina sa hospital. Kailangan kong bayaran baka wala ipambayad sa oxygen ni ina. Oxygen na lang bumubuhay sa kanya. Ang tatay ko naman, nilayasan kami dahil nabaon sa utang na ako mismo nagbabayad ng utang niya dati. Nagsusugal kasi tatay ko. Napupunta na lang sa alak at sugal kaysa pampagamot ni Ina sa hospital. Nagsimula magkagano'n ang tatay no'ng nasagasaan si Ina. Kasama ako sa nasagasaan pero hindi malala sitwasyon ko dahil nasa driver seat ako at ang Ina ay driver.


Kaya kinupkop kami ng mga kapatid ko kina Lola Everlyn.



Pumunta na ako sa hapag-kainan at umupo katabi si Irene.


"Si Ate ang tagal!" reklamo ni Kevin na bunsong kapatid ko. High School pa lang siya ngayong pasukan nila.


"Sorry ang tagal ni ate. Alam mo naman Monday. Kapag gutom ka na 'wag mo na akong hintayin." Sabi ko sa kanya at kumuha ako ng itlog at hotdog na niluto ni Lola.


"Sinabi ko na rin sa kanila kaso hinihintay ka talaga nila." Sabi ng lola ko.


"Gusto namin kumpleto tayo kahit wala si Inay." Sabi ni Irene at nakita kong tumango si Kevin.


"Grabe naman pagmamahal niyo sa akin. Napakasweet niyo. Ginanahan tuloy ako." Ngumiti ako sa kanila.


this is how you fall in love [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon