Nakakatakot mahulog sa isang tao. Para kang paasahin sa wala kaya doon ka nasasaktan. Pero minsan kailangan natin itaya ang pagmamahal. Malalaman mo kasi kung mamahalin ka rin na pabalik kung hindi mo susubukan. Minsan hindi nasusuklian yung pagmamahal mo pero wala, e. Hindi patas talaga ang mundo.
I've been searching for someone who will reciprocate my feelings for him pero talunan ako. Ako palagi nasasaktan. Iniiwan bandang huli. Ginawa ko naman ang lahat para mapanatili siya sa tabi ko pero hinayaan ko na lang umalis siya. Siguro hindi siya karapat-dapat sa akin. Kung mahal niya ako, mananatili siyang mahalin ako pero hindi, e. Hinayaan ko na lang magkaganon.
I just want to be loved. Lahat naman tayo nananalangin, e. Lahat tayo umaasa na may taong may magmamahal sa atin. Pero hanggang kailan ba darating siya?
May dumadating naman kaso wrong timing. Akala ko kami na pala pero kalaban mo ang pangarap niya.. Mahirap isugal ang pagmamahal ko sa pangarap na tinatahak niya. Sino ba naman ako para pigilan siya? Suporta at hahayaan ko siya sa gusto niya. 'Yon naman ang importante pero sa huli talunan na naman ako..
Maniniwala pa rin ba ako?
Hindi biro magmahal. Akala nila kapag tumaya ka, panalo ka na? Hindi gano'n. Tataya ka pero alam mo kung ano kahahantungan ng pagtaya mo. Paano kung talo? Hahayaan mo na lang lumisan siya pero masasaktan ka?
Maniniwala pa kaya ako?
Ang daming katanungan sa isipan ko. Pero walang sumasagot sa mga tanong ko dahil sarili ko lang makakasagot nito.
"Let! Ano na? Yung utang mo? Mababayaran na ba?" tanong sa akin ni Francis na kanina pa nakatambay sa tindahan namin. Hindi pa naalis kasi ako na naman ang pakay niya.
Pasan ko problema ng pamilya namin lalo na sa utang. May utang ako kina Francis. Para may panggamot kay inay na nasa hospital hanggang ngayon. Umabot na ng milyon dahil kasama na rin utang ng itay na lumayas na sa amin.
"Wala pa ako pambayad. Pass muna. Kapag nakahanap na ko ng trabaho," sagot ko habang tinutulungan ko si Irene magbenta ng ukay-ukay namin.
"Trabaho? Siguraduhin mo lang na makakahanap ka. Kapag hindi, itutubos ko yung bahay ng lola mo," sabi niya na pailing-iling sa akin.
"Eto naman si Francis. Pwede naman madaan sa usap yan. Promise! Makakahanap ako ng trabaho ngayon buwan. Itaga mo pa sa bato," sabi ko sa kanya with cross my heart.
"Itaga mo pa sa bato ka dyan. Kalahating milyon kailangan ko sa susunod na buwan. Ha?" Kalahating Milyon? Saan ako kukuha ng gano'ng kalaki? Alam ko na si Yna! Maraming raket yung babaeng yon.
"Irene! Dyan ka lang ha? Kakausapin ko lang si Yna." sabi ko at tumango siya, "Ikaw na bahala magtinda dyan. Babalik din ako."
"Sige na, baka di mo pa maabutan si ate Yna," sabi ng kapatid ko.
Dumeretso ako sa pwestuhan ni Yna baka sakali ako na may mahanap siyang desenteng trabaho.
Biglang bumungad si Yna pagkalabas niya sa pwesto ng tindahan niya.
BINABASA MO ANG
this is how you fall in love [GL]
RomanceIsang babaeng lubog sa utang na may taong sasalo sa kanyang kahirapan. Ngunit may kapalit ito. Kaya bang itaya ang pagmamahal dahil lang sa pera?