Chapter 18 - Surprise

72 6 0
                                    


(A/N: It's R-18. Please read at your own risk.)


+++


"Pre, birthday ni Ma'am Jacey ngayon."


Gulat kong marinig ang sinabi ni Hero habang kausap si Leo ang piyanista namin sa Juxred Bar.


"Hinaan mo marinig ni Scarlet." mahinang sabi ni Leo pero dahil matalas ang aking pandinig narinig ko pa rin 'yon kahit nagpupunas ako ng mga lamesa.


Mga mokong 'to. Rinig ko pa rin usapan niyo!


"Hayaan mo na hindi niya rin alam na ngayon na 'no?" natatawang sabi ni Hero.


"Ano?! Ngayon?!" hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya.


Lumapit ako sa kanila.


"Ayon na nga. Narinig niya. Ikaw kasi." sisi niya kay Hero sabay siko nito sa kanya.


Nagpanggap sila na wala silang narinig at binato ko ang pamunas ng lamesa sa kanila.


"Sa akin pa talaga binato." reklamo ni Hero sa akin.


"Sure kayo? Birthday ni Jacey ngayon?" hindi pa rin ako desedido na maniwala sa mga loko-lokong 'to.


"Oo nga." sabi ni Hero na nag-aayos kanya gitara para sa performance namin mamaya.


"Bakit hindi niyo sinasabi sa akin?" inis kong sabi sa kanila at napatigil si Hero sa pagpunas ng gitara.


"Sorry naman. Balak namin sabihin sayo kaso mukhang nabalitaan namin na nakidnap ka nga nung nakaraan." sabi ni Hero sa akin.


"Pero kumusta ka naman?" pag-aalalang sabi ni Leo.


"Okay lang." Kahit hindi pa rin ako okay simula noong nakidnap ako.


Kinakabahan ako sa mangyayari.


Pero hayaan na muna.


Napakamot na lang ako sa ulo dahil isa sa mga problema ko kung ano ibibigay sa kanya.


Sarili ko na lang kaya?


Charing! Pero seriously, kailangan ko makabili ngayon ng regalo dahil magkikita kaming dalawa mamaya sa company niya.


Tiningnan ko yung oras mag-alas kwatro y media na.


"Guys, bibili lang ako." pagpapaalam sa kanila at tumayo na ako para ayusin ang aking sarili.


"Ano bibilhin mo? Baka kung ano-ano bibilhin mo." sabi ni Hero sa akin.

this is how you fall in love [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon