Chapter 10 - Dance

96 24 0
                                    


"You don't need to hide this from me. We will accept you no matter what you are. And Scar...we're just a human who likes girls. And that's okay. There's nothing wrong with you."


Those words kept on my mind when Jacey told me. I know it's just a dream. However, those words are the one I needed to hear everyday. Every time I felt alone with this struggle parang ang hirap na itago. Oo, malaya ka magkagusto pero darating araw na hindi ka makagalaw kasi conscious ka na malaman nila ang tunay mong kulay.


Tunay na kulay na nagkakagusto ako sa babae. Hindi ko alam matatanggap ako nina inay at lola. Natatakot ako na baka hindi ako tatanggapin ng buo. Natatakot ako na mag-isa lang ako sa laban ko. Pero noong umamin ako sa kapatid ko, doon ko naramdaman yung mahigpit na yakap na bukas na pusong tinanggap akong buo. Pakiramdam ko may kasama ako sa laban ko.


Masaya ako pero nanatili pa rin ako natatakot.


"Tulala ka naman, Scarlet." sabi ni lola habang nag-aayos kami ng damit sa room ni inay.


"'La, paano naging reaksyon niyo nung nalaman niyo si Kevin na bakla siya?" sabi ko sa kanya at tumawa siya.


"Alam mo ba noong bata pa si Kevin, barbie doll na ang hawak niyan kaya hindi na namin pinakealaman ang buhay niya. Mukhang masaya naman ang kapatid mo kung ano meron siya." mukhang pwede ko sabihin kay lola tungkol sa akin, "Pero sapat na sa akin si Kevin lang. Gusto ko rin magka-apo ka, anak. Yun yung hiling namin ni nanay mo noong maayos pa tayo." sabi niya sabay tupi ng mga damit.


"Pero 'la, paano kung hindi ka magkakaroon ng apo. Paano kung gusto ko pala ay babae." napatingin siya na seryoso sa akin at tinigil niya ang pagtutupi.


"Anak, pinangarap namin ng ina mo na magpakasal ka sa taong paninindigan ka at tanggap ka. Pero sana sa lalaki ka makakahanap. Para na rin may apo ako." nanlumo ako sa sinabi ni lola.


Tutuparin ko pa ba ang pangarap nila sa akin? Sa tuwing inuuna ko yung sarili ko sa kanila parang naninikip dibdib ko. Una, ang pangarap ko maging singer.


Masakit para sa akin yon pero sumuko ako dahil kailangan ko buhayin mga kapatid ko.


Ngayon, may gusto ako sa babae...


Pwede ba kahit bigyan nila ako pagkakataon na unahin ko rin ang sarili ko kahit sa pagmamahal man lang?


Narinig ni Kevin ang sinabi ni lola kaya umiling siya at dumeretso raw ako sa labas. Doon kami mag-usap.


Pagkarating ko, nalulungkot ako sa sitwasyon ko. Napaupo ako sa may upuan sa labas ng kwarto ni inay. Umupo naman kami.


"Ate, huwag kang malungkot." niyakap ako, "Ate, basta pakinggan mo lang puso mo. Masaya ako na masaya ka minamahal si ate Jacey." sabi niya at binatukan ko siya.


"Anong 'minamahal' ka dyan? Gusto ko lang siya." natatawang sabi ko sa kanya.


this is how you fall in love [GL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon