16 years later.....
I'm currently working on coffee shop as a manager. I started working here when I'm still in college kaya nung makagraduate ako ay prinomote nila ako as a manager para hindi na rin ako umalis.
Kinailangan kong mag-working student para makatulong sa gastusin sa bahay at pagpapaaral sa sarili at mga kapatid ko.
Si Papa kasi ay extra driver nalang ang naging trabaho niya. Akala ko kapag nag-ibang bansa si Mama ay gagaan ang buhay namin katulad ng sinasabi niya pero isang taon palang nakakalipas ay may nagpadala na agad ng picture niya na may kasamang ibang lalaki.
Papa tried to comfront her at imbes na magpaliwanag siya kay Papa ay pinutol niya ang connection niya samin.
"Ma'am Bea, Magsasara na po ba tayo? Wala na rin pong customer pwera sa kaibigan niyo po," ani Elisa.
Nilingon ko naman ang kinaroroon ni Riley ang bestfriend ko. Pinilit niya kasi ako magpunta ng bar at mag-bonding naman raw kami.
Hindi ko naman first time magpunta sa ganong lugar dahil sa kanya. Si Riley ay mula sa mayamang pamilya pero mabait miski ang magulang niya ay anak narin ang turing sakin.
"Sige, Magligpit na kayo. Ako lang naman ang inaantay ni Riley dito," wika ko.
Nilapitan ko naman ang cashier ngayon para mabilang nanamin ang kaha niya.
"Nacheck niyo na ba kung okay na?" tanong ko sa kanila. Tumango namag sila sakin sa ngumiti. "Osige. Ingat kayo!"
"Riley!" Ginigising ko ang kaibigan kong nakadukmo sa lamesa. "Hey, Wake up!"
Kinusot niya pa ang mata niya bago ako tignan. "Magsasara na kayo?"
Tumango ako sa kanya saka sinenyas sa kanyang siya nalang inaantay ng guard para masara na ang coffee shop.
"Sinabi ko na kasi sayong umuwi ka muna e----"
Pinutol niya naman ako sa pagsasalita at tumayo. "Nah! Ayoko 'no. Kilala kita kapag nakauwi kana ay mahihirapan na akong i-convince ka na umalis,"
Napailing nalang ako saka inaya na siyang lumabas ng shop. Tinuro niya naman sakin yung sasakyan niya na nakaparada sa gilid.
"How's your Dad??" ani Riley habang nagmamaneho.
"Okay naman. Syempre minsan sinasabi niya na gusto niya na mag-stop sa work niya,"
Matagal na rin talagang gustong manatili ni papa sa bahay e lalo na may sakit na siya sa heart at tumatanda na. Kaso anong gagawin ko? Hindi ko naman kayaning buhayin sila ng mga kapatid ko. Oo graduate na kami nila Ate Desiree at si Aliyah nalang ang nag-aaral pero si Ate Desiree ay nasa bahay lang nag-aalaga ng kanyang anak at wala pading trabaho until now habang si Kuya Billy ay ang tanging pinagkikitaan ay ang kanyang paglalaro.
Yun nga ang rason kung bakit kinailangan kong mag-working student kasi nabuntis siya nung boyfriend niya at sa loob ng paglilihi niya ay laging nasa hospital ang gusto niya.
"Eh bakit kasi hindi pa maghanap ng work yang dalawang kapatid mo?"
Bumuntong-hininga naman ako saka tumingin sa bintana. "Wala pang mahanap na work si Ate Desiree makitang work na linya niya tapos si Kuya naman kumikita sa online games niya,"
Riley hates my sister, Ate Desiree because she's a brat dahil siguro laging kinakampihan ni Papa eversince.
"Seriously? Sa standard dito sa pilipinas, Hindi mo na iisipin ang trabaho na pasok sa tinapos mo 'no... Ano ba naman yang Ate mo, Hindi niya naisip na may anak siya! Kung ikaw nga Entrepreneurship graduate ka, Eh bakit manager ka ng Shop? You should be managing a business kung ganon pala," panenermon ni Riley.
BINABASA MO ANG
Breadwinner (The Untold Story)
General FictionI've always put my family first and that's just the way it is but no one has ever prioritized me. September 16, 2023