Chapter 2:

139 9 4
                                    

"Ate Beatrice, Gising na po! Mag-almusal na raw po tayo at maaga ka rin daw po sa work mo sabi ni Papa." Inaalog pa ako ni Aliyah habang ginigising.

Kinusot ko ang mata ko habang unti-unti kong nararamdaman ang sakit ng ulo ko. Bigla ko nanamang naalala yung pag-uusap namin ni Xavi bago ako sumakay sa taxi.

Hindi ko hinayaang ihatid niya ako pauwi dahil hindi naman kami close para umakto siya ng ganon e.

Pagkatapos kong maligo ay dumiresto na ako sa kusina at doon ko naabutan ko sila Papa na nagsisimula na sa pagkain.

"Good morning po, Pa!" bati ko kay Papa na nagbabasa ng diyaryo.

"Kumain kana at inumin mo yang kape mo para mawala ang hang over mo," ani Papa.

Nilingon ko naman si Marcus na busy sa pagkain habang nanunuod sa kanyang cellphone. Siya ang anak ni Ate Desiree.

"Hi, Tita Beatrice!" Nakangiting bati ni Marcus saka lumapit sakin para humalik sa pisngi ko.

"Hi, Little pogi!" balik kong bati. Bumalik rin naman agad siya sa pagkain niya.

"Ate Beatrice?" Napalingon naman ako kay Aliyah nang tinawag niya ako. "Hmm... May babayaran po kasi kaming ambagan sa isang subject namin e,"

Graduating na kasi sa college si Aliyah kaya magastos na rin talaga pero kinakaya kasi kaonting kembot nalang.

"Magkano ba, Aliyah?" usal ko.

"500 po, Ate. Last na po kasi ang bayaran e. Akala ko po kasi may matitira sa allowance ko kaya hindi ko po muna sinabi sayo," paliwanag niya.

Napangiti naman ako kay Aliyah. Siya kasi ang tipo ng tao na madiskarte talaga bago humingi ng tulong sakin.

Kinuha ko naman ang wallet ko sa bag saka inabot sa kanya ang kailangan niya. Napalingon naman ako kay Ate Desiree na nakangiti rin sakin.

"Sis, Kasi may inorder si Marcus sa shopee e. Eh padating na yun," aniya.

Si Marcus ba talaga? Ilang beses na siyang nanghingi ng pambayad niya sa parcel niya at si Marcus ang palagi niyang dinadahilan.

"Ate Desiree, Wala pa kasi akong sahod ngayon talaga e. Yang binigay ko kay Aliyah ay sa allowance ko yan," ani ko.

"Pero paano yun baka dumating na?"

Napataas naman ang kilay ko sa boses niya na parang irita pa siya sakin.

"Magkano ba yan, Desiree?" singgit naman ni Papa.

Mula sa periphel vision ko ay nakikita kong nag-aalangan si Ate na sabihin kay Papa ang amount.

"Uhm... 3,000----" Nasamid naman si Papa ng marinig si Ate Desiree.

"Ano? Ano ba ang inorder mo Ate para umabot sa ganyang kalaking halaga?"putol ko sa kanya.

Nakakainis lang. Hindi marunong maghinayang.

"Hindi ako umorder 'non. Si Marcus nga!" irita niyang wika.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Talaga, Ate? Paninindigan mo yan? We both know na hindi alam ni Marcus ang shopee na yan... Ginawa mo na yan before kaya sa tingin mo ba maniniwaka ako?"

Umiwas naman siya ng tingin sakin at padabog na binitawan ang kutsara niya.

"Edi wag mo akong bigyan. Hindi yung ang dami mo pang sinasabi!" madiin niyang wika.

"Talaga?!" sigaw ko. Binato naman ni Papa ang dyaryo sa harapan naming dalawa ni Ate Desiree.

"Tumigil kayo! Hindi na kayo nahiya at sa harap ko pa talaga kayo nag-away!" Nilingon naman ako ni Papa. "At ikaw Beatrice, Bakit hindi mo pa bigyan ng pambayad? Alam mo namang walang trabaho ang Ate mo----"

"Yun na nga Pa e. Wala na nga siyang trabaho pero order pa siya ng order... Anong ibibigay ko? Eh wala pa nga sahod. Ang daming mas importanteng bagay na dapat unahin e," putol ko kay Papa.

Napabuntong-hininga nalang ako. Ayoko sa lahat ay yung nababastos ko si Papa.

Tumayo na ako at handa na sanang umalis ng magsalita nanaman si Ate Desiree.

"Kasi naman Papa, Kung sana hinayaan mo nalang si Mama na makipagkita samin. Baka doon makahingi ako ng tulong," ani Ate Desiree.

Napalingon naman ako sa sinabi niya. She's back? At anong gusto niya pa samin?

"Anong sinabi mo Ate Desiree?" tanong ko.

Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Oo tama ka ng rinig. Bumalik na ulit si Mama at gusto niyang magpakita satin kaso ayaw ni Papa,"

Tinignan ko si Papa na nakasimangot. Papa hate her kaya naintindihan ko ang desisyon niya.

"Para saan pa? Hindi na tayo bata, Kaya nanating tumayo sa sarili nating mga paa."

Hindi ko na sila inantay na makapag-react pa at umalis na ako ng bahay. Dumiretso na ako sa shop bago pa ako malate.

Hindi ko na siya kailangan kaya hindi ko na rin kailangan makipagkita pa sa kanya. Kinaya namin na wala siya noon kaya wala ding pinagkaiba ngayon.

Bumati nalang ako sa mga staff nung sabay-sabay sila sa pagbati sakin. Pinili ko nalang na wag isipin ang nangyari kanina at nag-focus sa trabaho ko.

Sa kalagitnaan ng trabaho ko ay may nagpasukan ng isang grupong ng babae na may kasama ding ilang lalaki pero hindi doon tumuon ang paningin ko kundi sa huling lalaking pumasok sa shop.

Xavi.

What is he doing here? Isa ba sa mga babaeng yan ang girlfriend niya?

Napatingin rin naman din agad siya sakin na kinabigla niya pero bumalik sa seryoso ang tingin niya. Umiwas nalang ako ng tingin at pinagpatuloy ang pag-eencode ng inventory namin.

Kahit ramdam ko ang titig ni Xavi mula sa pwesto ko ay pinilit ko nalang balewalain ito at mag-focus sa work ko.

Inangat ko lang ang ulo ko ng may tumikhim sa harapan ko. Nginitian ako ni Xavi habang hawak ang isang cup namin and If I'm not mistaken that is a coffee machiato.

"Is there anything you need, Sir?" ngiti kong wika.

Nilapag niya naman ang hawak niya sa gilid ng laptop at ngumiti sakin. "That's for you!"

Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya dahil naguguluhan ako sa ginawa niya.

"Xavi, Para saan 'to?" naguguluhan kong wika.

He just smiled and shrugged at me. He didn't answered my question.

Yung ibang kasama niya ay minsang napapatingin sakin kaya hindi ko maiwasang mailang. Ano ba talaga ang problema ng lalaking ito?

Breadwinner (The Untold Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon