Chapter 14:

94 8 0
                                    

"Girl, Ang ganda-ganda mo na!" masayang wika ni Elisa.

Ngumiti naman ako saka hinawi ang buhok ko. Oo nandito si Elisa sa california dahil nagbakasyon sila ng boyfriend niya dito pero uuwi na rin ngayon.

Aba ang loka nagpakabusy sa jowa kaya late na akong dinalaw.

"Grabe, Namiss talaga kita Beatrice... Limang taon tayong puro video call!"

"Namiss din kita kahit napaka-ingay mo," nakangiti kong wika.

5 years na ang lumipas pero parang kahapon lang ang lahat. Masasabi ko namang worth it ang pag-alis ko dahil nabawi ko na ang bahay. Graduate na si Aliyah at napatayuan ko na ng sariling business si Kuya Billy.

"Hala? Nandyan na si Jowa. Paano ba yan, Kailangan ko na magpaalam dahil diretso na kaming airport," nakangusong wika ni Elisa.

Tumayo ako saka niyakap nang mahigpit su Elisa. Mas naging close kami ni Elisa kahit napunta ako dito sa california.

Nung unang taon ko dito, Nahirapan akong mag-adjust sa lahat tapos si Elisa panay kwento pa tungkol kay Third kaya sinabi ko na tigilan niya na.

Tinulungan ako ng waiter na iligpit ang pinagkainan namin dito ni Elisa ng may nagsalita sa likuran ko.

"Excuse me...."

Nilingon ko nama ang pinanggalingan ng boses. Para naman akong binuhusan ng tubig ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.

Well, Paano ko ba naman makakalimutan ang babaeng sumira samin? What is she doing here? Kasama niya ba si?

Tumikhim ako saka ngumiti ng tipid. "What can I do for you, Ma'am?"

Ngumiti siya sakin. "I know you still remember me."

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pa siya lumapit sakin.

"Can we talk?" aniya. "Please!"

Wala naman akong nagawa kundi pumayag at dinala ko siya sa opisina ko. Hinatiran naman din kami ng staff ng coffee.

"What do you need?" malamig kong wika.

Bumuntong-hininga muna siya. "Ang tagal kitang hinanap. Since that day, Hindi ako makalapit sa boyfriend mo---"

"Ex boyfriend!" putol ko. "At bakit nandito ka? Wala akong maitutulong kung yun ang kailangan mo."

Umiling naman siya sakin dahil mukhang nakuha niya ang gusto kong iparating.

"Hindi ako makalapit dahil galit na galit siya sakin. Aminin ko, Wala din akong maalala sa nangyari nung gabing iyon. I'm drunk too as well as your boyfriend kaya nung nakita kong nagkagulo kayo ay pinilit kong alalahanin ang nangyari," aniya.

Ang kulit. Sinabi ko nang ex e. Inulit pa.

"I am a party goer. May nakatadhanang ikasal sakin kaya hindi ko na piniling magseryoso sa lalaki kaya madalas nalang akong mag-party... Medyo lasing na kami ng kaibigan ko 'non at inaya ko na siyang umuwi. Sa labas ng bar, Nakita ko si Xavi na lasing na lasing at binabanggit ang name mo.  Naawa ako sa kanya kaya hinatid ko siya gamit ang sasakyan niya and good thing sinabi niya sakin ang address ng condo niya---"

Pinutol ko siya dahil hindi ko alam kung bakit niya pa sinasabi sakin 'to.

"Excuse me ha? What's the point of explaining? Hindi ko kailangan ng detelyadong sex night niyo kaya pwede ba?!" inis kong wika. Limang taon na ang nakalipas tas ano ibabalik pa? Myghad!

"Please, Just let me explain..." pagsusumamo niya. "Tanda ko pa nung tinanong ko siya kung anong passcode ng unit niya. Ang sabi niya sakin 'non, 'Ofcourse, Birthday ng babe ko kasi mahal ko yun e.. It's 042897' yan ang buong pagkakasabi niya... Dumiretso siya sa sofa at humiga kaya inayos ko naman siya at inalis ang sapatos niya nang biglang....."

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya. Lagi kong sinasabi kay Elisa na nakamove on na ako pero hindi ko padin kayang pakinggan ang lahat.

"He kissed me. And because I was drunk that night, I kissed him back! Pero I swear walang nangyari," aniya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. "Limang taon na. Come on, Don't fool me! Kung gusto mo siya then go!"

Umiling siya sakin. "Yes, We kissed! We almost do it. But bigla siyang nawalan ng malay habang nasa ibabaw ko kaya walang nangyari... Parehas lang kaming lasing 'non. Hindi niya ginusto ang nangyari,"

"Bakit mo ito ginagawa? Bakit mo ako hinanap?" seryoso kong tanong.

"K-Kasi nakonsensya ako. I am not a relationship wrecker! Mahal na mahal ka niya... Hinanap kita at nung nalaman ko kung saan ka nagwowork ay huli na dahil nakaalis ka na raw ng bansa. Susundan sana kita ng mas maaga kaso nagkasakit ang Mommy ko," aniya.

Kinagat ko naman yung ibabang labi ko saka pinunasan ang luhang pumatak sa mata ko.

"Hindi ko alam kung bakit sinabi mo pa 'to. Limang taon na ang nakalipas, May kanya-kanya na kaming buhay lalo na siya. Salamat nalang din sa effort mo!" tipid kong wika.

Hindi na ako nagpaalam sa kanya at dumiretso na akong lumabas. Opisina ko yun pero hindi ko kayang manatili doon habang nandon siya.

Feeling ko ang sikip sikip ng opisina ko kapag nasa iisang lugar kami.

Kung dati ko yan nalaman baka pwede pa pero ngayon? Iba na e. Madami na nangyari.

Mula sa periphel vision ko napansin ko ang paglabas niya sa shop at doon palang ako nakahinga ng mabuti.

"Okay lang po ba kayo, Ma'am?" tanong ng isa sa staff ko.

Tumango naman ako saka ngumiti ng pilit. I need to be okay. I am professional!

Mahirap magwork habang may iniisip pero pinilit kong magpanggap na ayos lang ang lahat. Kailangan kong nagtrabaho.

Kinagabihan ay noong tumawag sakin si Elisa ay kwinento ko ang nangyari.

[What? So balewala yung pag-alis alis mo kasi di ka naman niya niloko talaga? Well, They kissed but they both drunk. Hindi naman maiiwasang magkamali ng ganyan,] ani Elisa.

Bumuntong-hininga nalang ako. Napatingin nalanh ulit ako kay Elisa nung inask niya kung babalik na ba ako ng pilipinas.

"Hindi muna, Elisa. Saka bakit pa? Okay na ko dito."

Matagal na kasi akong pinipilit ni Elisa bumalik ng pinas pati ni Kuya Billy pero lagi kong sinasabi na okay na ako dito sa california.

"I need to hang up, Elisa! Someone is calling me!" Pinatay ko naman na agad ang tawag at doon ulit pumasok ang number ni Aliyah.

[Ate... A-Ate, I've been calling since isang araw. Hindi mo sinasagot! S-Si papa, Tinakbo namin siya sa ospital nung isang araw.] ani Aliyah.

"What? How's Papa? Pasensya na busy lang sa work tas pag-uwi, Pagod nako e."

[He's fine naman na at bukas pwede na siyang i-dischage!] usal ni Aliyah. [Ate, Umuwi kana please. We miss you ready. Sinasabi nga ni Papa baka umuwi ka nalang kapag nakalamay na siya e,]

"Hindi naman yan totoo----"

[Then umuwi kana, Ate! I'm expecting you too come home ate ah? bye!]

Tignan mo itong batang ito pinatayan na agad ako at hindi manlang inalam ang opininon ko.

Breadwinner (The Untold Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon