Chapter 10:

66 4 0
                                    

"So, Kumusta na kayo ni Sir Xavi?" nakangising wika ni Elisa.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Daig pa nito si Boy abunda e. "Elisa, May tanong ako sayo."

"Ano po yun, Ma'am Beatrice?" aniya.

"Pumasok ka ba dito para sa sahod mo? Or para maki-intriga?" seryoso kong tanong.

Hahampasin niya sana ako ng sinamaan ko siya ng tingin.

"Naku Ma'am, Kung hindi lang kita manager ay nakaltukan na kita." Natatawa niyang wika.

Inilingan ko nalang siya habang natatawa sa itsura niya. "If I we're you Elisa, Magboyfriend ka na para hindi kami ni Xavi ang binabantayan mo,"

"Eh kung meron lang e. Why not?"

Limang buwan na rin simula ng maging boyfriend ko si Third pero until now consistent padin siya sakin. Papa likes him for me. I feel it.

May pagtatalo paminsan minsan pero bilang makulit si Third ay naaayos agad naming dalawa. Ayaw niya kasi natatapos ang araw na hindi kami nagkakaayos e.

Hindi naman na nangulit si Elisa dahil may customer na ulit. Tuwang tuwa rin naman sila Albert at Riley nung nalaman nilang kami na ni Third.

Napalingon nalang ako sa cellphone kong ring ng ring. Sumenyas naman sakin si Zeus na siya na ang kakausap sa customer at baka emergency raw ang tumatawag sakin.

"Hello Aliyah..." panimula ko. "Bakit kaba tawag ng tawag. Nasa trabaho ako!"

[H-Hello, Ate!] umiiyak na wika ni Aliyah.

Bigla naman akong kinabahan sa boses ni Aliyah sa kabilang linya. "Hello, Umiiyak kaba? Anong nangyari?"

[A-Ate, Si Kuya Billy kasi e....]

Napansin ko na rin ang pagtingin tingin sakin ni Elisa. Siguro napansin niya na iba na ang expression ko.

[A-Ate, Binenta niya yung bahay natin----]

"What?" gulat kong wika. Binenta ni Kuya Billy ang bahay namin? "Uuwi ako, Aliyah!"

Binaba kona ang cellphone saka binilinan si Zeus na uuwi na ako at may emergency sa bahay namin.

Mabuti nalang nandito si Zeus ngayon kaya hindi ako mahirapang umalis sa shop.

Alam na alam ni Kuya Billy na ayaw kong ibenta nag bahay namin miski nung panahong nag-aaral pa kami.

Naabutan ko si Aliyah na iyak ng iyak habang nasa tabi ni Papa. Si Kuya Billy naman ay nasa kabilang sofa.

"A-Ate..." usal ni Aliyah.

Tinignan ko si Kuya Billy na nakayuko lang siya at hindi magawang tumingin sakin.

"Anong nangyari?" malamig kong wika. "Ano? Walang magsasalita?! Anong nangyari?! P-Paanong binenta itong bahay?"

"A-Ate, Kasi si Kuya nalulong siya sa sugal. Matagal ng panahon----"

"And no one bothered to tell me?!"

Yumuko naman si Aliyah. "I-I'm so sorry, Ate... Ayoko lang dumagdag sa problema mo kapag sinabi ko sayo yung nakita ko si Kuyang nagsusugal."

Napahawak naman ako sa ulo ko sa sobrang daming nangyayari. "Paanong nadawit ang bahay?"

"Nagkaron ng malaking utang si Kuya Billy don sa pasugalan kaso natalo si Kuya kagabi kaya kailangan niyang magbayad at wala siyang choice kundi ipambayad ang titulo ng lupa," paliwanag ni Aliyah.

Nilingon ko naman si Papa na walang imik sa tabi ni Aliyah. "Binigay mo, Pa? Binigay mo ang titulo ng lupa kay Kuya Billy?"

"A-Anak, Kailangan ng tulong ng kapatid----"

"Bullshit, Pa!" putol ko.

I love my father so much. I don't want to disrespect him pero sobra na.

"Bakit mo binigay?! Alam mo naman diba na pinaghirapan ko 'to. Oo, Niregalo ko sayo 'to pero may karapatan naman akong magreact diba?"

Bigla namang tumayo si Kuya Billy saka hinarap ako. "Wag mong bastusin si Papa, Beatrice!"

"Wag bastusin! Eh kasalanan mo nga 'to Kuya e. Wala ka na ngang matinong trabaho tapos nagsusugal ka pa. Ang kapal naman ng mukha mo!" sigaw ko sa kanya.

Bigla namang nagflashback sakin ang lahat. Yung panahong laging sinasabi ni Papa na kulang na yung inaabot ko sa bahay dahil sa mahal ng bilihin.

"Now I get it. Yung perang dinadagdag ko para sa bahay kasi sabi mo Papa na kulang na yung pang-budget natin ay binibigay mo kay Kuya Billy?"

Tumango naman si Papa habang nakayuko. "I'm sorry, Anak. Akala ko kasi tuloy tuloy lang ang swerte ng Kuya mo kasi nanalo siya e,"

Pinunasan ko naman ang luhang bumagsak sa mga mata ko. Hinawakan naman ako ni Aliyah sa kamay.

"I'm so sorry, Ate..." umiiyak niyang wika.

Tinignan ko ng masama si Kuya Billy. "Tigilan mo na yung pagsusugal mo, Kuya. This is my last warning! Kapag hindi mo ginawa, Then wala akong magagawa kundi palayasin ka sa bahay na 'to... Ayoko ng dagdag sa sakit ng ulo!"

"Hindi niya na gagawin ulit yun----"

"At wag mo ring subukang kunsintihin pa siya, Papa. Baka maubos yung kaonting respeto ko po sayo," malamig kong wika.

Ngayon hindi ko alam kung paano ko babawiin yung bahay na ito sa pinagbentahan ni Kuya Billy.

Aakyat na sana ako pero hinarap ko ulit sila. "Walang magsasabi kay Third ng nangyaring ito kung hindi mawawala ako sainyo,"

Alam ko na sa oras na malaman ni Third ang bagay na ito ay siguradong tutulong siya. At siya mismo ang babawi sa bahay na ito at ayoko non. Problema namin ito.

Kanina pa kumakatok sa kwarto ko si Aliyah pero hindi ko siya pinagbuksan. I just want to be alone.

"Babe, Si Third 'to! Sabi ni Aliyah kanina ka paraw nandito sa room mo," mahinang kumakatok si Third sa kwarto ko.

Napilitan akong buksan ang kwarto ko dahil mahahalata lang ni Third na may problema ako.

"Why are you here?" tanong ko.

Sinundan niya naman ako papasok sa kwarto ko. "Pinuntahan kita sa Shop pero umuwi ka raw ng maaga. What happened babe?"

Ngumiti ako sa kanya saka umiling. "Masakit lang ulo ko kanina, Babe."

Napatingin nalang ako sa likod ni Third ng dumungaw don si Kuya Billy.

Ngumiti siya ng alanganin sakin. "Kain na raw tayo Sis. Pinapatawag na kayo ni Papa at baka kung ano pa raw gawin niyo ni Bayaw,"

Tinaasan ko naman siya ng kilay nung tumatawa pa siya habang sinasabi niyo. Bigla naman siyang tumikhim at lumabas na ng kwarto ko. Hinatak naman ako ni Third pababa ng kwarto ko.

"B-Beatrice, Kain na tayo oh? Nagluto ako ng paborito mong tinola," ngiti ni Papa.

Hindi nalang ako kumibo saka naupo sa harapan nila. Pinilit pasiglahin ni Aliyah ang hapunan namin kahit hindi ako masyado kumikibo pero mabuti nalang din yun atleast hindi magtataka si Third sa atmosphere namin.

Breadwinner (The Untold Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon