Chapter 8:

68 5 0
                                    

Pagdating ko sa coffee shop ay nandon na si Sir James at ina-assist ang assistant manager na magiging katuwang ko.

"Good morning, Sir James!" nakangiti kong wika.

"Good morning din, Ms. Beatrice... This is Zeus, Your Assistant manager!"

Nilingon ko naman yung lalaking nasa tabi niyang nakalahad ang kamay sa harapan ko. Ngumiti naman ako saka tinanggap iyon.

"Nice meeting you, Zeus! Don't worry, Mababait ang mga staff ko dito." ngiti ko.

"Nice meeting din you po, Ma'am Beatrice!" magalang niyang wika.

Nagpaalam nalang muna ako sa kanila ni Sir James at binalikan ang pending work ko. Si sir James naman kasi talaga ang kadalasang nag-tetrain sa mga bago kaya hindi ko na siya problem.

"Hi, My manager!" nakangising bungad ni Elisa.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. I'm so sure ay pipikunin lang ako nito.

"What do you need, Elisa?"

Humalakhak naman siya saka naupo sa harapan ko. Palibhasa wala pang customer kaya nagagawang tumambay.

"Sir Xavi is waiting for you. San kayo nagdate?"

"Date? Walang ganon, Elisa. Umuwi ako ng bahay kasi kailangan ako ng Papa ko,"

Para naman siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig mula sakin.

"Seryoso ka diyan, Ma'am Beatrice?" Hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko.

Tumango naman ako saka binalik ang tingin sa laptop ko. Nailing naman siya sakin at disappointed.

"Ulirang anak award goes to Ms. Beatrice!" Pinatungan niya pa akong pekeng korona sa ulo.

Napabuntong-hininga nalang ako. Si Elisa kasi ay malayang nagagawa ang gusto dahil wala naman dito sa manila ang magulang niya e.

"Elisa, He told me that he loves me...."

Kinagat ko naman yung ibabang labi ko saka tinignan sa mga mata si Elisa. Bukod kay Riley, Si Elisa lang ang tanging mapagkakatiwalaan ko sa ganitong bagay.

"Ngayon mo lang ba nahalata, Ms. Beatrice? Ang manhid mo naman girl. Halata naman kay Sir Xavi na may nararamdaman siya sayo e,"

Ako lang ba talaga ang hindi nakakapansin? Or mas piniling kong balewalain.

"Nangangamba ka 'no? At ang unang rason mo ay dahil sa pamilya mo? Nako, Ma'am hindi lang naman sa kanila tumatakbo ang buhay mo e. Baka maging matandang dalaga ka na niyan," dagdag niya pa.

Bago pa ako makapagsalita ay tinawag na ni Sir James si Elisa kaya naiwan akong nakatameme sa sinabi niya.

Pinilit kong alisin sa isipan ko si Third at magfocus nalang sa trabaho pero palagi padin siyang sumasagi. Minsan narin akong pinagsabihan ni Sir James dahil sa pagiging lutang ko.

"Beatrice...."

Nilingon ko naman si Sir James saka lumapit sa kanila. "Bakit po, Sir?"

"It looks like your not feeling well---"

Umiling naman agad ako saka pinutol siya. "Okay lang po ako, Sir. Pasensya na po!"

Ngumiti siya sakin saka tinapik ang balikat ko. "Beatrice, I really appreciate your hardworks but right now, Go home and rest. You need that. Nandito naman ako e saka itong si Zeus para mapasabak,"

Sinunod ko na rin naman si Sir James para makapagpahinga ako ngayon. Paglabas ko ng shop ko ay natanaw ko ang sasakyan ni Third na nakaparada sa hindi kalayuan. Sa dalas niyang pumunta dito kaya kabisado ko na ang sasakyan niya.

Breadwinner (The Untold Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon