Three weeks after....
Hangang ngayon namomoblema padin ako kung pano mababawi ang titulo ng bahay namin. Hindi biro ang 1.5M.
Ang tanga naman din kasi ng Kuya ko, Ibebenta ang bahay namin sa halagang 1.5M. Luging lugi kami don!
Alam na rin nila Ate Desiree ang ginawa ni Kuya Billy at nagalit din sa kanya si Ate Desiree. Gusto sana mag-abot ng tulong ni Mama pero hindi ko tinanggap.
"Napag-isipan mo na ba?" tanong ni Elisa. "Kaso ibang bansa yun. Payagan kaba ni Sir Xavi?"
Nabanggit ko kasi sa kanya na naghahanap ako ng part time na medyo mataas ang bigayan at ang ino-offer niya ay yung bakeshop ng Tita niya sa ibang bansa. Naghahanap din ng manager at malaki ang sasahurin.
Kaso hindi ko rin naman maiwan ang pamilya ko at si Third ay siguradong hindi papayag. Ni hindi ko nga sinasabi ang problema ko miski kela Riley dahil siguradong makakarating yun kay Third.
Lalo na madalas na ang pagtatalo namin ni Third dahil madalas ako mag-overtime at kahit saglitang date ay hindi ko siya mapagbigyan.
"Bahala na muna. Try ko muna sa iba. Osiya, Uwi na ako!" paalam ko sa kanya at sa ibang staff.
Nagpaalam kasi ako ngayon na uuwi muna ako maaga at masama ang pakiramdam ko. Tinext ko nalang si Third na umuwi ako ng maaga ngayon para hindi na siya magpunta dito.
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko nanaman ang sasakyan ni Mama na nasa harapan ng bahay namin.
"Tita Beatrice!" masayang wika ni Marcus saka niyakap ang binti ko.
Ngumiti naman ako. "Hi, Little boy!"
"Anak...." nakangiting wika ni Mama.
Bumuntong-hininga naman ako. "Mukhang napapadalas ata ang pagpunta mo dito,"
"Naghahanap kami ni Ate Desiree mo ng mahihirapan para mabawi yung bahay na 'to," aniya.
Umiling ako sa kanya. "Wag na po. Ako na po bahala sa bahay namin,"
"Beatrice!" saway ni Ate Desiree.
Ayoko. Mahirap magkaron ng utang na loob sa tao lalo na kung sa kanya. Kilala ko siya kung gaano siya manumbat kapag tinotoyo siya.
Hindi ko sila pinansin at dumiretso na sa kwarto ko. Baba nalang ako kapag umalis na sila, Ganon naman ginagawa ko e. Inaantay kong umalis siya bago ako bumaba ulit.
Mapride? Maybe pero hindi lang naman ganon e. Hindi ko magets kung bakit madali sa kanilang i-forgive si Mama after what she did to us.
Ang hirap kalimutan ng nakaraan.
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humahaplos ng buhok ko. "Babe...."
Bumangon naman ako ng makita ko sa tabi ng kama si Third. "Nakatulog pala ako. Sabi ko sayo diba umuwi kana para makapagpahinga ka na rin,"
"Babe naman," nakanguso niyang wika. "Hindi na nga tayo makapagdate tapos pati pagpunta ko dito, Binabawalan mo pa."
Bumuntong-hininga naman ako. "Third, You know naman na pagod na ako galing work diba?"
Nakatingin lang si Third sakin pero makikita mo yung kalungkutan niya. "Why do I feel that I'm slowly loosing you, Bea?"
"Ano bang pinagsasabi mo, Third?" Bumangon ako sa kama ko para silipin sa terrace kung nandon pa ang sasakyan ni Mama.
"Bea, Alam ko naman ang pinasok ko nung pinili kitang mahalin e. Riley already warned me about this... But I expect from you! M-Mahal kita e. Kaya sumugal ako kasi mahal kita at girlfriend na kita pero bakit ang layo mo padin ha?"
"Third..." usal ko. Ito yung unang magsabi ng ganito siya sakin. Simula't sapul kapag nag-aaway kami, Mas nauunang magbaba ng pride si Third. Mas nauuna siyang makipagbati.
"B-Bea, Alam kong unang priority mo ang family mo and I understand you at ako pangalawa lang. No! Kasi ang pangalawa mong priority mo ay yung trabaho mo, Eh ako? Ako yung nasa dulo. Ako yung nag-aabang ng tira mong oras at pagmamahal,"
"T-Third, Ano bang sinasabi mo? Pagod lang tayo parehas. Please!---"
"Oo pagod tayo. Parehas tayong pagod pero ako kahit pagod ako, Mas gusto ko pading kasama ka dahil ikaw yung tanging pahinga ko sa nakakapagod na mundong ito!"
Agad naman niyang pinunasan ang luhang pumatak sa mata niya. He's crying and because of me.
Kahit kailan hindi ko inimagine na may lalaking umiiyak pala. At si Third. He's crying right now because I hurt him.
"I'm sorry, Third. Please!" pagsusumamo ko at hahawakan ko sana siya pero lumayo siya sakin.
"Uuwi na ako. Magpahinga kana tutal pagod kana diba? Sabi mo!" malamig niyang wika.
Tinawag ko siya ng paulit ulit pero patuloy padin siya sa paglabas ng bahay namin. Mabuti nalang nasa kwarto na sila Papa at hindi na nila kailangan mawitness ang bagay na yun.
Ilang beses ko pang tinawagan si Third pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Naintindihan ko naman ang sinasabi niya e. Alam kong may pagkukulang ako. Na-take for granted ko siya at nasanay akong naiintindihan niya ako.
This is one of the reason kung bakit takot akong ayokong magpapasok ng lalaki sa buhay. Ayaw ko siyang masaktan.

BINABASA MO ANG
Breadwinner (The Untold Story)
General FictionI've always put my family first and that's just the way it is but no one has ever prioritized me. September 16, 2023