Tatlong araw na simula ang nangyari at mamayang gabi na ang alis ko papuntang california.
Alam na rin nila Papa na aalis ako at ang tanging alam nila ay may magandang offer doon para sakin. Hindi narin namin napag-usapan pa yung nangyari pero may ilangan na sa pagitan..
Si Third? Hangang ngayon hindi niya padin ako tinitigilan. Araw-araw nandito siya sa tapat ng coffee shop or bahay namin pero hindi ko siya hinaharap.
Hindi ko rin sinabi pa kay Riley ang nangyari. Bestfriend ni Albert si Third kaya ayaw ko siyang maipit pa.
"Hindi mo ba ipapaalam sa kanya na aalis kana?" tanong ni Elisa.
Napabuntong-hininga naman ako. "Bakit pa Elisa? We're done! H-He cheated on me!"
"Hindi ko parin talaga ineexpect na magagawa ka niyang lokohin, Beatrice." seryosong wika ni Elisa.
Ngumiti nalang ako ng tipid at kinuha yung kaonting gamit ko at nilagay sa bag ko.
Sobrang mamimiss ko ang coffee shop na ito. Noong una ayaw akong payagan ni Sir James pero sa huli pinakawalan niya rin ako.
"Wag kang aalis dito ah? Babalikan kita rito, Elisa!"
Yinakap niya naman ako ng mahigpit. Hindi ko naman maiwasang mapaluha.
Nagpaalam na ako sa kanila at lumabas ng shop. Naabutan ko nanaman si Third sa tapat ng coffee shop.
Bumaba siya sa sasakyan niya at tumingin sakin. Ibang-iba siya sa Third na nakilala ko. He's a mess right now!
"B-Bea, Hayaan mo naman akong ayusin ang relasyon natin oh?" pagsusumamo niya.
Hindi ko alam kung pumapasok pa ba siya sa trabaho niya dahil halos dito na nga siya matulog or sa bahay e.
"T-Third, Tumigil kana. Katulad ng sinabi ko, Hindi ko na kayang tanggapin ang lalaking nanloko sakin..."
Umiling siya sakin at tumulo nanaman ang kanyang luha. "Please, Give me a second chance babe?"
Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa pisngi. "M-Mahal na mahal parin kita kahit niloko mo ko pero tanggapin nalang natin na hindi talaga tayo ang para sa isa't isa, Third!"
Tinalikuran ko na siya at pumara ng taxi pero agad hinawakan ni Third ang kamay ko. Pinilit ko namang alisin ang kamay niyang nakahawak sakin kaya nakaalis ako sa lugar na yun.
Pagdating ko sa bahay ay tumambay nalang ako sa terrace. Mamayamg 9pm pa ang flight ko kaya 7pm ay aalis na ako dito sa bahay. May nakausap na rin akong maghahatid sakin sa airport.
May tumikhim mula sa likuran ko kaya napalingon ako. Si Kuya Billy na may dalang ice coffee.
"Para saan yan?" malamig kong wika.
Ngumiti siya sakin ng alanganin at tinulak pa palapit sa harapan ko ang coffee.
"Bakit hindi na nagpupunta dito si Bayaw?" tanong niya.
Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at binaling ang tingin sa langit.
"Break na kami," ani ko. Nagulat naman siya sinabi ko. "He cheated on me!"
"Ano? Totoo ba yan? He looks so inlove to you," nakakunot niyang wika.
Nagkibit-balikat nalang ako. Ayaw ko na pag-usapan pa.
"Beatrice, I'm sorry ha? Failed ako bilang Kuya mo..."
Nilingon ko naman si Kuya na seryosong nakatingin sakin.
"A-Ako yung panganay pero mas naging breadwinner ka pa kaysa sakin," dagdag niya.
Ngumiti nalang ako. "Okay lang yun, Kuya. Ikaw na bahala dito kela Papa at Aliyah ha? Habang nasa ibang bansa ako,"
Bigla namang nag-alarm ang phone ko. Sign na kailangan ko ng umalis sakto ring may busina sa labas ng bahay.
"Magpapadala ako para sa pambayad ng bahay, Kuya at please lang wag mo ng ipangsugal," ani ko habang nakangiti.
Sumimangot naman siya. "Hindi na nga e,"
Ngumiti lang ako saka lumabas na dala ang maleta ko. Niyakap ko muna si Aliyah at si Papa.
"Aliyah, Wag kang pasaway dito at malapit kana magtapos."
Umiiyak lang siya habang tumatango. Ngumiti nalang ako ng tipid saka dumiretso na sa sasakyan. Si Kuya Billy na ang nagsakay ng maleta ko sa likod.
Kumaway pa ako sa kanila hangang sa makalayo na kami sa bahay. Ngayon ko naisipang tawagan na si Riley.
Magpapaalam pa din naman ako sa bestfriend ko kahit last minute na.
[Hello, B!] masaya niyang bati sa kabilang linya.
I never imagine na malalayo ako sa bestfriend ko. Kahit kailan kasi hindi sumagi sa isipan ko ang umalis ng bansa e.
"Riley, Where are you?" seryoso kong tanong.
[Nasa condo ni Albert. Why?]
Bumuntong-hininga naman ako. Paano ko ba sasabihin? Paano ba ako magpapaalam?
"R-Riley, I'm so sorry!" umiiyak kong wika.
Napansin ko naman ang pagtingin sakin ng driver kaya sinenyasan ko siyang wag ako pansinin.
[Hey? What's happening? Nag-away ba kayo ni Xavi? Gusto mo bang magkita tayo?] Ramdam ko yung pag-aalala sakin ni Riley.
Tumikhim ako saka ngumiti ng tipid habang nakatingin sa bintana. "R-Riley, Aalis na ako. Pupunta ako ng ibang bansa e. I need to do this..."
May narinig akong bumagsak mula sa kabilang linya na sa tingin ko ay cellphone niya yun.
[B, Where are you? Magkita tayo!] aniya. [Ano bang nangyayari?]
Kinagat ko naman yung ibabang labi ko para mapigilan ang hikbi ko.
"H-Hindi na kaya ng oras, Riley. Aalis na ako... I-I'm sorry for the late update. Mabilis lang talaga ang pangyayari e," umiiyak kong wika.
Narinig ko naman yung pag-iyak niya sa kabilang linya. I'm so sorry, Riley!
[B, P-Please! Bakit naman ganito? Mag-usap muna tayo. Bakit mo ako iiwan? P-Pumayag ba si Xavi?]
Hindi naman agad ako nakasagot dahil huminto na ang sasakyan sa tapat ng airport.
"Kuya, Pababa naman po yung maleta ko. Salamat po," ani ko habang takip-takip ang cellphone ko.
[Hello, B!] paulit ulit na tawag ni Riley sakin.
"Hiwalay na kami ni Xavi." tipid kong wika.
[What? Paanong hiwalay? Wala naman kaming nabalitaang ganyan ah?-----]
Wala talagang makakaalam Riley kasi hindi kita nilapitan at hindi rin siguro nilapitan ni Third si Albert kaya ganon.
"B-Basta I'm sorry Riley kung ngayon lang ako nakapagsabi. Mag-iingat ka palagi ha? M-Mamimiss kita... See you sa pagbalik ko!"
Naririnig ko pang tinatawag ako ni Riley at nakikiusap na magkita muna kami pero iyak nalang ako ng iyak habang pinapakinggan siya. Mas pinili ko nalang na patayin ang tawag at inabot sa driver ang cellphone ko.
"Pakibigay kay Aliyah. Pakisabi, Ipatago kay Riley."
Tumango naman siya sakin. Pumasok na ako sa loob ng airport at doon ko nalang aantayin ang flight ko. Ilang minutes nalang naman e.
Iyak lang ako ng iyak habang nag-aantay sa flight ko. Ang dami kong maiiwanan dito sa pilipinas.
Ang pamilya ko. Ang bestfriend ko at si Third na niloko lang ako.
Sana sa pagbalik ko ay mapatawad ako ni Riley....

BINABASA MO ANG
Breadwinner (The Untold Story)
Ficción GeneralI've always put my family first and that's just the way it is but no one has ever prioritized me. September 16, 2023