"Mukhang mayaman tayo ah? San ka nagtatrabaho?" mapang-asar na wika i Kuya Billy.
"Kuya Billy please..." Parang gusto ko nalang magsisi na dinala ko dito si Third.
Pinigilan naman ako ni Third saka ngumiti sakin. "I am the CEO of Xavi Pharmaceutical Corporation."
Napansin ko naman ang pagtaas ng kilay ni Ate Desiree sakin pero binalewala ko nalang siya.
"Alam na ba ni Mama na may boyfriend kana, Beatrice?" singgit ni Ate Desiree. "Paano si Aliyah?"
Huh? Dapat pa bang malaman? At anong paanong si Aliyah?
"I told you Papa na hindi niyo pwedeng iasa kay Beatrice ang buhay niyo dahil dadating rin yung time na mag-aasawa din yan!" dagdag pang komento ni Ate Desiree.
Hindi ko naman mapigilang matawa sa pinagsasabi niya.
"Really, Ate? Do you really think I'm like you?" mapanuya kong wika. "Boyfriend ko si Third but doesn't mean ay kakalimutan ko ang pamilya ko. Sila Papa at Aliyah!"
"Totoo po yun. Alam ko naman po na kayo ang priority ni Bea e... Tutulungan ko po siya," dagdag ni Third.
Binalik ko ang tingin ko kay Ate Desiree na ang sama ng tingin sakin ngayon. "At bakit pa kailangan malaman ni Mama? Hindi naman ako ikakasal,"
"She still your mother, Beatrice!" ani Papa.
Ewan ko ba dito kay Papa at parang okay lang sa kanya ang lahat ng nangyari sa nakaraan. Na parang ang dali lang sa kanyang makalimot.
"She was no longer my mother when she chose to cut ties her connection with us, Papa. Did you forget already?" mapakla kong wika.
Nailing nalang si Papa sakin saka tumingin kay Third. "Kung mahal ka talaga ng anak ko, Wala akong magagawa don. Basta wag na wag mo sasaktan ang anak ko,"
"Makakaasa po kayo, Tito Wil!" nakangiting wika ni Third.
Nagpunta muna ako sa kusina para tignan kung anong pwedeng lutuin ngayong hapunan.
"Babe..." tawag ni Third.
Nilingon ko naman si Third na kapapasok lang din ng kusina. "Bakit? Do you need anything, Babe?"
Ngumisi naman siya. Tuwang tuwa talaga kapag tinatawag ko siya sa endearment namin. Siya ang nangulit sakin niyan kanina sa sasakyan e.
"Magpadeliver nalang tayo ng pang-dinner natin nila Tito," aniya. Aapila na sana ako pero tinaasan niya ako ng kilay. "Ngayon lang, Babe. Mag-papa-impress muna ako,"
Natawa naman ako sa kanya. Hinayaan ko siya sa gusto niya at umakyat muna ako saglit para magpalit ng pambahay ko.
Naabutan ko si Third na nakikipaglaro kay Marcus. Ang balita ko may nanliligaw na kay Ate Desiree, Kung totoo man yun ay masaya ako para sa kanya. Deserve niya naman yun e.
Hindi naman kami madalas magkaaway ni Ate Desiree e. Hindi nga lang talaga madalas din magkabati.
"Babe, Umorder na ako. Tinanong ko na rin sila kung anong gusto ng mga kapatid mo," aniya.
"Baka masyado mo namang dinamihan, Third."
Suminggit naman si Kuya Billy na naglalaro na ulit. "Minsan lang naman yan, Sis. Hayaan mo na si Bayaw magpakain satin,"
Tinaasan ko naman ng kilay si Kuya Billy. Bayaw? Paano niya naman nasisiguradong magiging bayaw niya si Third.
Napag-usapan na rin namin ni Third na sabay nalang naming sasabihin kela Albert ang namamagitan saming dalawa.
"Yehey! Jollibee!" Tumatalong wika ni Marcus nung makita niya ang dala ni Ate Desiree at Kuya Billy.
Kinuha ko naman ang dala ni Kuya Billy at sumunod kay Ate Desiree para ayusin ang pagkain namin. Napakadami naman nito. Pasaway talaga si Third.
"He loves you...." panimula ni Ate Desiree.
Nilingon ko siya pero nakatingin lang siya sa pagkaing inaayos niya.
"Wag mo nang pakawalan, Sis. Minsan lang makahanap ng lalaking mas mahal ka... Well, Halata naman na mas mahal ka niya," dagdag pa niya.
Hindi naman na ako nakakibo dahil lumabas na rin siya para tawagin sila Papa. Huling pumasok si Third na hawak hawak ang pamangkin ko.
"Marcus, Kumain ka na ron kay Mama mo." utos ko.
"Okay po, Tita." Nagpunta naman siya kay Ate Desiree habang si Third ay pinaghatak ako ng bangko para umupo bago siya tumabi sakin.
"Third, Ako na!"
Paano ba naman kasi siya ang nagbubukas ng pagkain ko. Nakakahiya nakatingin samin sila Papa e.
"Here, Babe!" nakangiti niyang wika.
Umiling nalang ako sa kanya saka sinimulang kainin yung inorder niya.
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ng biglang nagsalita si Kuya Billy.
"Bayaw, Auto mo ba yung nasa harapan?" tanong niya.
"Hmm. Yes!" Sinulyapan niya pa ako pero nginitian ko siya.
"Ang ganda ah? Kapag sawa kana, Bigay mo nalang sakin!" ngisi ni Kuya Billy.
"Kuya Billy!" sabay naming wika ni Ate Desiree.
Humalakhak naman si Kuya Billy. "Chill, I'm just joking!"
Napabuntong-hininga nalang ako saka inirapan siya. Pagkatapos naming kumain ay nakipagkwentuhan lang si Third kay Papa saglit tapos nagpaalam na rin na uuwi na siya.
"Thank you for the night, Third!" nakangiti kong wika.
Hinaplos niya naman ang pisngi ko saka ngumiti. "I love you, Babe!"
"Mahal din kita, Third!" wika ko. "Nga pala, Pagpasensyahan mo na si Kuya Billy."
"Okay lang yun, Babe. Well, I can give this to him----"Inilingan ko siya bago niya pa matapos ang sinasabi niya.
"Don't you dare, Xavi!" putol ko.
Nanlaki naman ang mata niya sa pagiging seryoso ko. Ngayon ko nalang kasi siya tinawag sa first name niya e.
"Hey, Babe why so serious?" aniya.
Bumuntong-hininga ako. "Ayokong may ilalabas ka kahit konting kusing sa pamilya ko, Third. Not even giving gifts especially a car!"
"Why? They are your family babe,"
Siguro para sa kanya wala lang yun pero para sakin big deal yun. Mayaman siya at kami hindi. Pero ayokong may marinig sa iba nang kahit anong komento.
"Exactly. My family. Ayoko lang may marinig ako na pineperahan lang kita at ng family ko, Third kaya please lang. Mag-aaway talaga tayo kapag ginawa mo yan," seryoso kong wika.
Ngumiti naman siya sakin saka tumango. "Fine. Basta sinabi ng girlfriend ko, I'll do it! Basta if you need help with anything, Just tell me, Okay? I'll help you with everything."
Yinakap ko siya ng mahigpit. "Opo, Babe. Umuwi kana at itext mo ko kapag nasa bahay kana ha? I love you!"
Inantay ko munang makaalis si Third bago ako pumasok ng bahay. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang iniisip na boyfriend ko na si Third.
Ganito pala ang pakiramdam ng may nagmamahal 'no? Ang sarap sa feeling.
![](https://img.wattpad.com/cover/354938917-288-k979133.jpg)
BINABASA MO ANG
Breadwinner (The Untold Story)
Ficción GeneralI've always put my family first and that's just the way it is but no one has ever prioritized me. September 16, 2023