Katulad ng sinabi ko sa kanila, Hindi porket nagkapaliwanagan kami ay aasa pa akong babalik kami sa dati. Masyado ng madaming nangyari para magsama pa kami nila Riley.
Mas papaagahin ko na sana ang pagbalik ko sa California kaso ayaw akong payagan ni Papa. Wala nga raw kasiguraduhan kung kelan ang balik ko tas aalis pa raw ba akong maaga.
Habang pababa ako ay may narinig akong nagtatawanan sa garahe namin. Naabutan ko sila Kuya at Papa kasama sila Albert, Riley, Third at si Raqi.
Tatalikod na sana ako para pumasok ng ulit mg tinawag ako ni Aliyah kaya wala akong magawa kundi dumiretso na sa kanila.
"Sis naman. Ilang araw ka ng nasa kwarto kaya manatili ka naman dito." ani Kuya Billy.
"Eh anong gusto mong gawin ko Kuya, Makipagtitigan sayo. Wala naman dito ang work ko kaya maghapon lang talaga ako sa bahay," irap ko sa kanya.
Ang awkward man pero naupo nalang ako sa tabi ni Third. Wala naman kasing ibang pwesto kung hindi ron e.
"Bonding nalang tayo. Kukuha akong beers, Shot tayo!" ani Kuya.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Kuya, Alas kwarto palang ng hapon. Iinom na?"
"Sus, Beatrice wag nga ako. Noong nasa Cali ka sabi ni Zeus mas madalas ka pa sa bar kaysa sa condo mo." Pumasok naman siya ng bahay pagkatapos niyang bitawan iyon.
That Zeus! Napakadaldal talaga. Parehas sila ni Elisa.
Naramdaman ko naman ang paminsan minsang titig ni Riley sakin pero hindi ko nalang pinapansin. Kahit kailan hindi ko ini-magine na magiging ganito kami.
Pagkabalik ni Kuya ay totoo ngang may dala-dala siyamg beer at nilagyan kami isa-isa sa tapat namin.
"Sayo na ito, Bayaw----Ay este Xavi.... Sobra pala ang nakuha ko bale dalawa na agad sayo," ngisi ni Kuya Billy.
Kinagat ko naman yung ibabang labi ko sa kahihiyan para sa kapatid ko.
Tumikhim naman itong nasa tabi ko at medyo nilayo sa kanya yung isang beer.
"Hindi na ako umiinom ng madaming alak," aniya.
Napalingon naman ako sa kanya. As far as I remember ay hindi naman siya ganyan ka-conscious sa pag-inom. Or baka pinagbabawalan ni Raqi.
"Huh? Kelan pa, Xavi?" tanong ni Kuya.
Tinignan naman ako ni Third saka ngumiti ng pilit. "Simula nung naghiwalay kami. Natakot na akong magpakalasing ng sobra,"
Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at doon ko napansin na nakatingin na si Papa at Aliyah sakin kaya nginitian ko nalang sila.
"B, Kailan ang balik mo sa California?" tanong ni Riley.
Tumikhim muna ako para mawala yung bara sa lalamunan ko bago tinapunan ng tingin si Riley. "Sa susunod na linggo."
"Nandito ka papala sa birthday ni Albert?" aniya. "Sama ka samin ha? Mag-beach kami 'non kasama sila Xavi,"
Sila Xavi. Does mean pati si Raqi? So ano ako? A fifth wheel.
"Titignan ko muna Riley. Medyo hindi kasi ako umaalis ngayon dahil pagbalik ko sa California ay balik trabaho na ulit ako,"
Napansin ko naman na lumungkot ang mukha ni Riley sa sinagot ko. I'm sorry, Riley!
"Sis, Sumama kana! Loosen up. Para naman makapagrelax ka oh?" singgit naman ni Kuya Billy.
Sinaway naman ni Aliyah si Kuya Billy pero nagkibit-balikat lang siya. Napalingon naman ako kay Albert ng bigla siyang magsalita.
"B, Minsan lang naman 'to saka baka matagalan pa ang pagbalik mo dito kapag bumalik kana sa California... Natandaan ko pa dati sa tuwing birthday ko ay ikaw ang katulong ni Riley sa pag-aasikaso sa celebration ko," nakangiti niyang wika.

BINABASA MO ANG
Breadwinner (The Untold Story)
General FictionI've always put my family first and that's just the way it is but no one has ever prioritized me. September 16, 2023