Chapter 22:

74 4 0
                                    

Nag-aya si Riley na maglakad lakad kami. Kasabay ko si Riley at Albert habang sila Raqi at Third ay magkasabay na nasa harapan namin.

Nakikinig lang ako kela Riley na nagkwekwentuhan ng biglang madapa si Raqi na agad dinaluhan ni Third at miski si Riley ay napatakbo kay Raqi.

"Raqi, Are you okay?" nag-aalalang wika ni Riley.

They both worried for what happened to Raqi.

Nangilid naman ang luha ko kaya tumingala ako para mapigilan ang pagpatak nito. Napalingon naman sakin si Third kaya umiwas ako ng tingin sa kanila.

"Okay lang ako. Napatid lang ako, Diko naman alam na may shell dito." usal ni Raqi.

"May malapit na clinic rito. Para magamot ang sugat ni Raqi," singgit ni Albert.

Binuhat naman ni Third si Raqi na parang bago silang kasal. Hindi naman nakaiwas sakin ang pagtingin ni Third pero ngumiti lang ako.

"Hon, I'll go with Third and Raqi... Don't leave B, Okay?" nagmamadaling wika ni Riley saka hinabol ang dalawa.

Ganito pala kasakit 'no? Kapag may bago nang inaalagaan yung mga taong nagalaga sayo before.

Nilingon ko si Albert saka binigyan ng pilit na ngiti. "Go! Alam ko na gusto mo ring sumunod don, Albert!"

"But...."

Ngumiti ako sa kanya. "Antayin ko nalang kayo dito... H-Hindi naman ako mawawala dito at saka sanay naman na akong mag-isa, Albert. Nakalimutan mo bang limang taon akong solo sa Cali?"

Inabot naman ni Albert ang braso ko. Alam ko ang gusto niyang ipahiwatig. Naaawa siya sakin.

Pinunasan ko ang luhang bumagsak sa mga mata ko. "O-Okay lang talaga, Albert. Kaibigan mo din siya kaya alam kong nag-aalala ka."

"Babalik agad ako, B!" aniya. Tumango naman ako sa kanya at agad siyang naglakad papunta sa clinic.

Napangiti naman ako ng mapait. Dumiretso nalang ako sa dagat at doon na bumuhos ang luha ko.

Dapat pala hindi ko nalang sinabi kela Papa na may Anxiety ako para hindi sila nagkaron ng rason para lapitan at kausapin ako. Parang mas madali pa 'yon e. Kaysa magpanggap na okay lang ang lahat.

Hinubad ko nalang ang summer dress ko saka lumusong sa dagat. Buti nalang ready ako at pang-swimming agad ang suot ko. Kailangan mabasa ang mukha ko para hindi nila mahalatang umiyak ako.

Busy ako sa paglalanggoy ng makita ko sila Riley at Albert papunta sakin. Wala si Third? Sabagay. Kailangan niyang alagaan ang girlfriend niya.

"B, I'm so sorry na naiwan ka mag-isa. Unexpected lang tala----"

Ngumiti ako sa kanya saka pinutol na siya. "Okay lang, Riley! Naintindihan ko,"

Tinitigan naman ako ni Riley ng maiigi. Siguro tinatantya niya kung anong expression ko.

"Sabi ko kasi kay Albert, Wag ka iwan e. Pasaway!"

Nagkibit-balikat lang ako. "I told him to follow you. He's worried too!"

Tumango-tango naman si Riley kaya hindi na ako kumibo.

"Kailangan mo ba talagang umalis pa ng pilipinas, B?" tanong ni Riley na kinalingon ko sa kanya.

Bumuntong-hininga naman ako saka tumango. "Oo e. Nandon ang trabaho ko,"

"Pero nandito ang pamilya mo...."

Ngumiti naman ako saka tumingin sa dalampasigan. "Maiintindihan ako nila Papa kung bakit ako babalik ng Cali, May VC naman e."

Naputol naman kami sa pag-uusap ng biglang dumating si Third kasama si Raqi na may bandage sa tuhod. Nakita ko naman ang pagdilim ng mukha ni Third ng makita kung anong suot ko.

Breadwinner (The Untold Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon