Chapter 23:

70 4 0
                                    

"B, Let's eat na!" tawag ni Riley sakin. Ngumiti nalang ako sa kanya at tatanggi na sana ako ng may tinulak na pagkain si Third sa gilid niya.

"Kinuhanan na kita ng pagkain, Bea." malambing niyang wika.

Naupo nalang ako sa tabi niya kinain yung pagkaing binigay niya. Nagkwentuhan lang silang apat habang kumakain.

"B, Sa condo unit ka ba nagsstay sa Cali? Or apartment?" tanong ni Riley.

Pinunasan ko naman yung labi ko bago nagsalita. "Condo unit ni Zeus."

Napansin ko naman ang pagtingin ni Riley sa katabi ko pero binalewala ko nalang. Ayokong bigyan ng meaning mga kilos nila.

"Pero pwede naman kaming dumalaw sayo don?"

Napatingin naman ako kay Riley sa sinabi niya. Inaantay kong bawiin niya ang sinasabi niya pero nanatili siyang seryoso.

"Hindi naman bawal ang dalaw sa condo unit ni Zeus. Pero wag na kayo magsayang ng pera para sa pagdalaw," ani ko.

Tumango naman siya at parang nalungkot sa sinabi ko. Mali ba ako?

Naglapag na ang waiter ng bucket ng beers. Agad namang kumuha si Albert saka inabutan kami.

"Don't drink too much, Bea!" bulong niya.

Nilingon ko naman si Third pero umiwas naman siya ng tingin sakin. Bakit ba nangingielam siya sakin?

"Hindi ako madaling malasing, Third." ani ko.

Hindi naman siya sumagot pa at hinarap ang girlfriend niya. Si Riley at Albert naman ay naghaharutan sa harapan ko.

Sabi ko na nga ba wrong idea na sumama ako dito e. Tumayo nalang ako at nagpunta sa dalampasigan dala ang beer na hawak ko. Hindi nila napansin na umalis ako dahil ganon sila kabusy.

"B...." Napalingon naman ako at doon ko nakita si Riley na may dala ring beer. Nginitian niya naman ako ng tipid.

"Are you okay? Napansin kasi namin na simula ng dumating tayo sa cebu ay masyado kang tahimik. Isang tanong, Isang sagot ganon..." aniya.

Umiling ako sa kanya at ngumiti nalang ng tipid. Tinungga ko naman ang beer na hawak ko.

"Kasama ka namin. Nasa harap kita ngayon pero parang ang layo-layo mo padin samin." dagdag niya.

Para namang may bumara sa lalamunan ko at unti-unti ko nang nararamdaman ang pangingilid ng luha ko.

"B, I-I'm sorry! I'm so sorry... Kasalanan ko kung bakit tayo ganito e. Kung bakit may barrier na kasi nagkulang ako bilang bestfriend mo. Masyado ako naging busy sa sarili kong buhay kaya sorry," hagulgol ni Riley.

Pinunasan ko naman ang luhang bumagsak sa mata ko. "Don't say that, Riley. Wala kang kasalanan, Okay? Siguro ganito talaga tayo... Wag mo nang isipin ang nangyari sa nakaraan satin!"

Patuloy padin sa pag-iyak si Riley sa harapan ko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na okay lang ang lahat pero alam ko wala na akong karapatan.

"Wag ka ng umiyak. You should enjoying with your boyfriend, Riley... K-Kung nakokonsensya ka lang sa nangyayari sakin, Wag na! Malalagpasan ko kung anong nararanasan ko ngayon. Ang importante ay ang maging masaya ka, Yun ang mahalaga para sakin." Nginitian ko siya para ma-assure ko siya na okay lang ang lahat.

Napansin ko naman ang pagdating nila Third at Albert kasama si Raqi.

"Nandito na sila. I'm sure they worried to you!" ani ko. Naglakad ako palapit sa kanya saka siya hinawakan sa kamay niya. "R-Riley, I'm sorry ulit sa lahat ng nagawa ko, Yung pag-iwan ko sayo 5 years ago! I just want you to know that I'm so proud of you kung ano ang narating mo at hiling ko na maging happy ka lang,"

Breadwinner (The Untold Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon