Mabuti nalang naging busy ako sa kompanya namin kaya nagkaron ako ng dahilan para hindi pumunta sa ayaan nila Mia.
Okay naman saking kaibigan sila Mia e. Sadyang iniiwasan ko nalang na makasama pa si Zeke.
"Hey, Are you okay?" tanong ni Alexander. Pabalik na kami sa opisina galing sa lunch break.
Ngumiti naman ako ng tipid. "Okay lang ako,"
Napansin ko naman na kanina pa pasulyap sulyap sakin si Alexander.
"Do you have something to sayo, Alex? Tell me!" usal ko.
Bumuga naman siya ng hangin bago ngumiti sakin. "Uhm... I just want to ask if I could date you? Alam kong anak ka ng may ari ng kompanya pero gusto kita, Shyanne."
Para namang may bumara sa lalamunan ko. Ang dami nang nagsasabi saking may gusto sakin si Alexander pero ngayon ko lang narinig yun mula sa kanya.
"Hindi kita minamadali. Pag-isipan mo muna, I'll just here!" nakangiti niyang dagdag.
Alex is nice and gentleman. It's just that, Hindi ko priority ngayon ang love. May anak na ko. Siya ang top priority ko sa lahat.
"Shyanne..." Napatingin naman ako sa likuran ni Alexander at doon ko nakita si Zeke. Tinaasan ko siya ng kilay pero ang sama lang ng titig niya kay Alex.
Hindi ko alam pero bigla namang nagpaalam si Alex at nauna ng pumasok sa kompanya.
Lalagpasan ko na sana siya ng hinawakan niya ang braso ko. "Shy, I love you!"
Nilingon ko naman siya pero seryoso lang din siyang nakatingin sakin.
"Believe me, I did love you two years ago and until now, I still love you! Late ko nalang na-realize na minahal na pala kita noong mga pana-----"
"Tigang kaba?" putol ko sa kanya.
Kumunot naman ang noo niya sa sinagot ko sa kanya. Ngumisi naman ako sa kanya.
"I'm just thinking na baka puro pag-bati nalang ang ginagawa mo diyan sa alaga mo kaya nasasabi mo ang bagay na yan,"
Kung ako parin yung dating Amber na nakilala niya baka natuwa na ako sa sinasabi niya ngayon pero hindi na ako tanga.
"You are saying na sinasabi ko lang ang lahat na yun para lang maikama ka?" Hindi niya makapaniwalang turan sakin.
"Maybe. Who knows, diba?" ngisi ko.
Para naman siyang napahiya sa sinabi ko sa kanya pero pinilit niyang maging matatag sa harapan ko.
"Shyanne, Kung ikakama lang naman ang kailangan ko bakit mag-aantay pa ako sayo ng two years? Ghad, I really love you!" inis niyang wika.
"That's why Suzy exist! You need someone to warm your bed,"
Lalagpasan ko na sana ulit siya pero agad niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko.
"Aww... You're hurting me, Zeke!" angil ko.
Bigla namang lumambot ang expression niya nung sinabi kong nasasaktan ako.
"Suzy is a mistake! Lasing na lasing ako 'non. Hindi ko na alam ang ginagawa ko tapos simula noon ay hindi niya na ako tinigilan... Shyanne naman," paliwanag niya.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Stay away from me, Zeke!"
Naglakad na ako papasok ng kompanya dahil ayoko na siyang makaharap pa siya ng bigla siyang sumigaw.
"I will do everything just to earn your forgiveness and trust. I will prove to you that I really love you," sigaw niya.
Umiling nalang ako. Hinding hindi na ako maniniwala sa mga salita niyang puro kasinungalingan.
Natapos na ang araw na hindi ko na ulit nakita si Zeke sa labas ng kompanya at pabor sakin.
Kinabukasan,
Birthday ni Timothy kaya naisipan kong puntahan sa condo niya kasama si Axel. Naging close kami ni Timothy simula ng malaman niyang may anak ako.
Alam na rin naman ni Jaymiel na alam na ni Timothy ang tungkol kay Axel kaya raw pala naging close kami bigla. Miski nga si Axel naturuan na siyang tawaging 'Toto' e.
Pagkabukas ng condo ni Timothy ay agad kong inangat si Axel. "Happy Birthday, Toto!"
"Wow, Axel! Thank you!" Kinuha niya naman sakin si Axel at dumiretso papasok sa loob.
Kita mo itong taong 'to. Mas may pake sa anak ko.
"Grabe ka, Tim! Talagang yung anak ko lang pinasok mo. Ni hindi mo ako winelcome,"
Tumawa naman siya sakin habang nilalaro ang anak ko. "Sorry na, Mas cute sayo ang inaanak ko."
Inirapan ko nalang siya. Nilapag ko naman ang bag ni Axel at ang sling bag ko.
"Wala bang plano sayo sila Mia? Baka may lakad kayo or pumunta sila dito?" tanong habang papasok sa kusina niya para sa pagkain na niluto ko.
"Wala naman. Sinabi ko naman sa kanila na wala akong planong maghanda," aniya. "Ikaw lang naman e,"
Napangiti naman ako habang nilalabas ang pagkain. "This is my way of saying thank you for being there for us,"
Hindi naman na siya nakasagot ng biglang may nag-doorbell. Narinig ko pa siyang binibilinan si Axel na mag-stay put.
Akala mo naman maiintindihan ng anak ko ang sinasabi niya.
May narinig ako na parang sumigaw at pumutok kaya agad akong napalabas ng kusina niya.
"Tim, Ano yung pumutok?" tanong ko.
Bigla naman akong nanigas ng makita kong nasa labas sila Mia, Jackson, Althea at si Zeke. Kung nagulat akong makita sila ay mas nanlaki naman ang mata nilang makita na nandito ako.
Pero hindi yun ang iniisip ko. Ang iniisip ko ang anak kong nasa sala ni Timothy.
"Uhm... Guys, Sa baba nalang tayo oh? Magpapaliwanag ako," basag ni Timothy sa katahimikan namin.
Nakita ko naman si Zeke na ang dilim dilim ng itsura at unti-unting kumukuyom ang kanyang kamay.
This is not a good idea after all. I shouldn't go here.
Wala naman akong pake kung makita nila kaming magkasama ni Timothy e. Dahil alam kong wala akong ginagawang masama. Wala akong tinatapakang tao.
"Shy, What are you doing here?" naguguluhang wika ni Mia.
Hindi ko alam kung bakit parang walang boses lumalabas sakin. Kinakabahan ako and at the same time na natatakot sa magiging reaction nila lalo na ni Zeke.
How I wish this is just a dream. A nightmare at all.

BINABASA MO ANG
Breadwinner (The Untold Story)
Fiksi UmumI've always put my family first and that's just the way it is but no one has ever prioritized me. September 16, 2023