Chapter 5:

82 3 0
                                    

It's been a week after that night. Napakiusapan ko ang pamilya nung nakaaway ni Kuya Billy para wag nang ituloy ang kaso.

At nandito nanaman si Third nangungulit sakin. Simula last week madalas magpunta yan dito at parang siya pa ang empleyado dito.

"Third, Ano ba! Wala ka bang work?" naiinis kong wika. "Alam ko CEO ka ng company niyo pero pahalagahan mo naman ang position mo,"

"Wala naman akong ginagawa sa office ngayon saka mamaya pa ang meeting ko. Saka nag-aalmusal ako kasama ka," aniya.

Sakto namang nilapag ni Elisa ang order ni Third na coffee and bread. Nginitian ko naman si Elisa bago siya umalis.

"Ayan, Let's eat! Sabi ni Elisa mas madalas kang maglaptop kaysa kumain," aniya habang nilalagay sa harap ko ang pagkain.

Napairap naman ako kay Third na nakangiti lang sakin.

Ibang-iba si Third sa nakilala ko noon sa bar. Yung lalaking akala ko mayabang pero soft pala.

"Thank you, Third!" ngiti kong wika.

Mas lumawak lang ang ngiti niya sakin pero hindi ko pinansin. Ganyan kasi ang routine ni Third e, Mag-breakfast dito bago dumiretso sa company nila. Nasanay nalang ako sa pangungulit niya.

"Oh, Sunduin kita mamaya?" aniya habang inaayos ang sarili. Nililigpit ko naman ang pinagkainan namin.

Umiling ako sa kanya habang nagliligpit. "Wag na, Third. Kaya ko na ang sarili ko. Thank you!"

Hindi naman na siya nakakibo dahil tumunog ang cellphone niya at sumenyas saking aalis na siya kaya tinanguan ko siya.

"Ako na po diyan, Ma'am!" wika ng crew namin dito sa shop.

Ngumiti naman ako sa kanya saka tinapik sa balikat. Bumalik na ako sa ginagawa kong pending report ng company.

"So, Kumusta naman po kayo ni Sir Xavi?" ngisi ni Elisa.

Nilingon ko naman ang buong shop na wala masyadong customer kaya pala nakakapagtsismis dito.

"Elisa, We're not in a relationship... Third is just a friend," Balewala kong wika habang nakatuon sa laptop ang mga mata ko.

"We? Bagay kayo Ma'am Beatrice!" pang-aasar ni Elisa sakin.

Napailing naman ako sa kanila dahil miski ang iba ay nakikiasar na sakin.

"Elisa, Pwede ba! I don't have time for that... My family needs me,"

Yun talaga ang rason ko kung bakit ayokong magpapasok ng lalaki sa buhay ko. Hindi ko alam kung paano ko ihahati ang time ko.

Sumingit naman si Anjo yung barista. "Nako, Ma'am. May sarili ka ding buhay 'no?"

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko. Sariling buhay na hindi ko magawang unahin dahil sa responsibilidad ko.

"Sige ka, Ikaw ang magpapatunay na nakaligtas ka sa teenage pregnancy pero hindi sa pagiging matandang dalaga!" dagdag pa ni Anjo na kinatawa nilang lahat.

Napailing nalang ako sa kanila. Puro kalokohan. Mabuti nalang din may nagdatingan na customer kaya nawala sakin ang topic nila.

"Ma'am Beatrice!!" Tumatakbo ng tili ni Elisa galing sa pinto. Inutusan ko kasi siyang baliktarin na ang signage dahil magsasara na kami.

"Elisa, Lower down your voice! Hindi ako bingi!" saway ko.

Nag-peace sign naman siya sakin. "Si Sir Xavi, Nandon sa labas. Nasa sasakyan niya,"

"What?" Kunot-noo kong wika.

"Pinapasok ko nga e. Kaso sabi niya doon nalang sa sasakyan niya ikaw aantayin,"

Pasaway talaga yung lalaking iyon. Sabi ko wag na akong sunduin e.

"Magligpit at maglinis na para makauwi na ang lahat," utos ko.

"Excited na si Ma'am Beatrice!" ngising wika ni Elisa habang inaayos ang mga table.

Umiling nalang ako saka binilang ang kaha ng cashier ngayon.

Hindi pwedeng masira ang desposisyon ko sa buhay. Kailangan ako ng pamilya ko at nag-aaral pa si Aliyah.

Nilapitan ko na agad si Third na prenteng nakasandal sa sasakyan niya nang masara nanamin yung shop.

"Uwi na tayo?" malambing niyang wika.

Bumuntong-hininga naman ako saka kumaway sa mga staff ko.

"Diba sabi ko wag mo na akong sunduin ulit, Third?" wika ko.

"Gusto ko lang makasiguradong safe ka, Bea... Babae ka at gabi na masyado ang labas niyo baka may mangyaring masama sayo," paliwanag niya.

Napabuntong-hininga naman ako. "Third, Ang tagal ko ng umuuwi ng ganitong time but still, I'm okay... Hindi mo na kailangang gawin 'to,"

Hindi sa assuming pero habang wala pa. Habang hindi pa ay mas magandang mapigilan na at hindi na lumalim pa.

Inabot niya naman ang braso ko saka ngumiti sakin. "Bea, Let me do this. Mas panatag ako kapag hinahatid kita sainyo,"

"Panatag?" Nakataas kong kilay. "Bakit ka hindi mapapanatag? I'm not your girlfriend and responsibility. You don't have to do this, Third... I'm asking you stop what you're doing!"

Tinalikuran ko na siya at handa na sanang mag-abang ng taxi pero hinatak niya ako pabalik.

"Bea, Ano bang nangyayari? Okay naman tayo kanina diba? Did I do something wrong? Tell me!"

Umiling ako sa kanya saka umiwas ng tingin. Magpakatatag ka, Beatrice. He needs to stay away from you.

"Please babe, I'm begging you! What did I do? Why are you suddenly upset?" pagsusumamo ni Third.

"Third, Ano ba! Bakit ba ang kulit mo? Gusto mo ba ako? May balak ka bang manligaw? Kasi kung oo, Ako na magsasabi sayo na wala kang mapapala sakin... Wala akong oras sa pag-ibig na yan. Wala akong oras sa lalaki... May responsibilidad ako sa pamilya ko at mas kailangan nila ako kaysa sa walang kwentang bagay na yan!" naiinis kong wika.

Para namang may sakit na dumaan sa mga mata niya. May something na hindi ko maipaliwanag.

"You're just Albert's bestfriend! We just met in a bar then suddenly you always go here. Being nice to me, Umaakto kang responsibilidad mo ako. Come on, Third! Stop it!"

"B-Bea...." aniya.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa mga braso ko at unti-unting inaalis ito sa pagkakahawak sakin.

"Umuwi kana. Wag mo na akong ihatid pa, Third! And mas better kung bumalik ka nalang din sa dating gawain mo."

Hindi ko na siya inantay pa makasagot pa at lumayo na ako sa kanya. Good thing na may padating na taxi sa tapat ko kaya hindi niya na ako nagawang pigilan pa sa pag-alis.

I keep on reminding myself that I did the right thing. That's the best decision I ever made.

Breadwinner (The Untold Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon