Chapter 8

2.3K 85 14
                                    

"Austin Furio." Lumapit ang lalaking nurse kay Austin at ibinigay ang susi. "May number ang susing 'yan, 'yun ang room number mo." Tumingin ito kay Nicholas. "Nicholas Nubla. Ito sa 'yo. Girlfriend mo 'yung kasama n'yong babae, 'di ba?"

Tumango si Nicholas at bago pa man siya makapagsalita, lumabas sa isang pinto si Anya. Tulad nila ni Austin, bagong ligo ito. Nakasuot ito ng green na T-shirt at pajama.

"Nagsabi naman na sa 'min si commander tungkol sa inyong tatlo. Sunod na lang kayo sa kaniya." Itinuro ng nurse ang lalaking nakatayo sa pintuan ng infirmary. "Siya na ang bahalang magdala sa inyo sa residence. Kung may kailangan kayo, sabihin n'yo lang sa kaniya."

Lumapit sa kanila ang lalaki at ngumiti. Nakipagkamay at nagpakilala ito. "Miguel. Tara?"

Sumunod silang tatlo. Maliwanag ang kapaligiran dahil sa mga poste ng ilaw, pero hindi nila inasahan na pati ang mismong kalsada, mayroong ilaw kaya kita ang dinadaanan.

Ipinalibot ni Anya ang tingin sa lugar. Malaki ang infirmary. Dalawang palapag at mukhang bago lang. Mayroong mga halamang maayos ang pagkakatanim. May bulaklak pa ang ilan.

Sa tabi ng infirmary, mayroon pang isang building. Hindi niya maaninag kung ano iyon. Dalawang palapag din at mukhang ginagawa pa lang.

Humigpit ang hawak ni Anya sa kamay ni Nicholas. Pareho silang tahimik na nag-o-observe at mula sa nilalakaran nila, kita ang mga bahay sa buong lugar. Para kasi itong subdivision na pangmayaman dahil hindi siksikan at malalaki ang agwat ng bahay, parang sa pangmayamang village. Ganoon ang itsura.

Nakikita rin nila ang tatlong palapag na building na maraming pinto at naalala ni Nicholas ang dorm sa loob ng school noong college siya. Apat na magkakatabing building ang nakikita nila.

"Bale dito ang residents. Dito nakatira ang mga ranger," pagpapaliwanag ni Miguel. "Bukas ko na lang i-explain sa inyo. Magpahinga na rin muna kayo. May number ang susi ng kwarto, doon kayo. Magkahiwalay nga lang ang single at couples."

Itinuro ni Miguel ang pinakaunang building para kay Austin na kaagad nagpaalam sa kanila. Ang nasa gitna naman daw ang para sa couples at doon silang dalawa ni Nicholas. Sa first floor lang dahil bago pa lang sila.

Nag-expalin si Miguel na mayroong air conditioner ang kwarto at pipindutin lang nila ang isang box para bumukas iyon.

Muling nagpasalamat sina Nicholas at Anya kay Miguel bago pumasok. Nagkatinginan sila dahil medyo malaki iyon. Mayroong dining table na pandalawahan at kitchen na mayroong sink at lutuan. Sa mismong ibabaw ng kitchen, mayroong tinapay at cup noodles katabi ang painitan ng tubig.

Sa tabi naman ng kusina, mayroong cabinet. Binuksan iyon ni Anya ngunit walang laman kung hindi extra kumot at pillowcase.

Walang sofa, pero nandoon lang din mismo ang kama. Malaking kama. Malinis na bedsheet na puti, dalawang unan, at malinis na kumot. Naramdaman ni Anya ang pangingilid ng luha nang makita iyon.

Binuksan ni Nicholas ang aircon na sinasabi ni Miguel at kaagad nilang naramdaman ang lamig. Nagkatinginan silang dalawa. Lumapit si Anya kay Nicholas at mahigpit itong niyakap.

"Bakit?" Mahinang natawa si Nicholas at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Anya. "Okay ka lang?"

Tumingala si Anya at tumango. "Ang sarap mag-shower kanina. May heater sila, mahal. Bakit sila kumpleto sa gamit? Sino ba ang may-ari nito? Bakit meron palang ganito? Bakit nagpapakahirap lahat, pero meron palang ganito?"

"Hindi ko rin alam." Umiling si Nicholas. "Hindi ko alam ang magiging sagot, mahal, pero ang importante sa 'kin ngayon . . ." Nilingon niya kama. "Makakatulog ka nang maayos this time. Hindi ka maiinitan, hindi ka mangangati, at hindi ka mahihirapan kasi malambot na. Hindi na sasakit ang katawan mo sa umaga."

Sa 'yo Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon