Chapter 79

3K 109 21
                                    

Intimacy was never a problem between Jakob and Anya. Kapag may pagkakataon at pareho nilang gusto, nagagawa nila iyon. Hindi rin naman sila nag-iingat kung sakali mang may mabuo. Hindi sila pressured dahil kung magkakaanak ulit sila, ayos lang.

Mayroong takot sa hinaharap, pero mas gusto nilang isipin ang kasalukuyan. Ilang beses nilang napag-usapan at pareho naman silang handa. Maayos na rin ang medical facilities sa Escarra dahil isa iyon sa gustong gawin ni Jakob.

They never used protection and the sex was always mind-blowing. Both were givers and it wasn't just about making love. It was also about giving pleasure and satisfying each other's physical needs.

"I, Jakob Wren Escarra . . ."

Napabangon si Anya nang marinig ang sinabi ni Jakob. Hawak niya ang kumot sa dibdib para matakpan ang kahubaran.

"Take you, Tanya Alliyah Ortega, to be my wife. To have and to hold, from the day I saw you for the first time until the end, for better, for worse, for richer . . ." He paused. "I'll make sure you won't be poor or suffer again. In sickness and in health, to love and cherish always. I promise to be true to you in good times and in bad. I will love and honor you all days of my life . . ."

Anya felt Jakob caressed her hand and when their eyes met, tears rolled down his eyes.

"I'm sorry if I hurt you and made you cry. I will forever make it up to you. I will forever carry that guilt. Sa tuwing nakatingin ako sa 'yo, paulit-ulit kong maalala ang mga araw na ayaw mo akong tingnan, pero hinding-hindi ko ipagpapalit kung ano ang meron tayo ngayon. Paulit-ulit kong gagawin kung puwede . . ."

Humigpit ang hawak ni Jakob sa kamay niya habang nanatili siyang tahimik na nakatingin sa asawa niya ngunit ngumiti nang may maalala.

"Naalala ko 'yung sinabi mo sa 'kin noon."

"Alin?" Nagsalubong ang kilay ni Jakob.

"It was me or nothing." Anya sniffed. "Ibang-iba noon. Galit ang naramdaman ko noon sa sinabi mo. Sabi ko, bakit ang damot mo? Ganoon ka ba kadesperado?"

"Oo," diretsong sagot ni Jakob. "I tried for almost a year, but the more I fought, the more I fell and I am sorry."

Mahinang natawa si Anya at hinaplos ang pisngi ni Jakob. "Hindi maganda ang ginawa mo kasi may nasira ka, pero kung hindi naman 'to nangyari, iba ang takbo ng buhay natin."

Nanatiling tahimik si Jakob na nakatingin sa kaniya. Bumalik siya sa higaan at ginawang unan ang braso ng asawa habang pareho silang nakatingin sa labas ng bintana. Nag-iiba na rin ang kulay ng langit. Wala silang idea kung anong oras na, pero magliliwanag na.

"Mahal kita, Jakob," bulong ni Anya. "Labas tayo? Punta tayo sa rooftop."

Jakob and Anya welcomed the sunrise together and decided to head back to Olympus as early as they could. Pareho nilang hindi gustong iwanan si Trevor nang ganoon katagal.

Nakatulog naman sila sa magdamag, pero pareho silang maagang nagising dahil para silang may hinahanap. Akala ni Anya, siya lang ngunit nagkamali siya nang maramdamang gising din si Jakob at hindi mapakali. Nang itanong ni Anya kung bakit, iniisip daw nito si Trevor dahilan para matawa silang dalawa.

Inayos ni Jakob ang helmet ni Anya. Gamit ang motor, naisipan nilang magpunta sa bay area ngunit mayroong escort dahil hindi nila alam kung ano ang daratnan doon. Gusto lang muna nilang makita kung gaano kakalmado ang buong lugar bago bumalik sa anak nila.

Maliwanag na at nakaharap sila sa bay area. Tahimik, kalmado, at walang tao tulad noon.

Pareho silang hindi tambay ng bay noong maayos pa ang mundo, pero alam nila kung gaano ito kagulo at karumi. Naalala pa ni Anya na mayroon siyang mga kaklaseng nag-uusap noon tungkol sa lugar na hindi na binalikan dahil medyo mabaho at malansa.

Sa 'yo Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon