Chapter 39

2.5K 111 27
                                    

The walk was cut short when Anya decided to go back to Olympus. She tried to stay longer but couldn't. The place was just gloomy that she couldn't take it. Her tears started falling involuntarily, alerting Jakob.

Anya fell asleep inside the car, and Jakob had to carry her back to their unit. She woke up upon feeling the mattress and saw Jakob removing her shoes.

"Sorry," Anya apologized. "Hindi ko talaga kaya."

Jakob was looking down. "Okay lang. Ako ang dapat mag-sorry. Hindi ko alam. I should've asked."

Bumangon si Anya at hinawakan ang kamay ni Jakob para pigilan ito sa pagtanggal ng sapatos niya, pero hindi ito pumayag. Maingat nitong tinanggal ang pagkaka-buckle pati na ang pagkakabuhol ng mga tali.

"Okay lang naman. Na-excite rin naman akong makita ang loob ng mall na 'yun, pero hindi ko kasi inasahan ang makikita ko." Nakagat ni Anya ang ibabang labi at niyakap ang sarili. Ipinatong niya ang baba sa sariling mga tuhod. "Ang lungkot-lungkot kasi, Jakob. A-Ang sakit makita . . . bakit ganoon ang nangyari? A-Ano ba kasi ang nangyari sa 'ting lahat?"

Nanatiling nakayuko si Jakob habang nakaupo sa dulo ng kama. Umiling ito bilang sagot sa tanong niya. "W-Wala rin akong masasagot sa tanong mo kasi kahit kaming magkakaibigan, walang alam sa nangyari."

Walang naging sagot si Anya ngunit hindi niya mapigilang humikbi nang maalala ang nakita sa mall. Wala namang bangkay o kahit na anong nakatatakot, pero hindi niya kayang ituloy ang paglalakad habang nakikita kung gaano kagulo sa loob.

Kalat-kalat ang mga gamit. Nagkalat ang mga basura. Basag-basag ang mga salamin. Ang dating buhay na buhay na lugar, sobrang tahimik dahil ultimo paglakad nila, nag-e-echo sa buong gusali.

Anya shut her eyes and fisted as she remembered how the glass walls of each store were shattered. The walls were vandalized with words like why, help, and kill me.

The once happy place felt haunted and Anya started being emotional. Ayaw man niya, hindi niya mapigilan. Masyadong malungkot at habang nakatingin siya sa carousel na nasa loob ng mall, she visualized that place with kids laughing.

Pumasok sila sa loob ng department store na nakakalat ang mga gamit tulad hangers, mannequins, posters, at mga estanteng walang laman. Walang mga damit o gamit na mapakikinabangang naka-display o nakakalat. Lahat ng mga damit, malamang na nakuha ng iba. Dapat lang din naman.

Sunod nilang pinuntahan ang supermarket. Dito sila tumigil. The shelves were empty and it was a ruin. Nakita nila ang marka ng mga dugo sa sahig. Nagkatinginan pa roon ang mga kalalakihan dahil mukhang nagkaroon ng gulo sa loob. Hindi maiiwasan dahil pagkain ang nasa loob at malamang na agawan ang nangyari.

"Bigla kong naalala kung paano kami mag-struggle ni Nicholas noon." Tumingin siya kay Jakob na patagilid na nakatingin sa kaniya. "Kung paano kami makipagsiksikan, kung paano kami tatakbo, kung saan kami magtatago  . . . para lang makakain. May mga pagkakataong hindi na 'ko makatakbo noon kasi gutom na ako, uhaw na 'ko, nanghihina na ako, pagod na ako. I wasn't physically fit. Ni hindi nga ako nagdiya-jogging noon."

Tahimik lang na nakatingin si Jakob kay Anya.

"Anyway, alam kong ayaw mong pinag-uusapan 'to. Gusto mo bang lumabas? Maaga pa naman. Parang gusto kong maglakad-lakad sa labas. Gusto kong magpunta sa dog pound." Ngumiti siya at tumayo. "Magpapalit lang ako ng damit. Puwede kang lumabas muna?"

Tumayo si Jakob at mabagal na naglakad papunta sa pinto. Nanatili namang nakaupo si Anya sa gilid ng kama habang tinantanggal ang medyas niya. Medyo sumakit ang paa niya sa sapatos dahil first time niya iyong isuot. Medyo nanibago rin siya na fitted ang pantalong suot niya kaya medyo hindi siya komportable.

Sa 'yo Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon