Chapter 57

3.3K 111 19
                                    

Isang linggo simula nang makilala ni Anya si Marjorie, palagi siyang excited na magpunta sa pantry. Sabay pa rin naman silang kumakain ni Jakob, pero madalas na kaunti lang ang kinakain niya para may rason para kumain ulit siya.

At sa tuwing dadating siya sa pantry, nandoon na si Marjorie na naghihintay sa kaniya. Mabuti na lang din at panghapon ang trabaho nito kaya mayroon silang panahon para magkuwentuhan.

What Anya liked about Marjorie was how she would treat her normally and how they would talk about the past. Halos pareho sila ng interest sa bagay-bagay at napag-usapan nila na kung magkakilala man sila na maayos pa ang lahat, magkakasundo sila.

Nauna lang nang isang taon si Marjorie sa kaniya. Dati itong nasa grupo ni Martin, pero inilipat sa Escarra nang kailangan ng mga babaeng ranger.

"Hindi ka naman nahihirapan sa pagbubuntis mo?" tanong ni Marjorie. Tinatanggal nito ang balat ng dalandan. "Nagbasa kasi ako noong nakaraan sa library tungkol sa pregnancy."

Hinaplos ni Anya ang tiyan niya. Medyo lumaki ito simula nang malaman nila ang tungkol sa pagbubuntis niya. Madalas pa rin siyang nagsusuot ng mga maluluwag na damit dahil medyo wala siyang confidence nitong mga nakaraan.

"So far, hindi pa naman ako nahihirapan. Looking back, parang mas nahirapan ako sa earlier months kasi nagsusuka ako, pero hindi ko pa naman alam na buntis ako that time." Natawa si Anya. "Ni hindi ko napansin 'yung symptoms, e. Nakakatawa."

"Normal naman siguro 'yun," sabi ni Marjorie na inabot ang orange sa kaniya. "At least ngayon, maaagapan mo na. Isang araw 'yan, hindi mo na namamalayang lumalaki na."

Dahil sa sinabi ni Marjorie, awtomatikong napangiti si Anya dahil excited na siyang maramdaman ang paglaki ng tiyan niya. Alam niyang excited na rin si Jakob dahil sa tuwing magkasama sila at mayroong pagkakataon, nakahawak lang ito sa tiyan niya, lalo sa pagtulog.

"Alam ko ring natatakot si Jakob sa pagbubuntis ko," pag-share ni Anya kay Marjorie. "Natatakot siyang magkaroon ng complication. Feeling ko naman, hindi. Naiintindihan ko naman ang takot niya, pero parang dahil doon, ako rin kinakabahan na."

Ngumiti si Marjorie. "To be honest rin naman, hindi mo kasi siya masisisi, e. Noon pa lang na kumpleto ang mga gamit, hindi maiwasan ang complications kaya hindi mo rin masisisi si boss," sabi nito.

Sinuklay ni Anya ang buhok gamit ang sariling mga daliri. "Naiintindihan ko rin talaga. As much as possible, sinusubukan kong i-explain sa kaniya na magiging okay lang kami ni baby. Sana maging okay lang kami. Ayaw ko ring mag-alala si Jakob, e. Sa dami ng alalahanin niya rito sa Escarra, ayaw ko na ring dumagdag."

"Ikaw naman ang priority rito. 'Yun ang sinabi ni boss sa 'ming lahat. Safety and well-being mo ang priority naming lahat ngayon kaya wala ka ring dapat ipag-alala. Hindi rin naman namin masisi si boss. Basta 'wag kang masyadong mag-alala." Ngumiti si Marjorie sa kaniya. "Tinutulungan naman naming lahat si boss ngayon para mas mapagaan ang lahat sa kaniya. Alam naman namin na ikaw ang priority niya."

Napanatag ang loob ni Anya dahil sa sinabi ni Marjorie. Gusto rin niyang magpahinga si Jakob dahil napadadalas ang meeting nitong mga nakaraan. Wala naman siyang alam dahil gustuhin man niyang magtanong, ayaw niyang maging pakialamera.

"Wala ka pang trabaho?" tanong ni Anya kay Marjorie paglabas nila ng pantry.

"Wala pa naman, Anya. Bakit?" Huminto si Marjorie sa paglakad. "May gusto kang ipagawa?"

Nahihiyang tumango si Anya at hinaplos niya ang buhok niya. "Oo sana. Marunong ka bang mag-braid? Medyo naiinitan kasi ako nitong mga nakaraan, pero ayaw kong pagupitan 'tong buhok ko. Kung marunong ka sana, ipapasuyo ko lang?"

Sa 'yo Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon