Chapter 67

3.7K 138 58
                                    

Jakob alerted Ares about the situation and everyone started working. It was just eight in the evening and it would be a long night, that was for sure. Mas lalo pang sumakit ang tiyan ni Anya at nakasandal na lang ito sa sofa.

He tried so hard to be calm, but couldn't and Anya noticed. Mayroon nang wheelchair na paparating sa unit nila galing sa infirmary para madala na nila si Anya roon. Ramdam ni Jakob ang panginginig ng kamay niya at nang magkatinginan sila ni Anya, malamlam ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.

Kinuha ni Anya ang walkie-talkie mula sa kaniya at pinatay iyon. Nakayuko si Jakob nang haplusin ni Anya ang pisngi niya.

"Magiging okay lang tayo," sabi ni Anya. "Tingin ka naman sa 'kin."

Pero hindi magawa ni Jakob. Kinailangan pang iangat ni Anya ang mukha niya para lang magtama ang mga mata nila. Malalim ang bawat paghinga ni Jakob at gustuhin man niyang umiwas sa tingin ni Anya, hindi niya magawa.

Anya gave Jakob a warm smile and tiptoed to kiss the side of his lips, but Jakob was quick enough to kiss her lips instead. Their lips moved in sync. Anya wrapped her arm around Jakob's neck while his arm was around her waist.

Jakob was the first to pull away. He rested his forehead against Anya's and shut his eyes.

"Natatakot ako, Tanya," bulong ni Jakob at hinalikan ang gilid ng nooo ng asawa. "Natatakot ako. Aaminin ko, natatakot ako ngayon."

Pumikit si Anya at mas idiniin ang sarili kay Jakob. "Ako rin," sagot niya habang magkadikit pa rin ang noo nila. "Natatakot din ako. Kinakabahan ako sa mangyayari, pero alam ko namang hindi mo kami pababayaan. Basta kung ano ang napag-usapan natin, stick na tayo roon, okay?"

Umiling si Jakob. "Yeah, but we'll survive. We both wanted this, but this is fucking scary, Tanya. P-Please."

"Ano ka ba?" Hinaplos muli ni Anya ang pisngi ni Jakob para kahit papaano ay pakalmahin ito. "Magiging okay lang kami at saka nandoon ka rin naman. May mahahawakan ako. Pagkatapos nito, tatlo na tayo. May baby na tayo."

Walang naging sagot si Jakob ngunit naramdaman ni Anya ang malalim na paghinga nito dahil tumama sa mukha niya ang hanging nanggaling sa ilong nito. Napapikit siya dahil mas lalo siyang kinabahan, pero hindi niya iyon ipahahalata.

Pumikit siya nang maramdaman muli ang pahilab ng tiyan dahilan para humiwalay si Jakob at titigan siya. Kinuha nito ang walkie-talkie mula sa kamay niya at narinig na nakikipag-usap ito, hinahanap kung nasaan ang wheelchair na dadalhin at kung maayos na ba ang lahat sa infirmary.

Anya could still tolerate the pain, but it was heavy. Her tummy was hard to touch and her knees were starting to wobble.

Nang maging busy si Jakob, maingat na naglakad si Anya papunta sa glasswall. Hawak niya ang tiyan, hinahaplos iyon, at bumubulong sa anak sa sinapupunan.

"Excited na rin akong ma-meet ka," bulong niya. "I wanted you, I asked for you . . . I prayed for you. Kahit na hindi ako sigurado kung meron pa bang nakikinig sa 'kin, I prayed for you." Ngumiti siya. "Please, 'wag mo 'kong masyadong pahirapan. Huwag tayong masyadong pahirap sa mga tao sa paligid natin, ha?"

Mula sa reflection ng salamin, nakatingin si Anya kay Jakob na palakad-lakad habang kausap si Ares sa walkie-talkie. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa dahil hindi niya iyon pinakikinggan. Mas naka-focus siya kay Jakob na sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri na hihinto sandali ngunit maglalakad at iikot ulit, pati ang malalim na paghinga nito ay nakikita niya, at ang minsang pagyuko na para bang nasa sahig ang sagot sa kung ano man ang gumugulo sa isipan nito.

Anya breathed and subtly smiled. She felt her tummy ache, it was still bearable, but it was more intense now. She inhaled and exhaled and felt someone caressing her back.

Sa 'yo Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon