Chapter 19

2.3K 95 26
                                    

Nicholas noticed that something was off. He tried to ask Anya if she was okay, and the answer was always the same. She was okay, and he didn't have to worry about anything. Kumakain sila ng almusal dahil papasok na rin sila sa kaniya-kaniyang trabaho.

"Dadaan ka ba muna kay Kuya Austin bago ka pumasok sa laundry?" tanong ni Nicholas kay Anya na nakatingin sa glasswall ng pantry. "O mamayang hapon na?"

"Baka mamayang hapon na," sagot ni Anya. "Lalabas ka ba ngayon ng Escarra?"

Umiling si Nicholas. "Sa pagkakaalam ko, hindi naman. Sasabihin ko sa 'yo kung sakaling lalabas kami. Bakit?"

"Wala naman. Sabay tayong mag-lunch, ha?" pag-aya ni Anya kay Nicholas na tumango. Iniabot nito ang tinapay na mayroong palaman na butter. "Thank you."

Nagsimulang kumain si Anya. Iniisip niya rin kung ano ang gagawin sa maghapon at kung saan siya pupunta pagkatapos niya sa laundry. Puwedeng sa daycare o hindi naman kaya mag-volunteer ulit siya sa infirmary tulad ng ginawa niya noong isang araw.

Dalawang linggo na siyang hindi nagpupunta sa bahay ni Jakob dahil sa pagkakataong ito, siya na ang umiiwas. Naaalala pa rin niya ang sinabi nito sa kaniya dahilan para makaramdam siya ng pagkailang. Ni wala siyang mapagsabihan, kahit si Nicholas, dahil hindi naman kapani-paniwala.

Siya mismo, hindi niya alam kung maniniwala ba siya o pinaglalaruan lang siya nito o baka naman mayroong ibang bagay na gusto sa kaniya, hindi niya alam. Wala naman silang malalim na interaction o conversation. Walang dahilan para maramdaman nito iyon.

Isa pa, alam sa buong Escarra ang tungkol sa kanila ni Nicholas. Halos mag-iisang taon na sila sa Escarra at kakilala na nila ni Nicholas halos lahat ng tao rito.

Anya didn't bother to think about it for days and focused on her daily routine. Sinabi na lang niya kay Nicholas na tapos na ang paglilinis niya sa bahay ni Jakob at kaya na ni Ate Rose ang lahat.

Maaga pa naman kaya nang matapos silang mag-almusal, naisipan nina Anya at Nicholas na maglakad-lakad. Magkasaklop ang kamay nilang dalawa habang pinag-uusapan kung ano ang gagawin nila kapag gumising na si Austin.

Humigpit ang hawak ni Anya sa kamay ni Nicholas. "Mahal."

"Bakit?" Tumigil sa paglakad si Nicholas nang maramdaman ang kamay niya.

"W-What if hindi na gumising si Kuya? Ang tagal na rin kasi. Isang buwan na." Suminghot si Anya. "Sabi naman ni Mary, normal naman ang vital signs niya. Wala namang problema, pero bakit hindi pa siya nagigising? Hindi rin daw kasi nila masabi kung ano ba ang nangyayari. Hindi nila namo-monitor ang brain activity niya kasi . . . wala naman silang machine."

Tipid na ngumiti si Nicholas at hinalikan ang noo ni Anya bago muling hinawakan ang kamay at naglakad papunta sa ilalim ng isang puno malapit sa infirmary. Naupo sila sa bench. Magkadikit ang braso nilang dalawa, nakahawak si Anya sa kamay ni Nicholas.

"To be honest, ayaw ko sanang isipin. Ayaw ko rin sanang sabihin sa 'yo kung ano ang iniisip ko, kung ano ang pinag-uusapan ng iba rito, kasi pare-pareho nating hindi alam kung ano ang nangyayari," sabi ni Nicholas sa mababang boses. Rinig ni Anya ang lungkot. "Gusto ko na rin nga siyang makita."

Nalungkot si Anya dahil ilang beses na niyang tinanong si Mary at ang mga doktor kung puwede bang papasukin din si Nicholas para makita si Austin, pero hindi puwede. Sinabi pa niyang kahit ibibigay niya ang slot niya for the day, pero hindi pumapayag ang mga ito dahil siya lang daw ang nasa instructions ni Jakob.

Dahil sa naisip, bigla niyang naalala ang sinabi ni Jakob sa kaniya. Everything started to make sense on why Jakob gave her permission to see Austin. Only her.

Sa 'yo Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon