Chapter 27

2.3K 77 5
                                    

Anya had no idea where they were headed. It was still a little dark and she could barely see anything. Tahimik din dahil hindi naman nagsasalita si Jakob. Seryoso itong nakatutok sa daan habang nagmamaneho.

Humarap si Anya sa dinadaanan nila. As usual, wala silang ibang kasabay sa daan. Maluwag ang kalsada at maayos naman, pero minsan ay nalulubak sila, parang sira ang kalsada, hindi siya sigurado.

Hinaplos niya ang braso nang medyo makaramdam ng lamig. Naka-dress lang naman kasi siya dahil wala pa siyang panlamig na damit. Hoodie rin naman kasi ni Nicholas ang gamit niya noon.

"Kaya mo bang abutin ang bag sa may likuran? Hindi kasi ako puwedeng huminto rito," sabi ni Jakob. "May hoodie akong dala roon. You can wear it."

Nilingon ni Anya ang bag na sinasabi ni Jakob. Medyo malayo iyon kaya naman tinanggal niya ang seatbelt na suot at maingat na tumayo para maabot ang bag. Naramdaman niya ang pagbagal ng sasakyan habang kumikilos siya.

Sa loob ng bag, bukod sa hoodie, mayroong mga damit ni Jakob.

Kinuha niya ang hoodie na nasa pinakabungad. Bumalik siya sa pagkakaupo at isinuot iyon. Sobrang laki sa kaniya na halos ultimo tuhod niya, natakpan na, pero komportable.

"Seatbelt mo," paalala ni Jakob nang hindi tumitingin sa kaniya. "Nagugutom ka ba? Hindi ka nag-almusal."

"Nagkape ako," sagot ni Anya at humarap sa daanan. "Palagi ka bang dumadaan dito? Kabisado mo ba ito?"

"Hmm." Naging tipid ang sagot ni Jakob. "Madalas na dito kami dumadaan, dati itong expressway."

Nanlaki ang mga mata ni Anya at inaninag ang daan. Doon niya nakitang maluwag nga ang kalsada, pero madilim, malungkot, at parang walang katapusan. Mahina siyang natawa nang maalala ang mga panahong halos hindi nauubusan ng sasakyan ang lugar na ito.

Jakob gazed at Anya when he heard a chuckle and she was squinting as if trying to see what was on the road. He subtly smiled when Anya even tried to check the windows if she could see anything.

"Later, you'll see a lot and . . ." he paused. "As much as I don't want you to, you'll see a lot more."

"Okay lang." Anya sat comfortably and breathed. "Alam ko naman kung ano ang itsura sa labas. Matagal akong tumira dito, kaya alam ko. At isa 'yun sa ayaw ko na rin sanang balikan."

Pasimpleng nilingon ni Jakob si Anya nang matahimik ito at seryosong nakatingin sa harapan. Mabilis na mabilis pa rin ang patakbo niya ng sasakyan dahil sa lugar na ito, hindi puwedeng mabagal lalo na at mag-isa siya. He knew the risk, but he also knew how to manage.

It was the reason why he chose the biggest armoured car to use. Bukod sa matibay ang gulong nitong hindi umeepekto sa ginagamit na patibong ng mga rebelde, makapal ang bulletproof nito. It was the safest vehicle inside Escarra.

Gustuhin mang itanong ni Anya kay Jakob kung saan sila pupunta, hindi niya ginawa at nanatili lang siyang tahimik na naghihintay. Hanggang sa unti-unti na ring lumiwanag, nagkaroon siyang pagkakataon para makita ang dinadaanan nila.

They were still on the expressway and Anya felt her heart clench.

The once busy street was empty and eerie. Walang tao, walang sasakyan, at halos lamunin na ng kalikasan ang buong lugar dahil ang dating kalsada ay nagsisimula nang tubuan na ng mga damo sa gitna. Nagsisimula na ring mag-crack ang ilang daan. Ang dating mga billboard ay mayroon pa ring mga naka-display na pictures, pero butas-butas na. Ang iba naman ay faded na, ang iba ay may mga vandalism pa.

May vines na rin ang mga bakal na tinatayuan ng mga billboard.

"Noon ba, maraming sasakyang naka-park dito? Like . . . mga sasakyang nakahinto na lang?" Nilingon ni Anya si Jakob. "Hindi na kasi ako lumabas noon kaya ang nadatnan ko na, halos sira-sira na. Parang chop-chop cars?" Ngumiti siya.

Sa 'yo Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon