Chapter 32

2.5K 95 23
                                    

"O, ito. Inumin mo 'to." Ibinaba ni Ate Rose ang baso ng calamansi juice. "Nag-utos na rin si Jakob sa infirmary na magdala ng gamot dito para sa inyong dalawa."

Suminghot si Anya habang itinatali ang may kahabaang buhok niya. Nagising siyang masama ang pakiramdam. Sinisipon, masakit ang ulo, at halos hindi makabangon. Ganoon din pala si Jakob at ilang tao sa labas ng Escarra.

"Ate Rose, okay na po. Thank you," pasasalamat ni Anya. "Uwi ka na rin, Ate, para hindi ka na mahawa sa 'min ni Jakob. Ako na po ang bahala rito."

"Ano ka ba! Ayos lang." Natawa si Ate Rose. "Pinatatanong pala ni Jakob kanina kung meron ka bang gustong kainin. Magpapaluto na lang daw sa pantry at ipadadala rito."

Nagsalubong ang kilay ni Anya at bago pa man siya makapagsalita, nangati ang ilong niya dahilan para mag-sneeze siya. "A-Asa'n ko si Jakob? Pumasok po ba siya?"

Tumango si Ate Rose at tumigil sa pagpunas ng lababo. "Oo, maaga siyang umalis kasi parang may tatapusin daw na trabaho. Nagpakuha naman siya ng breakfast para sa 'yo kaya may mushroom soup ka riyan at pancake. Kung may iba ka pa raw na gusto, sabihin mo sa 'kin para makapagpakuha ako sa pantry."

Hawak ni Anya ang mug na mayroong mainit na calamansi juice. Maingat niya iyong ininom at gumuhit sa lalamunan niya ang pinagsamang asim at tamis mula sa honey na inilagay ni Ate Rose. Ilang beses din niyang sinabi rito na umuwi na, pero ayaw siyang iwanang mag-isa. Nalaman din niyang marami ang may sakit sa labas.

"Akala ko masama ang pakiramdam niya? Bakit po siya pumasok?" tanong niya.

Ngumiti si Ate Rose at hindi sinagot ang tanong niya. Nagpatuloy ito sa paglilinis ng lababo bago kinuha ang mop para sa floor tiles ng kusina. Hindi na niya kailangang magtanong ulit dahil alam na niya ang sagot. Minsan na iyong nabanggit sa kaniya ni Ate Rose na kahit may nararamdaman, lumalabas ng bahay si Jakob dahil hindi nito matagalan ang pagiging tahimik ng buong bahay.

Anya sneezed multiple times and her face became red. She laughed and looked at Ate Rose who was busy cleaning the kitchen.

"Ate, bukas na lang po 'yan. Ayaw kong mahawa ka po kasi mas mahihirapan ka." Suminghot si Anya. "Puwede po bang pahingi na lang po ako ng favor?"

"Oo naman." Itinabi ni Ate Rose ang mop sa gilid ng pinto. "Ano 'yun?"

"Puwede po bang pakisabihan si Erick na papuntahin si Jakob dito sa bahay? May kailangan lang po akong itanong sa kaniya, importante po. Pakisabi na rin po kay Erick na gusto ko po sana ng sopas na may mga itlog at saka orange juice po."

Tumango si Ate Rose. "'Yun lang ba? Sigurado ka bang kaya mong mag-isa rito? Okay lang naman ako. Umiinom naman ako palagi ng Vitamin C na supply namin kaya walang problema."

Natawa si Anya. "Okay lang po ako, Ate. Magpahinga na lang din po muna kayo. Stay ka lang po muna sa bahay para hindi ka mahawa ng sipon."

Ngunit hindi kaagad sumunod si Ate Rose. Oo, sinabihan nito si Erick na ipatawag si Jakob at magpunta sa pantry, pero sandali pang naglinis si Ate Rose ng bahay, nagpalit ng bedsheet ng ginagamit niyang kama, at nagpalit pa ng kurtina.

Anya stayed in the living area while reading a book. Maganda ang panahon sa labas, maaraw, pero mukhang uso ang ubo't sipon. Marami rin daw ang mayroong lagnat kaya halos walang tao sa labas at naglalakad-lakad.

Ramdam niya ang sakit ng ulo at umeepekto na rin ang gamot na ininom niya dahil inaantok siya. Nagpaalam na rin si Ate Rose ngunit ipinagtaka niya na halos isang oras na simula nang makisuyo siya kay Erick, pero wala pa rin ito at si Jakob.

She stood up and was about to go upstairs when the main door opened. It was Jakob looking at her. He was wearing a mask and didn't look well.

"Nagpunta muna ako sa pantry." Ipinakita ni Jakob ang bitbit na container ng lahat ng ni-request ni Anya. "Nagpadala ba sila ng gamot dito? Uminom ka na ba?"

Sa 'yo Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon