Chapter 47

3.3K 119 28
                                    

At dahil okay lang naman kay Anya na mag-stay sila sa building na iyon, nag-decide si Jakob na roon na lang sila. Ipinadala niya ang isang ranger sa Olympus para kumuha ng ilang gamit tulad ng bedsheet, extra pillows, extra fan, at pagkain.

Ngunit hindi lang iyon ang ipinadala ni Ares dahil nagpadagdag ito ng ranger na magbabantay sa ibaba at paligid pa ng lugar.

Nag-set up si Jakob ng lutuan at nasa may bandang balcony sila nakapuwesto. Nakaupo lang si Anya hindi kalayuan sa kaniya na naghihintay rin sa pagkain nila. Early dinner na rin ang gagawin nila hangga't maliwanag pa dahil mahihirapan na rin silang magluto kapag dumilim na.

"So, hindi ka na gaanong nagpupunta rito?" tanong ni Anya.

Umiling si Jakob. "I don't feel so alone now," sagot niya.

Ngumiti si Anya at ipinatong ang baba sa sariling mga tuhod. Patagilid itong nakatingin sa kaniya. "Baka nami-miss mo ang alone time mo. Sa susunod, magpunta ka lang dito mag-isa para at least, 'di ba, nakakahinga ka pa rin. Walang manggugulo sa 'yo. Ang advantage lang ngayon, 'pag nagtanong na sila kung nasaan ka, may idea na ako. Hindi ko man sasabihin sa kanila kung nasaan ka, at least kahit ako may idea."

"Hindi na ako pupunta ulit dito nang hindi ka kasama." Kinuha ni Jakob ang pinggan ni Anya. "But if you feel like taking a break, sabihin mo lang sa 'kin. We can go here anytime."

Anya nodded and smiled. They both ate their dinner while talking about their lives before everything happened. The topic was opened out of nowhere when Jakob started talking about her mom's project. She noticed how low Jakob's voice was.

"May mga pagkakataong iniisip pa rin talaga namin nina Ares kung ano ba ang nangyari, pero wala na talagang kasagutan, e. We'll just have to move forward and live lalo na at may mga nakaasa sa 'min." Jakob smiled bitterly. "But I miss my dad. We were so close. The day they were killed, it felt like I lost everything. My hero, my best friend, my father."

Nanatiling tahimik si Anya at nakatingin lang kay Jakob. Halos hindi na niya malunok ang pagkain. Hindi na rin siya nagtanong nang huminto na ito.

"Ako naman, I miss my parents and my older siblings." Ngumiti si Anya. "I really don't talk about them, kahit kay Nicholas kasi . . . I just wanna live as if I was all alone even before all of this happened para na rin hindi masyadong masakit lalo na at wala akong idea kung kumusta na sila."

Si Jakob naman ang nakatingin at nakikinig kay Anya. Nakayuko ito, hinahalo ang sabaw na kaluluto lang niya, at may ngiti sa labi habang nagkukuwento.

"When I finally convinced myself that I was all alone after this happened, hindi na ako masyadong nasasaktan. Wala na akong ibang iisipin sa past and I already accepted na may possibility na hindi ko na rin talaga sila makikita." Suminghot si Anya. "I just hope they're well. They're surviving and nakakakain sila nang maayos tulad ko."

. . . and because the conversation became deeper, Jakob tried so hard to divert the topic into telling Anya some stories about his plans about Escarra. He noticed that Anya wanted to stop the conversation about their families, too.

Nang tuluyan nang dumilim, inayos na ni Jakob ang hihigaan nilang kama. Sa lapag nakalatag ang kutson dahil wala namang bed frame. Electric fan lang din ang gamit nila. Mabuti na lang at medyo mahangin kaya hindi nila problema ang pagtulog mamaya.

"Patayin mo na 'yang ilaw riyan sa loob," sabi ni Anya. "Ito na lang ang gamitin natin."

Nilingon ni Jakob si Anya na nilalaro ang apoy sa kandilang nakapatong sa maliit na lamesa. Nakaupo pa rin ito sa balcony area habang nakapatong ang baba sa sariling mga tuhod. Paulit-ulit na pinadadaan ni Anya ang hintuturo sa apoy.

Sa 'yo Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon