Chapter 45

2.6K 114 19
                                    

Itinutulak ni Nicholas ang wheelchair ni Austin habang naglalakad sila sa park ng Escarra. Wala pang mga bata dahil maaga pa kaya naman silang tatlo pa lang ang nandoon.

Masarap sa balat ang init ng araw dahil maaga pa. Iyon ang hinahabol nila tuwing umaga para kay Austin.

"Upo muna tayo," sabi ni Austin na itinuro ang ilalim ng malagong puno. "Okay naman na 'ko. Gusto ko na lang magkuwentuhan."

Hindi kaagad sumunod si Anya dahil tinanggal muna niya ang mga dahong bumagsak sa slide. Malamang na maya-maya lang ay mayroong mga batang magpupunta rito para maglaro. Wala pa rin ang tagalinis dahil masyado pang maaga.

Sumunod si Anya at naupo sa bench katabi ang wheelchair ni Austin. Nanatili namang nakatayo si Nicholas habang nakikipag-usap dito tungkol sa trabaho sa garahe.

"Kumusta naman kayong dalawa?" tanong ni Austin dahilan para magkatinginan sina Anya at Nicholas. "Medyo matagal ko na kasing napapansin na parang may iba, e."

Nanatiling tahimik si Nicholas na nasa gilid lang ni Austin habang nakatingin kay Anya na walang naging sagot dahil nagulat din.

"Hindi ko maintindihan ang pakiramdam. Okay naman kayo, nag-uusap naman kayo sa harapan ko, pero merong kulang. Parang merong mali," pagpapatuloy ni Austin. "Hindi ko alam kung ako lang, pero naiintindihan ko naman na maraming magbabago sa loob ng isang taon. Alam kong private kayong dalawa pagdating sa pinagdadaanan n'yo."

Pasimpleng nagkatinginan sina Anya at Nicholas. Oo, napag-usapan nilang sasabihin na kay Austin tungkol pagsabi rito ng totoo, pero hindi nila napag-usapan kung kailan. Hindi rin kasi alam ni Anya kung kailan ang perfect timing, pero bahala na.

"Naalala ko kasi noon na okay naman tayo 'tapos may tampuhan pala kayo. Sa harapan naming lahat, maayos naman kayo." Malalim na huminga si Austin. "Hindi na 'ko magtatanong. Ayaw ko naman magmukhang nakikialam sa nangyayari sa inyo, pero kung ano man 'yan, sana maayos pa. Hindi kasi ako sanay na parang ang lamig-lamig n'yo sa isa't isa."

Anya looked down and cleared her throat. She wanted to say something, but couldn't. Nicholas observed and saw how Anya scratched the back of her hand. Mukha itong hindi mapakali kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan para mag-iba ang usapan.

Mukhang hindi pa handa, mukhang hindi pa matutuloy.

Nicholas asked Austin various questions and the topic immediately shifted when Austin started asking about Mary. Kung sabagay nga naman, halos ang dalawa ang magkasama sa araw-araw kaya hindi malabo.

"Kaso noong tinanong ko ang doctor, mukhang imposibleng makalabas ako ulit ng Escarra," malungkot na sambit ni Austin. "Sinabi niya sa 'kin na puwede, pero matatagalan kaya baka sa loob muna ako ng Escarra magtrabaho. Grabe. Pangarap ko pa naman sanang maging member ng Alpha Team noong malaman ko ang tungkol doon. Mabuti ikaw, Nicholas, nakapasok ka."

Nakikinig lang si Anya sa pinag-uusapan ng dalawa. Pinakikinggan niya kung ano ba ang ginagawa ng Alpha Team base sa kuwento ni Nicholas. Hindi rin naman kasi siya nagtatanong kay Jakob tungkol doon.

Alpha Team pala ang pinakapinagkakatiwalaan ni Jakob lalo na't si commander ang pinaka-leader ng grupo. Ito ang unang inuutusan kapag may importanteng gagawin sa labas o kukunin sa ibang grupo. Ang mga ito rin ang madalas na kasamang lumalabas ni Jakob kapag may kailangang gawin sa labas.

And by the looks of it, Austin was really looking forward to it. Hindi nga lang posible sa ngayon.

Nang tumunog ang siren na magsisimula na ang trabaho, nagpaalam si Nicholas kung puwede bang mauna na ito dahil may kailangang tapusin sa garahe. Austin and Anya agreed and they both stayed in the park.

Sa 'yo Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon