Chapter 20

2.5K 84 14
                                    

Mula sa likuran, pinatunog ni Anya ang buto ng daliri niya para maibsan ang kaba ngunit nadagdagan lang iyon nang marinig iyon ni Jakob na nagsalubong ang kilay habang nakatingin sa kaniya.

Sumandal si Jakob sa lamesa habang nakatitig sa kaniya.

"May b-boyfriend po ako kaya hindi puwede ang gusto mo," matapang na sagot ni Anya. Umiling siya at yumuko para iwasan ang tingin ni Jakob. "I can't give you what you want. Kahit ano, gagawin ko . . . 'wag lang 'to."

Jakob chuckled and shook his head. "Too bad, this is the only thing I want." He turned around and faced the glass windows. "You can go."

But Anya couldn't leave. Her own body betrayed her because she couldn't move an inch. She gazed at Jakob. "Boss, may boyfriend po ako."

"I know," Jakob said, and silence dominated them for a minute. "And I don't care. Alam mo kung ano ang gusto ko, it's up to you now. You can leave."

Her eyes were pooling with tears, and she was trying so hard not to cry but couldn't. The warm liquid rolled down her eyes, and then she sniffed. Jakob faced her this time and stared at her.

"B-Boss." Anya stuttered as she tried so hard to find the right words.

Nakatitig lang si Jakob sa kaniya habang nakasandal sa glass window na para bang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. His breathing was deep and ragged, his fingers were tapping the concrete behind him, and his jaw was clenched.

With one inhalation and an exhalation, Jakob stood up straight. He walked past her without words, leaving her alone inside his office.

Mula sa loob ng kuwarto, narinig niyang bumukas ang motor ni Jakob kasunod ang maingay na pagharurot nito. Naiwan siyang mag-isa sa loob, nag-iisip kung ano ang gagawin niya sa susunod.

Anya looked down and let her tears fall this time. She sobbed silently thinking about Austin and Nicholas. No . . . more on Austin. Kung sila lang ni Nicholas, puwede silang lumabas, pero naalala niya kung gaano kasaya si Nicholas sa loob ng Escarra.

Nang medyo mahimasmasan, lumabas si Anya ng opisina ni Jakob. Nginitian niya ang mga nakatingin sa kaniya, mukhang nagtataka rin kung bakit ba nandoon siya. Nagpalaam siya sa mga ito at paglabas ng pinto, sinalubong siya ng mainit na pakiramdam. Maaraw pa, masakit pa nga iyon sa balat.

Mabagal na naglakad si Anya habang iniisip kung ano ang posibleng mangyari sa mga susunod pa.

She remembered how Nicholas would tell her stories every night about the Escarra, the job, everything. Nicholas was happy and safe inside here. Nakatutulog at nakakakain ito nang maayos. Hindi na kailangang lumabas ni Nicholas at maglakad nang ilang oras para makakain sila.

Sa halos kulang isang taon nila sa Escarra, nakita ni Anya ang kaibahan. Nicholas looked contented and refreshed. Hindi ito basta na lang nakayuko sa sulok na para bang nag-iisip. Hindi na ito nakasandal sa pader, nakatingala, at nakapikit. Hindi na rin nito itinutulog ang gutom at nakatutulog na nang maayos.

Mabagal ang bawat hakbang ni Anya habang binabaybay ang daan pabalik sa infirmary. Hindi pa siya tapos maglinis doon nang ipatawag siya kaya iyon ang gagawin niya para malibang.

Binati niya si Mary na ngumiti sa kaniya at sinabing papasok muna siya sa kuwarto ni Austin kung okay. Mary nodded and Anya didn't waste a single second.

The moment she closed the door, memories rushed like a wave. Memories outside Escarra. How the people would treat other people. Naalala niya rin ang pakiramdam nang ilang araw na gutom. Kung paano sila naka-survive sa tubig, hindi niya rin alam. Naalala niya ang sigawan dahil sa mga rebeldeng pumasok sa building, kung paano sila tumakbo at magtago, at kung paano sila maghanap ng lugar na matutulugan.

Sa 'yo Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon