seventeen; "if... you like me?"

14K 590 57
                                    

Ring! Ring!

Ring! Ring! Ring!

Napakumot ako lalo nang makaramdam ako ng lamig sa aking balat. 'Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Ring! Ring!

Dahan dahan ko binuksan mga mata ko at nakita ko rin kagad ang liwanag galing sa bintana.

Umaga na?

Naalimpungatan rin ako dahil na rin sa tunog na kanina pa nagriring.

Siguro, may tumatawag kay Zac. 'Di naman pwede sakin dahil 'di ko naman dala ang cellphone ko.

Gagalaw na sana ako ng makaramdam ako ng bigat sa aking katawan na parang may nakapatong sa akin.

Napatingin ako rito at napalaki ang aking mga mata, "Z-Zac." Bulong ko.

Kanina pa kaya siya nakayakap sakin ng ganito? Sa nakikita ko sa kanya, mahimbing ang kanyang tulog.

Tumigil na rin ang pagtunog ng kanyang cellphone.

Ang bait pa ng kanyang mukha habang nakapilit ang mga mata. Sa nakikita ko rin sa kanya, mahaba ang kanyang mga pilik mata, matangos ang kanyang ilong at makakapal ang kanyang kilay.

Kung sasabihin ko ang totoo, almost perfect na siya. Since, naniniwala akong wala naman talagang perfect sa mundo.

'Di lang ang kanyang mukha, kundi ang kanyang katawan rin na halatang nagwoworkout ito at minamaintain ang kanyang balance diet.

Kitang kita ang muscles niya habang nakayakap sakin ng mahigpit.

Napapangiti ako sa nakikita ko ngunit binawi ko kagad ito nang marealized kong, kailangan kong tumakas sa pagyakap niya.

Dahan dahan kong tinanggal ang mabigat niyang braso at dahan dahan itong ilagay sa kama.

Nang makaalis ako sa pagyakap niya, dumaretsyo ako sa bathroom at nag-ayos ng sarili, ginamit ko rin ang spare toothbrush na sinabi sakin ni Zac na pwede kong gamitin bago ako makaligo kagabi.

"Kung iisipin ko ang nangyari kagabi, ang dami ko pa lang magiging problema." Bulong ko.
_________________

Pagkatapos kong magshower at mag-ayos ng sarili, lumabas ako ng bathroom at naabutang tulog pa si Zac.

"Ang himbing naman nito matulog. 'Di naman siya ganon sa dorm." Bulong ko sa sarili.

Naisipan kong gumawa ng almusal para sa aming dalawa kaya naman bumaba ako at naliwanagan kagad ako ng makita ko ang loob ng mansion.

Mas kita ko ang interior nito sa umaga kaysa sa gabi. Mas maliwanag at mas nakakaganang tumira dito kung ganon.

Kapag gabi naman, mas romantic...

Pinigilan ko ang sarili ko sa naiisip ko lalo na yung nangyari kagabi.

Hinanap ko ang kusina at napalaki nito na halatang dito ginagawa ang magagarang party ng mga mayayaman at marami itong katulong sa paggawa ng mga pagkain.

Lahat ay bago at halatang mahal ang mga set at equipment na ginagamit dito.

Tinignan ko na rin ang refrigerator kung mayroon mga laman, nang mabuksan ko ito, nagulat ako dahil halos puno ang refrigerator.

"Siguradong 'di nauubusan siya ng makakain dito." Napaisip rin ako na sino ang kumakain dito kung palagi siya nasa dorm?

Kumuha ako ng pwedeng gamitin para sa almusal, nang makita ko ang itlog at bacon, kinuha ko ito at nilagay sa side table.

[Book 1] Love has no bounds.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon