six; "the one and only queen of zac"

19K 646 82
                                    

It's already 8pm in the evening pero hindi pa din siya bumabalik sa dorm. Buti nalang at kumain na kami ni Seb at the same time, habang magkasama kami nagtatanong na naman siya kung kamusta na kami ng dorm mate ko.

I know he's concern about me, 'di ko naman maiwasan 'yun kay Seb. He's my best friend, he just wants me to be safe.

Habang iniisip ko ito, nag-aalala na rin ako baka malaman niya kung sino ang ka-dorm mate ko pero since nagtatanong pa rin siya and I think wala siyang idea kung sino nga... I'm still safe.

Hindi pa rin alam ni mama tungkol rito.

I'm safe.

Sinarado ko ang librong binabasa ko.

Nasaan kaya si Devil Zachary? Pero, Alex! Bakit mo siya iniisip? Huwag, nakakasama sa kalagayan 'yan.

Galit kaya siya sakin? Ano kaya naging problema? Bigla nalang kasi siya umalis ng dorm.

Kung galit man siya, dahil ba sa hindi ko pagsabi kung sino si Seb?

Eh, ano naman sa kanya? Anong pake naman niya kung may kausap akong iba? Sabi nga niya palagi, wala siyang pake.

Kailangan ko matulog ng maaga ngayon kung hindi malalate na naman ako ng gising at baka tuluyan na ako malate sa klase.

I hear my phone ringing and I looked at it.

Mama.

Anong sasabihin ko? Hindi pa ako handa makipag-usap sa kanya at maging sinungaling na bata. Dahil NEVER ako nagsinungaling sa kanya.

Again, I ignored the call.

Iisipin naman niya na maaga ako natutulog at ngayong gabi, definitely, alam niyang tulog na ako.

It stopped ringing.

I sighed in relief.

Nilagay ko yung phone ko sa ilalim ng unan ko, humiga na ako at nagkumot.

Nakalimutan ko pala isarado yung ilaw.

Babalik na kaya si devil? Alex, bakit ka naman magiging concern? Dahil sa kanya, nightmare yung pagdating mo dito sa university.

Hayaan ko na nga siya. Malaki na yun. Tumayo ako at pumunta sa switch para patayin yung ilaw.

Pero, bago ko mapatay yung ilaw, may biglang nagbukas ng pinto.

Dalawang babae ang nagpakita sakin.

Dalawang brunette, hindi maitim o maputi ang skin tone. Yung tama lang pero sa nakikita ko, magaganda sila, matatangkad at sexy.

"Oh. Sorry to barged in. Nandito ba si Zac?" Tanong ng nakared lipstick at nakaeyeliner na babae.

"Wala siya dito." Sagot ko.

"Teka. Ikaw ba si... Alex?" Tanong naman ng nakashorts at blouse.

Yung isa, nakasuot ng pants and sleeveless.

Pati ba naman sila kilala ako?

Oo nga pala, alam nilang lahat kung sino ako.

Lalo na kay Zachary 'Devil' Salvador.

Tumango ako at nagngitian silang dalawa.

"I'm Denny." Ngiti ng nakared lipstick at eyeliner.

Siya pala si Denny, yung narinig kong babae sa bathroom. Maganda siya compared sa isa at mukhang may boyfriend siya. Innocent look pero mas bagay kung walang lipstick.

"I'm Chelcy. Finally! Nakilala na kita." Sabi naman ng isa.

Cute siya at sexy sa kanyang suot na shorts. Siguro, maraming nagkakagusto sa kanya.

[Book 1] Love has no bounds.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon