forty five; mama

10.5K 371 27
                                    

Alex

"Please. Don't take her away. Please, no. Don't! Get away from her!"

Dahan dahan kong binuksan mga mata ko at makita kong gabi pa pala. Akala ko umaga na.

"Don't! Go away! Don't take her! Please!"

Bigla ako napatingin sa tabi ko. Tabi pala kami ngayon dahilan na gusto niya akong katabi at gusto din niyang magpalambing kaya ayun, nagkatabi kami. Si Zac, nakapikit at nananaginip.

Ginigising ko siya kagad, "Zac, Zac. Wake-up."

"I love her! I love her so much. Wag please." Hindi pa din siya gumigising.

"Gising. Zac, please. Wake-up." Sabi ko sa kanya at maya maya ay napadilat siya bigla at napabangon nang makita niya ako.

"Hey." Bigla niya akong niyakap ng mahigpit, "Akala ko. Akala ko wala ka na. Akala ko, hindi na kita makikita. Akala ko kinuha ka na sakin."

"Shh..." Niyakap ko din siya ng mahigpit, "I'm here. Nandito lang ako. Hindi ako mawawala."

"I can't... I can't let you go. Hindi ko na alam mangyayare sakin kapag nawala ka. Ikaw nalang natitira..." Iyak niya.

Bigla ko naisip yung family niya.

Nanay niya.

Tatay niya.

Pinsan niya.

Iniwan siya ng mga magulang niya. Yung pinsan niya hindi naman niya masyado nakikita.

Naaawa ako sa kanya pero hindi ibig sabihin kung bakit ako nandito kundi mahal ko talaga siya. Tunay yun. Walang duda.

He let go and holds my face.

"Promise me, promise me that whatever happens, you will not go. You will not leave me." Iyak niya pa din.

Tumango ako sa kanya, "I promise."

"Okay na ba pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya.

"Yea. Thanks." Sagot niya at pakiramdam kong inaantok pa siya kaya...

"Let's go to sleep." Aya ko sa kanya at humiga kami parehas, niyakap ko siya ng mahigpit at maya maya ay nakatulog na siya.

Tinignan ko mukha niya at pawis na pawis siya, pinunasan ko ito at kitang kita yung mga luha niya.

"Mahal na mahal kita." Bulong ko at pinikit ko na mga mata ko....
________________

Ring! Ring! Ring!

"Um..." Dahan dahan kong dinilat mga mata ko at nakita kong hindi pa umaga. Mag-uumaga na pero masyado naman maaga yung alarm ko.

Ring! Ring! Ring!

Kinuha ko yung phone ko at nakita kong hindi pala yung alarm ko ang nagriring kundi...

"Mama?" Gulat ko sa sarili ko.

Bakit tumatawag ng ganitong oras si mama?

Tumingin ako sa tabi ko at mahimbing na natutulog si Zac. Baka magising pa siya kung dito kami mag-uusap.

Tumayo ako sa kama at lumabas ako ng dorm.

Ring! Ring! Ring!

Sinagot ko ito...

"Ma? Bakit ka napatawag? May nangyare ba?" Tanong ko.

"Anak, sorry sa abala. Alam kong nagpapahinga ka ngayon. E, maya maya pa naman klase mo diba?"

"Um, opo. Pero, ma. Okay ka lang ba?"

"Oo, ayos lang ako. Um, gusto sana kita makita ngayong araw. Wala akong pasok ngayon at gusto ko makasama anak ko. Okay lang ba yun?"

[Book 1] Love has no bounds.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon