thirty one; "first love?"

12K 432 16
                                    

Nang matanaw ko na yung lugar, nanlaki mga mata ko. Hindi ko akalain na ganito kalaki yung pinupuntahan nila. Akala ko isa itong maliit na venue kung saan mga ilan lang ang mga tao.

Hindi lang mga estudyante galing sa Chester University ang nandito, nandito rin ang ilang mga taong taga ibang lugar.

"Wow." React ko.

"Anong wow?" Tanong naman niya habang naghahanap ng space kung saan pwedeng magpark.

"Gaano ba kayo kasikat?"

"I don't know. Hindi ko naman sila masyado pinapansin, sila Troy ang madalas mag-aya ng mga gig, at sila rin yung sumasagap ng mga lugar katulad nito."

"Grabe, kulang nalang kunin kayong banda ng isang agency." Sabi ko sa kanya at nakahanap na siya ng parking space.

He parks the car and he stops the engine.

"Yup, kaya ang lucky mo dahil may boyfriend kang sikat at SEXY." He even emphasized the word 'sexy'.

"Sexy talaga?" I chuckled and he opens the door for me and said, "Let's go." Aya niya at bumaba na kami sa kotse.

Hinawakan niya kamay ko at hindi ko mapigilan sarili ko na hindi mamula sa ginawa niya. Hindi ko talaga akalain na napakasweet niyang tao, wala kase sa mukha niya.

I laugh deep inside.

"Hawak niya kamay ko." Bulong ko sa sarili ko.

"Zachary!" Rinig naming sabi galing sa likod namin, lumingon kami at kakarating lang nila Troy.

"Bastards." Bulong naman ni Zac.

"Shush, language, Zac." Sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya sakin.

Lumapit na sila samin habang may mga dalang mga gamit. Sina Troy at Louis ay may hawak na mga gitara habang si Sam naman ay piano.

Piano ba yun? Ano ba ulit tawag dun?

"It's an electronic piano." Nagulat ako sa boses ni Zac na bumulong sakin.

"Alam ko." Sungit kong sabi at tumawa siya.

"Hey, Alex." Kumindat si Louis sakin at tinitigan siya ni Zac ng masama.

"What do you think of the place?" Tanong naman ni Sam.

"Ang daming tao! Hindi ko akalain na sobrang sikat niyo." Sagot ko habang nakatingin sa paligid.

"Aabot na naman tayo ng madaling araw nito." Sabi ni Troy habang nagkakamot sa curly quiff hair niya.

"Well, that's our life! We have to feel it!" Ngiting sabi ni Louis habang ineembrace sarili niya.

"Buti nalang at wala tayong klase bukas. Yes, freedom!" Palakpak na sabi ni Sam.

"Anong wala? Busy tayo bukas." Habol ni Troy.

"Yes, we need to discuss our first event." Sabi ni Zac habang nakahawak pa din sa kamay ko.

First event? Ano kaya yun?

"Awww may balak pa naman akong gawin." Banggit ni Louis.

"Ako din." Sabi naman ni Sam.

"Sam, Louis, don't be lazy again." Banta ni Zac sa kanilang dalawa.

"Yes, boss." Sabi na naman nilang dalawa at nagtawanan kami except si Zac na nagsusungit na naman.

Napangiti ako sa kanila, masyado silang masaya at parang nakakagaan ng loob makita silang ganito. Parang, feeling ko, safe ako kapag kasama sila.

"It's time." Sabi kagad ni Zac at hinila niya kagad ako at dumaretsyo malapit sa stage.

[Book 1] Love has no bounds.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon