thirteen; "i just want to call your name"

14.9K 545 28
                                    

This is my worst day of my life.

Never I thought, that I would be experiencing these things. Hindi ito yung pinangarap kong 'man of my dreams' 'date' o anuman. Walang tumama sa pangarap ko.

Lahat ng nararanasan ko ay bago sa akin at dahil bago ito, gusto kong pag-isipan ko ng mabuti ang bawat sitwasyon kaya lang, kapag may dumating na bago, may bago ulit na mangyayari. Paano ko iisipin bawat isa?

Malamang at sasakit ang ulo ko.

I sighed.

"Red? Blue? Yellow?" Bulong ko habang nakatingin sa mga swim suit na kanyang binigay kanina.

"Beige? Purple? Ang dami naman nito." Kausap ko na naman sa sarili ko.

Red?

Dahil siguro naisip kong gabi na at kitang kita ang dark red sa gabi, kumbaga lumilitaw ang kulay nito.

"Teka, bakit ko ba iniisip kung ano babagay sakin? Hindi ko gusto. Siya ang may gusto! Kapag 'di ko ito sinunod at nasa puder niya ako, baka anong mangyari sakin." Paliwanag ko sa sarili ko.

I sighed.

Sumunod nalang ako.

Sinuot ko na ang swimsuit na kulay red since ito na ang desisyon ko.

Nang makita ko ang bra sa akin, nagulat ako dahil sakto nga lang talaga sakin ito.

Ganito siya ka-expert sa cup size??

Nilayo ko ang iniisip ko sa ginagawa ko.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at 'di ko akalain na nagsusuot ako nito at masyadong sexy at revealing tignan.

Ganito pala ang itsura ko sa salamin na nakasuot ng ganitong damit. Hindi macocompare ang suot kong bra at panty araw araw.

"Tigil ko na 'tong kakatingin sa suot kong swimsuit. Kailangan ko na maghanap ng pantakip."

Tumingin ako sa paligid, "Nasaan kaya?"

Sabi niya pala, may robe sa cabinet. Tinignan ko ang cabinet ng pinagkuhanan niya ng mga swimsuit.

Nakakita ako ng puting robe, "Atleast may pangcover."

Kinuha ko ito at sinuot.

Napatingin ako sa malaking bag na nakalapag sa table niya.

"Ano kaya mga dala niya? Siguro mga damit lang niya." Bulong ko na naman sa sarili ko.

Out of curiousity, lumapit ako sa bag at dahan dahan binuksan.

"Siguradong magagalit sakin 'yun kapag nakita niya akong ginagalaw kanyang gamit."

Nakita ko ang iba't ibang camera at mga gamit na pangcamera katulad ng battery at iba pa.

May recorder na, may digital camera, video camera, ewan ko pero sa tingin ko parehas lang mga camera.

"Camera? Siguro mahilig siya magpicture picture." Sabi ko sa sarili ko dahilan na rin na multimedia arts ang kanyang kinuhang kurso.

Sinarado ko na ito at 'di na pinansin.

I sighed.

Umupo na muna ako sa kama at bigla ako napatayo nang maalala kong hindi ko ito kama at kama niya ito!

"Hindi ako makarelax kahit na sabihin niyang 'wag ako mag-alala. Paano ako hindi mag-aalala? Kaming dalawa lang ang nandito, magkasama pa kami sa iisang kwarto which is 'di na bago 'yon dahil magkasama namin kami sa iisang dorm, ngunit wala ako nakikitang isa pang kama para sa akin."

[Book 1] Love has no bounds.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon