twenty five; "i don't get jealous"

14K 517 24
                                        

I've been staring at it for a while now. This kind of feeling is a bit underrated for a kind of girl like me.

Ang dami kong firsts na nararamdaman at nararanasan nang magstart ako sa Chesterville University.

Lahat ng ito ay bago sa akin, 'di ko kasi akalain na possible pala mangyari ito sa buhay ko. Akala ko kasi sa movies o teleseryes lang ito nangyayari, pati rin pala sa real life story ng tao.

And I'm one of them.

Knock! Knock!

Napatigil ako sa kakatingin sa dress na binigay sa akin ni Zac nang may kumatok sa pinto.

"Alex? Are you there?" Rinig ko ang boses ni Trina at agad naman ako bumangon at binuksan yung pinto.

"Trina, 'di ko alam na pupunta ka, sana nakapagligpit ako ng kwarto-"

"Okay lang! Napakacute mo talaga na mag-alala at ma-utal." Napatawa siya at pinagpatuloy niya, "Nandito ako dahil sinabihan ako ni Zac mo na tulungan ka sa susuotin mong damit at sa make-up mo."

"T-talaga? Sinabi niya 'yon? Pero, nakakahiya, inabala ka pa niya."

"Sabi ko nga sayo, okay lang! Para naman 'di mo ako kakilala." She smiles at pumasok na siya sa kwarto.

"May dala na rin akong make-up at naiisip ko na kagad kung anong bagay sayo." Dagdag niya.

"M-make-up. 'Di ako sanay magmake-up pero, ibibigay ko ang tiwala ko sa gagawin mo."

Napatawa ulit siya, "Alex, you're too serious. Come on now, let's get started!"

Nahihiya ako pero at the same time, magaan sa pakiramdam lalo na't si Trina ang kasama ko at siya pa mismo ang gagawa ng make-up ko. Sa nakikita ko kasi sa mga outfits and make-up niya, simple and plain, 'di parang rockstar or heavy ang nakalagay sa kanyang mukha.

Pinaupo niya ako sa study table ni Zac at naglabas siya ng malaking salamin at nilagay niya ito sa lamesa then may malaki siyang kit at binuksan naman niya ito, laman ng mga ito ay make-up. Iba't ibang klaseng kulay at brushes.

"Parang magpipintura ka." Bulong ko.

Napatawa ulit siya, "Gagawin kitang Mona Lisa, Alex."

Napatawa na rin ako sa sinabi niya, "Baka magmukha akong gawa ni Picasso ha."

At sabay kami nagtawanan pa.

________________

"Ready?"

Tanong ni Trina nang maisuot ko na ang dress at 'di pa niya pinapakita yung make-up at ayos ng buhok ko dahil surprise nga daw ito.

I nodded.

Hinarap niya sakin ang salamin at napatulala ako dito. Late ko na narealized kung gaano ako nag-iba sa simpleng make-up at kasuotan lang.

"Alex, don't cry. Masisira ang make-up."

She panic.

I smiled, "Muntik na."

"I've never thought that I could change to something like this." Mahinhin kong sabi.

Napatigil si Trina at napatingin nalang rin sa nasabi ko.

She smiled and pats my back, "You didn't change for the worst, Alex. It's for the better."

Then I've realized,

Nagbago ako dahil sa kanya.

Para sa kanya.

"Now, now, Alex, it's almost time for your dinner date. You should get ready and wait for Troy to pick you up."

I nodded.

[Book 1] Love has no bounds.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon