thirty nine; search (part two)

8.7K 349 4
                                    

Alex

Dahan dahan kong dinilat mga mata ko dahil sa napaliwanag at nakita kong naaarawan ako galing sa bintana.

"Gising na siya." Rinig kong sabi.

"Good morning, princess." Nakita kong si Tyrone na nakangiti sakin.

"Umaga na?" Tanong ko.

"Hindi, gabi na. Kaya nga may araw e."

"Pilosopo lang? Nagtatanong lang ako." Sagot ko.

"See? Hindi ka hinanap ng magaling mong knight and shining armour kase... tulog pa din siya o kaya gising na siya pero wala na siyang pake sayo. At, hindi sila nakapagpractice for tonight. Ayos ba yung plano?" Tanong sakin.

Okay lang siya. Alam kong okay lang siya. Alam kong safe siya e. Nasaan kaya siya ngayon? Sana talaga makita ko na siya.

"Buti pa kami nakapagpractice na. Ibig sabihin, mananalo na kami mamaya." Ngiting sabi ni Jerome.

"Paano naman kayo makakasigurado na panalo kayo? Maraming magagaling na nakapasok sa sampung maswerswerteng banda."

"Alam mo, nakakairita ka talaga magsalita. Manahimik ka na lang dyan." Sabi naman sakin ni Seth.

"Wala kayong kwenta. Mandadaya pa." Taray kong sabi.

"Dyan ka lang until the battle ends." Sabi sakin ni Tyrone.

"Makakalabas din ako kahit itali niyo pa ako sa upuan at takpan yung bibig ko." Sabi ko sa kanila.

Teka, magagawa ko ba yun? Mali yata sinabe ko.

Maya-maya konti, ginawa nga nila yung sinabe ko. Pinaupo nila ako sa upuan at tinali yung mga kamay ko sa likod ng upuan at tinakpan ng panyo yung bibig ko.

"Hmm... urgh..." Kahit anong gawin kong piglas, ayaw pa din.

Bwisit 'tong mga 'to. Walang magawa sa buhay. Hindi pa ako kumakain. Gutom na gutom nako...

"Hintayin nalang naten maggabi."
_______________

Zac

"Kuya? Kuya! Gising po." Napamulat mga mata ko na hirap na hirap sa pagbukas nang marinig ko yung boses nasa harapan ko.

Pakiramdam kong ang laki ng eye bags ko sa pagpupuyat. Hindi ko din namalayan na nakatulog ako sa labas ng university.

"Okay ka lang?" Tanong sakin ng matandang lalaki na may hawak ng kariton.

"Kanina pa ba ako nandito?" Dahan dahan akong tumayo at tumingin sa kanya.

"Oho. Kanina pa din kita pinagmamasdan dahil mukhang may hinihintay ka pero nakatulog ka."

I yawned, "Uh, okay. Sige, umalis ka na."

Tinignan niya ako ulit ako dahan dahan nang umalis nang pigilan ko.

"Teka, may nakita ka bang babae?"

"Babae? Maraming babae ho dito. Sino po ba gusto niyo?"

Bakit ba ako nakikipag-usap dito? Siguradong walang alam 'to.

"I mean is... babae na nakapants, blouse... uhm, shorter than me. Ganon."

"Huh?"

"Wala, wala. Sige, umalis ka na." At umalis na siya habang ako naman dumaretsyo na sa loob ng university.

Papunta sa dorm at pagpasok ko dun, wala pa din siya.

Binato ko sarili ko sa kama at pinagmasdan ko yung paligid.

"Ang tahimik kapag wala siya." Sabi ko sa sarili ko.

Parang may kulay yung paligid kapag nandito siya kaysa ngayon na walang kulay dahil wala siya. Parang wala akong kwenta kapag wala siya. At parang wala akong buhay ngayon dahil wala siya sa tabi ko...

Hindi parang e. Tanggalin yung mga 'parang'.

I need to find her. I will not stop until I find her.

Tumayo ako at paalis nako nang may biglang bumukas ng pinto at tatlong lalaki yung bumungad sakin.

"You're alive!" Sigaw ni Louis at niyakap ako ng mahigpit.

"Man, we are worried!" Sabi naman ni Sam na niyakap din ako.

"We woke-up and we didn't see you there. So, we went here. Ano bang nangyare? Bakit bigla kami nakatulog?" Tanong naman ni Troy nang umupo siya sa study table.

"Bitiwan niyo nga ako. You're acting like babies." Sabi ko kila Sam at Louis at bumitaw na sila na nakangiti pa din.

"May naglagay ng pampatulog sa mga inumin naten. At sigurado ako na hindi trip trip yun. There's a reason for that." Sabi ko sa kanila

Sa totoo lang, muntik ko na sila kalimutan dahil nasa isip ko lang ngayon ay si Alexandra.

"Para hindi tayo makapagpractice at para matalo tayo." Sabi ni Troy.

"Shit. Kailangan naten malaman kung sino mga 'yon." Inis na sabi ni Sam.

"Hanapin na naten kaya sila ngayon?" Suggest ni Louis.

"Tama, ano, Zac? Are you in?" Sabi ni Troy.

Pero, kailangan ko hanapin si Alexandra.

"Hindi." Sagot ko at nagsitinginan sila sakin.

"What?"

"Teka, ikaw ba yan?"

"Uhm, meron pa akong problema. I need to find her." Sabi k osa kanila.

"Sino? Si Alex? Nawawala siya?" Tanong ni Troy.

"Yea, isang araw na siya nawawala at buong magdamag hinahanap ko siya pero hindi ko talaga makita."

"I'll help you." Sabi ni Troy.

"Wait lang. Paano naman yung problema naten?" Tanong ni Louis.

"We split up. You two find the losers while me and Troy will find Alexandra. Okay? Let's go." Aya ko kay Troy at umalis na kami.

"Saan tayo maghahanap?" Tanong ni Troy habang pababa kami ng hagdan.

"Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan tayo mag-uumpisa because I already searched everywhere pero wala."

"Did you check every dorm?"

Fuck! I forgot. Nope. I didn't!

"Let's check it now." Sagot ko.
________________

Vote pls, guys. Xx

[Book 1] Love has no bounds.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon