"Hoy, may assignment ka na sa Math?" bungad ni April sa akin pagpasok ko ng classroom.Binaba ko muna ang bag ko sa silya at kinuha ang aking Math notebook sa aking bag. Binigay ko sa kanya yon dahil alam kong gagaya na naman siya.
Hindi naman ako madamot magpagaya o magpakopya kahit na alam kong mali. Pero alam ko naman ang limits ko, kung hanggang saan lang dapat. Sa mga assignment and seatwork lang naman. Hindi sa mga quiz at exam. Gusto ko din naman kasing mag-review sila ng kanila.
"Thank you, Celesta. The best ka talaga. Balik ko na lang mamaya kapag natapos ako," aniya.
Tumango lamang ako. Hinayaan ko na siya. Inilagay ko ang earpods sa aking tainga at kinonekta ko sa aking bluetooth. Nagpatugtog ako. Ito ang ginagawa ko kapag papasok ako ng school.
I love listening a music while reading o doing something. Like, paggawa ng assignment, project, magbasa o ano-ano pa.
Pinapakalma din ako ng musika at tahanan ko na din ito.
First subject namin ngayon ay Corlang 02, sa Komunikasyon. May report kami ngayon kay Sir Jd at ako ang magre-report mamaya kasama ang mga ka grupo ko.
"Celesta, puwede ba akong magpatulong?" tanong ni Lyza na lumapit sa akin.
"Oo naman, saan ba yan?" I asked.
"Sa report natin, sa part ko mamaya. Hindi ko kasi alam kong paano ko siya irereport. Mayroon na sa utak kong paliwanag pero naguguluhan kasi ako, e," aniya.
Binasa ko sa PowerPoint kung saang part siya dahil hinati ko kung saang part sila para namang may ambag sila. May individual grading kasi ito na kung saan ako ang magbibigay ng grade kasi ako ang leader. Iba pa ang group grade.
"Kapag sinabing nanatili o frozen. Ito yong mga salitang hindi mo puwedeng baguhin. Ang halimbawa nito ay 'yong sa bibiliya at wedding," I explained.
"Bakit bibliya and wedding?" she asked.
"Hindi naman kasi natin puwedeng baguhin ang nasa bibiliya. At kapag wedding naman. Hindi ba may sinasabi ang pari?" she nodded. "Hindi naman nating puwedeng baguhin ang sasabihin ng pari," I explained.
Napatango-tango siya. "Ah, gets ko na. Ano naman kapag akademiko?"
"Ang akademiko ay puwede ding tawaging formal register. From the word formal. Pormal dapat ang mga salita at walang impormal. Kagaya ng sa talumpati, debate at kung ano-ano pang mga pormal," paliwanag ko ulit.
"Thank you, Celesta. Yan lang naman ang hindi ko na gets dahil medjo nalito ako. Thank you ulit," she said.
"Walang anuman. Tanong ka lang kapag may tanong ka pa and tutulungan naman kita mamaya if ever na hindi mo alam ang ipapaliwanag," I said. Ngumiti siya sa akin nang malawak at nag-thank you ulit.
Dito sa classroom namin. Iisa lang ang goal namin. Tulungan at aangat ang lahat kaya kapag may recitation ay nagiging group recitation kasi binubulong ng may alam ng sagot ang sasagot. Kapag may quiz naman ang bawat reporter lalo na sa dalawang subject ni Sir Jd dahil after mag-report ay magpapaquiz ang mga reporter. Ang nangyayari, nagsesend ng sampong sagot sa gc kaya hindi na zero.
Dumating si Sir Jd at nag-report lang kami. Reporting lang din ang nangyari sa ContSub 01. Tapos recess na. Pumunta ako sa canteen sa fifth floor kaysa sa third floor kung nasaan naroon ang room namin.
Grade eleven na ako at Humss ang strand ko. Alam ko kasing kaya ko ang strand na ito at nagbase din ako sa kakayahan na mayroon ako.
Bumili ako ng isang palamig at turon bago pumunta sa puwesto ko. Sa isang gilid kung saan tanaw ko ang magandang bundok. Masarap din kasi ang simoy ng hangin kaya madalas akong tambay rito kahit na mag-isa. Gusto ko din ng tahimik. Maingay kasi sa room namin.
YOU ARE READING
Love Never Ends (Sollano Brothers #4)
RomanceAfter a long year, Celesta finally said yes to Yielo on her graduation day. Even though Celesta's parents never came, that was the happiest she had ever experienced. The two of them had a secret relationship because Celesta's family did not accept Y...