Chapter 18

5.7K 62 6
                                    


"Goodluck, Celesta!"

"Alam naming kaya mo yan!"

"Magpapahanda talaga ako kapag nanalo ka!" sigaw ni Izzy.

"Baka naman joke lang yan!" sabi ni Heart.

"Gaga, hindi. Totoo, kapag talaga nanalo si Celesta," sabi niya. Mukha namang totoo.

"Weh? Kapag hindi magbabayad ka sa classifund ng five hundred!" Pananakot ni Heart

"Kapag totoo. Hindi mo ako sisingilin para sa class fund ng isang buwan," ganti naman ni Izzy.

"Oh, sige ba," matapang sabi ni Heart. Napailing na lamang ako sa dalawa.
"Hoy, narinig ninyo si Izzy! Kapag nanalo daw si Celesta ay magpapahanda siya! Tandaan ninyo hah!" sigaw ni Heart sa mga kaklase namin.

"H'wag kang paasa Izzy, hah. Pinaasa na nga ako," emote ni Telay.

"Walang connect, teh. Manahimik ka diyan. masyado kang broken," ani Izzy.

Napangiti na lamang ako.

"Basta galingan mo, Celesta. Pero kung manalo man o matalo. Be happy pa din! Pero malakas talaga pakiramdam ko na champion ka!" sabi ni Heart habang nakangiti

"Marami salamat ng sobra sainyo. Gagawin ko ang best ko, para sainyo, para sa school at para sa grades nating lahat. May dagdag daw tayong lahat sa quarterly kapay nagchampion ako," sabi ko sa kanila. Natigilan sila. Nagulat.

Wala naman kasi silang alam sa bagay na iyon. Secret lamang, sinabi ko na kasi ayaw kong mag-expect sila sa akin ng sobra dahil baka ma-dissappoint ka lamang sila.

"Secret lang iyon. Kunwari wala muna kayong alam. Gagawin ko best ko para may dagdag tayong lahat," sabi ko at ngumiti.

"Ano ka ba naman! H'wag mo kaming isipin. Kung ano man ang pinag-usapan ninyo ma'am na kasali kami. Hayaan mo na. H'wag mo i-pressure ang sarili mo. Baka mamaya iniisip mong kailangan mong galingan kasi umaasa kaming lahat sa dagdag sa exam," marahang sabi ni Heart ng lapitan ako.

"Hindi ko naman talaga naiisip, actually. Saka hindi na din ako umaasa na mananalo ako. Siguro makakapasok lang sa place. Iyon ang mapapangako sainyo, pero ang champion...mukhang malabo," iling na sabi ko.

"Kung para sa yo malabo. Sa amin, hindi! Ikaw ang pinakamatalino sa lahat ng grade eleven, Celesta. Overall ikaw ang rank one. Ninety five na ang grades na sumunod sa grades mong ninety nine. Ang layo ng agwat, di ba? Iba kasi ang talinong mayroon ka. Masyadong unique," proud na sabi ni Heart.

Nakaramdam naman ako ng hiya sa compliment niya.

"Hindi naman, pero thank you ng sobra..." sabi ko.

"Wala iyon. Sobrang hanga lang talaga ako sa yo," amin niya. Ngumiti ako.

Hindi niya alam na humahanga din ako sa kanya.

"Maraming salamat sainyo, hah. H'wag mo na sana kayong mag-expect ng malaki galing sa akin hangga't hindi pa nalalaman ang results sa magiging laban. But I'll do my best..." I said to them.

Kung ano-ano pa ang mga sinabi nilang nagpalakas ng loob ko. Nang makausap ko na sila ay bumaba na ako sa ground floor. Nakita ko naman sila roon.

"Pasensya na po, natagalan." Paghingi ko ng paumanhin.

"Ayos lang, maaga aga pa naman. Saka anong oras naman na mag-uumpisa iyon," sabi ni ma'am. I nodded.

Lumapit si Yielo sa akin.

"Goodluck," I said to him.

He smiled. "Goodluck too, love. Ang deal natin hah..." he whispered.

"Hindi ko naman nakakalimutan. Don't worry," I said.

Love Never Ends (Sollano Brothers #4)Where stories live. Discover now