Chapter 26

3.5K 52 1
                                    


"Huwag mo akong hintayin na may gawin pang hindi maganda diyan  sa lalaking iyan Celesta hangga't hindi ka sumusunod sa akin..." mariing pagkakasabi ni mommy.

Wala akong magawa kundi ang umiyak na lamang. Nanghihina dahil sa mga sinasabi niya.

Hindi ko kayang saktan ang lalaking walang ginawa kundi ang pasayahin ko. Ang lalaking siniguradong hindi ako sasaktan. Ang lalaking pinakita sa akin ang mundong mayroon talaga ako.

"Mommy...bakit kayo ganito? Ano bang mali kay Yielo at ayaw na ayaw ninyo sa kanya? Wala namang problema sa kanya, ah. Wala naman siyang ginagawang hindi maganda sa inyo kaya bakit ganyan na lamang kayo sa kanya?" nanghihinang tanong ko.

Imbes na maawa siya sa akin ay masama niya lamang akong tiningnan.

"Hindi mo alam kung ano ang ginawa ng pamilya niya sa amin Celesta kaya huwag mong sagarin ang pasenyang mayroon ako kung ayaw mong makita ang lalaking mahal mo na naghihirap..." aniya pa at matalim ang tingin na pinukol sa akin.

"B-bakit nadadamay kaming dalawa? Bakit kasali kami kung talagang may hindi pagkakaintindihan sa pagitan  ninyo at ng pamilya niya, Mom?" tanong ko.

Hindi ko talaga alam kung bakit hindi niya matanggap si Yielo. Una dahil akala niya ay mahirap ito nung hindi niya pa nakikilala at nalamang isang Sollano si Yielo kaya pinapalayo niya ako. Ngayon naman ay gano'n pa din at mas malala nga lang. Hindi ko alam kung anong dahilan niya bakit ganito siya. Bakit parang galit na galit siya sa mga Sollano.

"Ipaintindi mo sa akin, Mom! Sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit ka ganyan kay Yielo..." I said again. Hindi ko na naiwasan na pagtaasan siya ng boses.

I respect her so much pero parang sobra na ang ginagawa niya.

"Hindi mo na gugustuhin na malaman pa kaya kung ano ang pinapagawa ko sa iyo ay gawin mo dahil alam mong kayang kaya kong mawala iyang lalaking mahal mo sa isang iglap. Huwag mong hayaan na paglayuin ko kayong dalawa kung hindi ka talaga magkukusa..." aniya saka ako iniwanan.

Kagat labi akong umiiyak. Pinipigilan ang hikbi. Masakit ang puso. Patuloy ang paglandas nang mga luha sa aking mga mata.

Wala akong ganang kumain pagkatapos ng nangyari. Tulala ako sa kung saan at wala sa sarili. Ilang araw nang ganito kami ni mommy. Ilang beses kaming nagkasagutan dahil pinagtatanggol ko si Yielo. Hindi ko kayang pagsalitaan niya si Yielo ng masama kasi wala naman itong ginagawa sa kanyang hindi maganda.

Alam kong nawalan na din ako ng respeto kahit paano sa kanya...pero hindi ko kayang gano'n ang mga pinagsasabi niya. Masakit sa akin na hindi na irespeto ng sarili kong ina ang lalaking minamahal ko.

Dahil sa nangyayari... Hindi ko na din makausap si Yielo ng maayos. Hindi ako makapagreply sa kanya dahil nanghihina ako. Gulong-gulo. Hindi na alam ang gagawin.

Kanina pa maingay ang cellphone ko dahil sa ilang beses na pagtawag ni Yielo pero tinitigan ko lamang ang bagay na iyon. Ilang missed calls na pero wala akong sinagot hanggang sa namatay na lamang, at hindi na siyang tumawag muli.

Niyakap ko na lamang ang aking sarili atsaka doon umiyak nang umiyak.

Ngayon na nga lang ako nagmahal ng ganito ay hindi pa matanggap ng nanay ko. Nahihirapan na ako dahil kapag hindi ko sinunod si mommy ay alam ko talaga ang mangyayari. Alam kong totohanin niya kung ano ang sinabi niya.

Natatakot akong mawala si Yielo sa akin...hindi ko kaya. Parang mamatay ako dahil nasanay na ako kay Yielo.

I sobbed harder pero tahimik lamang ang aking pag-iyak. Nakaubub sa aking mga hita ang aking mukha, at hindi ko alam kung ilang minuto akong nasa ganoong posisyon. Hanggang sa naramdaman ko na lamang na may tumabi sa akin pero hindi ko pinansin

Love Never Ends (Sollano Brothers #4)Where stories live. Discover now